Ang sagot ko lang, "I AM HUNREE" habang nguya-nguya yung pagkaen ko.
Infairness, within a span of two days, nag lose naman ako ng 4 lbs. Hanep. Ngayon, kailangan ko ulit mangako sa kanilang tatlo na mag-seseryoso na talaga ako sa Monday ulit! Which is good, kase 4th of July this coming Friday, at panigurado lamunan na naman ang magaganap.
Sobrang saya ng araw ko especially na sa araw-araw eh may natututunan akong bagong paraan para mas mapagbuti ang trabaho ko. Sobrang smooth ng araw ko until nakita ko ang picture na nagkita-kita pala ang mga kaibigan ko to surprise si Nikoliyala for her birthday. Wala kase pwede mag-invite sa kin dahil for sure plan yun nung isa naming friend na nakaaway ko nga at actually in-unfriend na nga niya kase ako sa kanyang life and sa FB na din.
Pero in short talaga, it hurts you know? Gusto kong umiyak ng konti. Pero syempre hindi ako umiyak.
Tsaka naiintindihan ko naman na, onga naman, nag-away nga kame eh, paano nga ako iinvite? Ang loka naman di ba? That's why naintinidhan ko din ang mga taong kasama sa gabi na yun na hindi ko man kaaway eh hindi nagawang makapaglakas-loob na yayain ako. Walang may gusto maging awkward ang masayang surprise! I agree naman! At konting muni-muni at ayun naging okay na ako ulit.
Sobrang mababaw lang ako na tao (sa pananaw ko lang ah). I can be humble na humingi ng sorry at tumanggap ng sorry agad-agad, maniwala kayo o sa hindi. Ayuko kase nung nagtatanim ng sama ng loob. Not for the sake of the people around me, pero para sa sarili ko. Ayuko kase ng burden sa utak. Ang sarap kaya ng walang iniisip.
Kagabi nga may sinasabi sa kin si Mayk, isang bagay na hindi ko na maalala, reklamo ko siguro months way back! At ayun, na-confirm ko nga sa sarili ko, wala hindi ako marunong mag-tanim ng sama ng loob! Waley green thumb!
At isa pang pangyayari before the day end, my phone died! Literally died, hindi lang na-lowbat. Clueless ako kung ano talaga ang nangyari. Basta nung kinahapunan na, hindi na siya gumagana at ayaw na bumukas. Kailangan ko pa asikasuhin after work. Naka-Alcatel tuloy ako for the meantime habang hinihintay yung kapalit ng phone ko. Pero it was a good drive around town. Usually kase gumagamit ako ng GPS para makapunta sa paroroonan, pero kanina, napilitan akong hanapin ang mga lugar-lugar on my own, which is fun in a way.
All in all, I just feel na may reason pa rin si Lord sa lahat ng toh. I was not really frustrated or dissapointed sa mga panget na pangyayari today, kase alam ko naman na may dahilan behind it. Tsaka isa pa, hindi naman ka-OA ng mga nangyari sa kin, compare mo naman di ba? Tsaka di ba nga, the more na nakaka-experience ka ng mga challenges sa buhay mo, the more na possible kang mag-grow from the inside? Di ba? Di ba? Pakiramdam ko its God's way to make me flourish (flourish talaga? bumuka?) and His way to mold me to the person that I should be. Ayun lang. Naks.
-K.T. 2014

No comments:
Post a Comment
Anong meron?