Pages

Thursday, July 24, 2014

Claim it!

Finally, dumating na yung sulat from Hawaii!! I am approved to take the licensure exam for nursing! Yahhooooo!!! So after ng medyo mahaba-haba at mapagpasensyang pag-proseso ng mga kapapelan, eh naging eligible na din ako. As I've said, mas magiging madaldal na ko sa blog sa mga pangyayaring katulad nito sa buhay ko. Hindi ko na itatago, para naman mas ma-enjoy ko yung buong process ng pag-abot ko sa mga pangarap ko.

So nasa California ako, pero pang Hawaii yung exam ko. Ang daming question mark di ba? Madaming nagtatanong bakit, at lagi ko naman sinusubukan i-explain sa kanila na complicated kase dito sa California, maarte kung baga. Kahit 2012 ako graduate, yung curriculum ko matagal na nilang binasura.

Excited ako kase pakiramdam ko isang take lang talaga ako! Oo! Ganyan ako ka-positive!! Walang paki-elamanan!

Nung nag-board exam nga ako sa Pinas, hindi ako nag-aaral pero feelingera ako na gagawan ako ng higanteng topnotcher-tarpaulin ng school namin. Walang halong joke, naiimagine ko talaga yun!

Iba din kase nagagawa ng CARL BALITA. As in congratumalasyon ang peg ng namin nung mga panahon na nagrereview kame! Meaning instead of saying good luck, eh nagsasabi kame ng CONGRATULATION!!! Claiming talaga na papasa!

Nag-promote ng review center?! Oo, mahal ko pa rin ang CBRC kahit na nagtatampo ako. Nagtatampo ako kase ba naman nung nilabas yung result, pangalan ko lang wala dun sa tarpaulin na nakakabit sa tapat ng review center, ano ba naman yan Dr. Carl? Lol.

Katulad ng sabi ko sa ilang kaibigan ko, ito ang percentage ng mga activities ko for preparation nung Nursing exam sa Pinas:

50% - novena sa St. Jude, Baclaran Wednesday, Quiapo Friday, Bisita Iglesia, at araw-gabi talaga na pagdadasal
20% - paglalaro ng SIMS 3
20% - pagkaen
10% - tulog

Pero I kid you not! Pumasa ako! Oo! Pasang-awa! Kaya siguro chinuppyy ako ni Dr. Carl sa tarpaulin. Bakit ka ganyan? It hurts! Yung isang unit kase dun sobrang baba na hinatak lahat ng score ko sa iba pang unit! --Nag-eexplain pa eh noh? Lol.

Wew! Muntik na ako mahulog sa bangin!! Kaya totoo talaga! Nadala ang board exam na yan ng pananampalataya!

Pero syempre, ngayon, bukod sa faith, SIMS 3 at pagkaen, honestly di na ako magpapabanjing-banjing. I'm so motivated mag-aral, kahit inaantok ako nagbabasa pa rin ako!

So tara goo!!! Dun tayo sa Hawaii! Magsusuot ako ng coconut shells!


-K.T. 2014

3 comments:

  1. That explains the coconut shell status. Congratulations!

    ReplyDelete
  2. Congrats!!!! Selfie ha with the coconut shells outfit!

    ReplyDelete
  3. Congrats te! Pass na agad yan, first take pa lang! Aja! :)

    ReplyDelete

Anong meron?