Pages

Wednesday, August 6, 2014

Beginning of the race for August Goals 2014.


There's a big smile in my fes! Paano medyo maganda ang simula ng August goals ko sa foods and exercise, fulfilled ako at masaya. Chelet eh noh? Third day pa lang eh todo yabang na ko.

Totoo lang, nakakatulong yung pag-publicize ko ng goals ko. Hindi ako yung klase ng tao na nappressure sa expectation ng iba, pero it worked! Na-pressure ako!!! Yung pag-post ko sa instagram, it helped me fulfill my goals. Maligaya na ako kahit pangatlong araw pa lang kase sa totoo lang never ko pa toh nagawa sa tanang buhay ko. As in never pa ko umabot ng third day! And I swear, to juice, walang solid food, water at tea lang ang kaagapay? Sobrang pakiramdam ko nag-iiba yung ugali ko, parang irritable, ang grouchy, ang zombie ng dating.



Big deal sa kin  ang lahat ng ito, lalo na to top yang paghihirap ko sa pagda-diet, eh ang goal ko pa na mag-burn ng 600 calories a day. Before ang goal na toh, ang usual calories lang na kaya ko talaga i-burn ay 200-230 calories lang. And as of now, I am able to reach this goal na 600, and you can imagine kung paanong hindi ako makapaniwala na kaya ko pala talaga i-test ang limit ko! Ang pakiramdam ko tuloy, si God ang nagbibigay sa kin ng enough energy to accomplish my goals, kase kahapon lang, pagod na pagod ako, pero after work-out I was still able to clean my room, at tupiin yung mga labahin ko.


At ito pa, natatawa ako kase kanina nung nagbibihis na ako ng pang-work-out, OMG! Pag tingin ko sa salamin may namumuong abs in top of my tabs. Hindi ako sure kung namamalik-mata lang ako! Hanggang ngayon natatawa pa rin ako pag nakikita ko! Imaginine mo naman kase ang matabs na may abs, lol!

Bukas I will be spending my afternoon with my dad, and actually excited ako kase alam ko na bukas makakakaen na ulit ako ng totoong pagkaen. By Friday, Saturday and Sunday, I'm not sure if I'll still be juicing. I'll find out, kase wala na yata akong pera pambili ng juice hahahahaha, pero kung hindi man, kakaen pa rin ako ng something healthy, HOPEFULLY! Lol.

In terms of my studies for the NCLEX, I think I need to focus more. Hindi ko na-aaccomplish yung 2 hours a day. Grabe kase, antukin kase ako when it comes to studying, totoo lang. As in pag nag simula na ako magbasa ng isang sentence, nag-shushut-down yung mata ko. Lol. But I'm still trying my best, nakakapag-aral ako ng 30 mins every lunch sa work.

So ayun lang, all in all, I'm really happy, hopefully yung motivation ko eh hindi mag-fade. At kahit na malayo pa yung kailangan kong i-accomplish for this month, I am positive! :)

-K.T. 2014

2 comments:

  1. Im happy for you Kamilshake, sana maging consistent ka lang hehehehe kasi sa umpisa mejo mataas pa ung drive pero after few months tatamarin ka na hahaha sana hindi ka tulad ko kasi tinamad na ako after months lol but you know ayokong sirain ang goal mo.. ^___^ goodluck kamilshake ^_^

    May the power be with you.. ayyiiii = D goodluck

    ReplyDelete
  2. congrats te! 600 calories wow!

    indeed halata naman na you lost weight na :) keep it up...aja! :)

    ReplyDelete

Anong meron?