Kaya ayun, nag-sorry ako at nagpatawad na rin. Mukha lang mahirap magpatawad, pero ang totoo mas madali yun kaysa mag-baon ng madaming madaming madaming sama ng loob. Hindi ko toh sinasabi for the sake na masabi ko lang at maisulat dito sa blog.
Sinasabi ko toh kase naranasan ko na toh 10 years ago. Alam ko na paulit-ulit ko na nga nakwento yun dito sa blog, pero ikkwento ko pa rin ulit. Highschool yun. Buong taon ako nagbitbit ng sama ng loob sa mga former bestfriends ko dahil sa isang napakaliit na bagay. Araw-gabi yun lang ang topic ng utak ko, at nadadagdagan yun kada nagsisiringan kame sa classroom. By the end of the year, may isa akong mahabang listahan ng sama ng loob. By the time na handa na kame mag-bati, ni-recite ko lahat, pero half way pinigilan ako. Napilitan akong makipagbati kahit masama pa rin yung loob ko. Pero after several days, dun ko pa lang na-realize na tama pala, sobrang gaan pala. Wala ka ng iniisip, sobrang mas naging free at sobrang peaceful.
Pero totoo lang, nafifeel ko na ayuko na lang umasa na magiging okay pa siya sa kin. I just feel na ganun na lang yun.
Kung sakaling ganun na nga, ayuko na din maghirap pa yung mga kaibigan namin. Totoo lang kase nakakapagod lang. Ayuko sa lahat taguan ng feelings. At yung naranasan ko within this past few days, sobrang high school na. Kahit ayuko ma-involve ang grupo, sila pa din ang pinaka-apektado sa lahat. Ayuko ng ganun. Someone always feel that they need to hide something and someone always feel sorry dahil siya yung kasama at hindi ako or vice versa. Sa tropa, kailangan straightforward, dapat totoo, dapat open, pero definitely sa napaka-awkward na sitwasyon ngayon, malabo. So, bahala na.
Pero I'm happy na nasabi ko na yung gusto kong sabihin sa kanya and I'm still going to be at peace with whatever her decision may be, makipag bati man siya sa akin or hindi.
-K.T. 2014
Anong ginawa mo? Tinext mo? Pano mo sinabi?
ReplyDeleteHindi talaga madali ang magpatawad. Ang problema sa mga tulad ko din ay yung minumunimuni ko pa talaga ang kasalanan nila. Ang masaklap diyan, hahanapan ko ng mga bibilical passages kung ano ang kaparusahan sa kasalanan nila upang makita ko pa kung gaano ka bigat ang kanilang kasalanan.
ReplyDeleteIsang bagay na hindi nahihirapan ko patawarin ay ang treachery. This coming saturday i will go to Rome and confront certain people na sinuportahan ko tapos in end mga magtataksil pa. I ought to forgive because that is what our ministers teach us.
Kung tutuusin the outward forgiveness, that is speaking out "I forgive you", is really easy. It's the inward forgiveness, yung mga emotions na dapat ma appease ang mahirap. It is really hard but that doesn't mean it's impossible.
And it always start with the easiest thing, and that is breathing out and pronouncing the words"I forgive you", and then the emotions and thoughts will follow in the due course of time.
Pero ang tiwala? HELLO! Hindi mo na trabaho yan. They have to work for it, harder than ever. One must forgive but it doesn't mean that one must readily trust the offender. Anong kagaguhan kaya yung magtiwala agad sa nagtaksil?!