Pages

Thursday, August 21, 2014

Hindi ako busy.

Hello. Kunyari wala akong ginawang goals nitong August. Kalimutan na natin ulit ang nabigo kong mga plano. Haha. OMG! Nakakahiya ka Kamil! Pa-post post ka pa ng mga goals mo, chelet.

Don't judge me okay?! Ganyan lang talaga ako, malabo sometimes.

Regardless of my failures sa pag-da-diet, at pag-aaral na rin, may palusot pa din ako. I have a lot of meaningful experience these past two weeks! At dahil jan I'm thankful and happy! Hephep, at ready na akong dumaldal dahil tapos na ang buwanang dalaw ko.


8.8.2014

Yung chuper miss ko na ang isaw doon sa kanto ng Lardizabal, at kwek-kwek sa may Isetan sa Recto. At sa wakas, somewhere in Panorama, CA, natagpuan ko ang pinaka-aasam-asam doon sa Toto's Grill! Thumbs up sa malinis na place na toh, organize at hand's on din yung owner!

Nagpunta talaga kame sa Panorama for Prayer meeting, so bonus lang talaga yung isaw at kwek-kwek.


Na-ampon na naman ako ng Villangca slash Licardo slash Pacelo family. Nagpunta kame sa Lake Gregory Something something park. Di ko naman akalain na aakyat pala kame ng kabundukan, hindi ko kinaya ang strength ni Christine, at nakaabot naman siya sa tuktok ng bundok with a slight paghihingalo. Bilib na talaga ako sa kotse ko, pramis.


8.9.2014

Super kadiri yung lake, as in. Kasuka!! Kaya nga di ko naintindihan bakit halos lahat naman ng nandun eh mukhang nag-eenjoy. Ikaw kaya ang tumapak sa di mo mawaring halamang tubig, para kang tumatapak sa tae. As in. Excuse me sa word, pero wala na akong ibang way to describe it. Sa malayo, akala mo mamaniin mo lang yang yellow and green play ground na yan sa kalagitnaan ng lake. Yung pag-tungtong ko pa lang para maakyat jan, parang mamamatay na ko.

Anyway, akala mo exciting na yan? Mas exciting nung pababa na ako nung bundok, solo flight sa aking kotse! Exciting!! Wala akong signal, wala akong GPS, at wala akong clue paano ako makakalayas sa makababalaghan na bulubunduking place na yun. Mga 15 minutes siguro akong nanghuhula kung sino sa mga nakakotse na sinusundan ko ang totoong bababa ng bundok.

Nag-praise and worship ako sa kotse ko ng wala sa oras, at ayun, He lead me the way naman at nakarating ako right on time sa sunod na trip ko sa buhay, sa isang wedding ceremony.... sino ikakasal? Sino pa? Eh di syempre HINDI AKO! Lol.



8.9.2014

First wedding ever na na-attendan ko. Loner ako buong ceremony at sa reception, pero okay lang dahil taglay ko ang pagiging natural sa pagiging awkward. Buti na lang friendly naman mga katabi ko, mga napilitang makipag-usap sa kin. Syempre medyo nainggit ako sa mga pangyayari sa paligid ko, wishing na sana someday soon eh ako din di ba?

Pero chill lang, dadating din ako jan. At chill lang, madami pa akong kwento. Pero hanggang dito na muna ang kadaldalan ko for today. K dot.


-K.T. 2014

1 comment:

  1. Tawa ako ng tawa sa parang tumapak sa tae hahaha :) Ako man mandiri ako kung ganun ang tatatapakan sa lake hehe. Baka sanay lang ang mga tao dyan na tumapak sa tae, lol!

    Ang saya naman at may kwek kwek at isaw dyan! Buti na experience mo ulit :)

    ReplyDelete

Anong meron?