Pages

Sunday, August 3, 2014

I dated a gangster, joke, myself pala.


Tsuper lungkot nga ako ng ilang araw dahil miss na miss ko na si Mayk. Dalawang taon din naman kase akong nakatira sa bahay nila noon, so imagine naman yung pag-aadjust ko nung paglipat ko dito sa States.

More than one year na din ako dito, more than one year na akong nag-eemote. At dahil nga ilang araw na rin akong si manang kalungkutan, I've decided na I'll just make the best out of it. Kung iisipin naman kase, halos buong buhay naman namin lagi na kameng magksama gawin halos lahat ng bagay. Siguro God is giving me a chance ngayon ma-experience ang single life talaga.

So today, ako ay nakipagdate sa sarili ko!


First stop, LAMON!



Mukha lang ang baboy nung food, pero OMG! OMG talaga! Ang tsalap! Ang tsalap tsalap! Ano yan, explain ko lang ah, Double Cheeseburger at Chili Fries. Natabunan nung Chili yung fries kaya nagkaganyan. At hindi ko rin naubos sa sobrang dami, how I wish nandito si Mayk para hati na lang kame, pero wala siya at ako ay magpapakababoy na muna alone. Yum yum!



Then after lumamon, may energy na ako para mag-waldas ng sweldo! Pumunta ako sa Citadel, isa sa mga outlet stores dito. Woooooh! As I've said, I'm materialistically investing na para sa sarili ko, in a reasonable price pa rin.

Hayy.. at syempre di pwedeng di ko na naman maalala si Mayk. Naaalala ko sobrang tagal namin mag-ikot sa mall, sa divisoria, o kahit saan para mahanap namin yung the best na bagay na gusto naming bilhin. Kahit masakit sa paa, okay lang kase kameng dalawa naman, wala namang ibang naaabala. So dito parang di ko naman magawa yun kasama yung mga kaibigan ko, medyo hindi lang ako ganun ka-comfortable. Pakiramdam ko nape-pressure ako kahit hindi nila ako pine-pressure.

I'm so happy kase alam ko na lagi ko tinitipid sarili ko pagdating sa mga ganito, pero ngayon I was able to buy something I've been rooting for for a long time. Yang light denim skinny jeans na yan! I'm chooo happy. Nag-drive ako papunta sa next destination ko with a smile on my face. Seriously, mukha akong gaga.


Dumaan ako sa Barnes and Noble sa The Grove. I know kind of parang tanga lang kase galing ako sa isang mall, punta na naman ako sa isa pang mall. Mall hopping? Pero nandito lang talaga ako para manuod ng sine and that was supposed to be all, eh kaso ang tagal ng showing, kaya ayan tumambay muna ako sa book store.

Hindi ko alam bakit ako mahilig bumili ng libro, eh hindi ko naman binabasa, o binabasa ko lang pag trip na trip ko. Lol. Na-curious kase ako, may nakalagay kase sa store na recommended by staff, kase daw lahat ng bumibili nagiging wealthy. Hmmm.. na curious ka din ba? Don't worry, I'll let you know in 10 years kung totoo nga ba.



And finally, my last agenda is to watch a movie alone. Ngayon ko lang na-realize, as in at this very moment na tina-type ko toh, na never pa pala ako nanuod ng movie sa sinehan ng mag-isa. Dalawang eksena ang ikkwento ko. Unang eksena, habang nakapila for ticket, tingin ako sa harap ko, mag-syota, sa kaliwa, magsyota, sa kanan, mukhang magsyota pero ayaw magpahalata, kahit yata yung nasa likod ko pwera na lang kung magkapatid sila. Eh di kayo na may syota di ba at ako ay alone forever (for the mean time) --lol.. bitter... inggit. Pero okay lang, sa movie ako magfofocus at hindi sa mga couples around.

Then ito naman yung pangalawang eksena, habang hinihintay ko yung movie mag-start, may dumating na babae na parang naguguluhan siya bakit daw ako nakaupo sa upuan niya eh 15 upuan niya, sabi ko naman na pretty sure ako na 15 ako. Pinakita niya sa kin yung ticket niya na medyo burado na nga kaya di niya masyado mabasa na 16 pala ang nakalagay. Mag-isa lang din siya. Gusto ko sana siyang interviewin after nung maiksing explanation tungkol sa upuan, kaso magmumukha akong weirdo, kaya pinabayaan ko na lang siya at nginata ang popcorn ko.

Anyway, nanuod ako ng LUCY.  Nakaka-intriga siya, at magandang concept nung kwento at na-appreciate ko naman yung movie. May mga OA na parts lang na parang ang fiction talaga nung dating, pero nga naman, fiction naman talaga siya.


All in all, it was a pretty good experience to get out alone. Malapit ko na talaga mapatunayan sa sarili ko na loner ako. Haha. I'm thankful kase in spite of the gloomy at mainit na day, I was really able to enjoy itong pakikipagdate ko sa sarili ko. Nagkaroon ako ng chance mag-explore mag-isa, and I can say na carry ko naman pala. I felt na kahit konti lumabas ako sa comfort zone ko ng dahil sa ginawa ko.

Thankful ako kase safe naman yung pagbbyahe ko maghapon. May mga instances na napapaliko ako sa maling daanan, pero apparently mas okay pa yung daan na yun kaysa sa sinasabi nung GPS.  Tapos after ko manuod ng movie, may ateng sabi, "It's raining!" OMG! O-M-G talaga! Ambon ate! Ambon lang! Kung makapag-react naman talaga si ateng! Medyo kinabahan ako dun ah! Kaya pala ang init buong maghapon, dahil uulan pala sa gabi. First time ko din mag-drive sa ulan kagabi, kaya nakakatuwa, may dahilan ako para bagalan ang pagmamaneho ko. Lol.

Thankful din ako kase tingnan mo, I can go wherever and whenever on my own dahil nga may kotse na ko. I'm really genuinely happy today and I feel so blessed.



Totoo lang nakakapagod i-date ang sarili ah!!! Pero syempre, I am still looking forward pa din sa mga solo trip na ganito. I'm happy God gave me yung mga opportunity na ganito. Pero syempre, nothing beats yung idea na one day I'll be able to share moments like this with Mayk.


-K.T. 2014

1 comment:

  1. wow inggit much sana makapag travel din ako alone lalo pa sa ibang bansa sarap cguro noh.. ingats lang lagi sa byahe, wish ko lang mag car din ako ng sarili.. ung red color gusto ko.. charr


    ReplyDelete

Anong meron?