Nakakarinig ka ba ng tao na nagsasabing, "Grabe hanep simula nung binigay ko ang faith ko sa Kanya, super to the max ang blessings sa buhay ko!"
Pakiramdam ko kase noon lagi ko naririnig toh: sa mga Homily, sinasabi ng mga religous na tao, o di kaya sa mga palabas sa TV. Parang di naman nag-sink-in sa utak ko kahit konti.
Ang main fear ko pagdating ko dito sa states eh baka mag-end-up ako as walang kwenta at matabang hobo at palamunin. Pero yun pala ang susi! Ang magpaka-feelingera ka at mag-assume na didinggin ni Lord ang mga dasal mo.
Sabi nga di ba? Kung nakasara ang mga palad mo, panigurado wala kang masasalo, pero try mo i-open. Be willing to receive your blessings. Di ba pag nasalok ka ng tubig, as long na naka-open yan, kahit sabihin mong konti at kapiranggot lang masalok ng palad mo, atlit meron pa rin!
At kung sakaling yung inaasahan ko eh hindi nangyari, hindi dun natatapos yung optimism. At the right time and at the right place, dadating yung tamang-tama para sa kin, something better!
Sobrang ibang-iba, sobrang opposite nung kinalalagyan ko ngayon compare sa kung nasaan ako a year ago. Hindi ako makapaniwala na parang kailan lang wala akong ni-sinkong butas, nag-cocommute ako araw-araw sa lamig ng panahon. Pero, salamat ng madaming madami dahil within a span of one year, pangalawang trabaho ko na toh, may mga kaibigan ako, at ngayon comfortable na akong nag-ddrive papunta sa work.
Hindi ko masasabing magarbo ang buhay ko ngayon. Alam ko kase na akala ng iba, especially nung mga naiwan sa Pinas, na ma-pera ka na agad kapag nandito sa ibang bansa. Pero masasabi ko na at the least, may kaya naman.
Si Joshua, na-inspire ako sa kaniya at sa family niya, kase nag-pprovide pa rin sila sa family nila sa Pinas kahit anong mangyari, kahit sila mismo gipit. Naisip ko naman, posibleh kaya yun na ako din matulungan ko mga kuya ko sa Pinas? Magkakasya kaya ang pera ko sa lahat ng pangangailangan ko plus sila kuya?
At isang simpleng dasal lang ang nagawa ko, "Bahala na, God please provide."
Seryoso, after one week, dumating ang bagong trabaho, with higher pay, with greater benefits, at 2 miles away lang sa bahay. Maniwala ka man o sa hindi ang prayers at faith pag pinag-combine, POWERFUL!!
-K.T. 2014

Congrats po and to god be the glory!
ReplyDeleteUna sa lahat, gustong gusto ko ang header mo ngayon :) Nakaka-good vibes ang iyong mga jump shots! lol.
ReplyDeleteAt mas malamig na rin sa mata ang kulay ng background.
Salamat talaga sa lahat ng ibinibigay sa ating biyaya :) Yan din ang tema ng buhay ko ngayon - "Salamat sa Trabaho". :)
Talaga nga namang inspiration yang Joshua na 'yan! Ako din e, sobra akong naiinspire sa kanya. Parangalan yan!
ReplyDelete