At kagabi nga napanaginipan ko siya. Kaso sobrang sh*tty nung panaginip ko dahil BADING daw siya! Tapos worst, may iba pa siyang mahal! Syempre, lalake yung mahal niya dahil nga bading siya. Hindi ko alam bakit kailangan pa niya maging bading sa panaginip ko. Wala naman akong against sa bading syempre, pero gets mo naman siguro nararamdaman ko kung boypren ko malalaman kong bading, di ba? My Husband's Lover ang peg?
Iyak daw ako ng iyak dahil nakipagbreak siya sa kin. Pero tinanggap ko naman daw na wala na ako magagawa. Sa buong panaginip, ang sakit sakit ng puso ko kase feeling ko totoo talagang nangyayari. Alam mo yung kurba ng bibig mo kapag paiyak ka pa lang? Literal na nagising ako sa ganung state, at paiyak na talaga.
Buti na lang pag-gising ko puro message ng pagmamahal ang natanggap ko mula sa kanya sa wechat, at may blog post din sya dun sa private blog namin. Gising na ko. Panaginip lang. Ayuko na managinip ulit ng ganun.
Pero sh*t talaga, nanaginip na naman ako. This time, pinagpalit na niya ako sa babae! Well hindi naman talaga pinagpalit pero basta may instances dun sa pangalawang panaginip ko na pinabayaan niya ko at yung buong attention niya napunta dito sa isang babae. Galit na galit daw ako. Tapos nung binalikan niya ko, hindi niya alam kung anong ginawa niya para magalit ako ng ganun.
Hindi naman ako naniniwala na may meaning yung panaginip ko, or kung meron man meaning, hindi ako naniniwala na patungkol toh sa pagtataksil ni Mayk sa kin. Imposibleh. Pero aaminin ko, nalungkot ako dahil jan sa mga panaginip na yan. Sino ba namang hindi?
Sige na nga! Okay lang kahit hindi ko siya mapanaginipan, kung ganito lang din mga klase ng mapapanaginipan ko!
At syempre malungkot ako dahil nga napakalayo ko kay Mayk. Nung umalis ako at nagkalayo na kame ni Mayk, medyo nag-swak din yung sched niya sa oras ko dahil panggabi siya sa work. So pag-uwi niya sa umaga nagkakausap kame, and its all good. Pero lately sobrang nawiwindang ako sa binibigay na sched sa kanya. Magkahalong pang umaga at pang gabi. So may mga araw na hindi kame nakakapag-usap. Okay lang naman, kaso ang lungkot lungkot.
At ngayon mas expected pa namin na mas magiging complicated lalo ang communication namin, dahil nga lilipat na ko sa L.A., at wala pang internet or wi-fi dun sa lilipatan ko. Hindi ako nag-aalala sa mismong relasyon namin, dun lang talaga sa form ng communication namin. Walang araw na hindi ko naiisip na sana magkasama na lang kame ulit. Hayyyy.
original post: 8/27/2013


You worry too much that is why you dream of bad things. I have this admiration to those who are in long distance relationships. I did once and it didn't last, I couldn't do it. Maybe because there wasn't love.
ReplyDeleteSi mayk bading daw? Wahahahahahaha di ko maimagine. Kaloka!!
ReplyDeleteAbsence makes the love go fonder. Kapit lang sis magkakasama din ulit kayo ni mayk. =))
Hello Ms. Kamilkshake. It's been long established that I am against all forms of long-distance relationships, pero hindi ako mambabasag ng trip niyo.
ReplyDeleteAs for dreams, I am a firm believer that dreams sometimes show us timely message. Minsan galing talaga yan sa Diyos. It's been said by the prophets that young will dream dreams and the old will see visions. But I'm just being biblically apocalyptic.
Anyway hanga din naman ako sayo at kering keri mo pa ang ganyang relationship. How do you do it?
While I was reading this post about your dreams, it occurred to me that you're probably being... hormonal, i guess? That girl thing can sometimes trigger the brain to perform in such a manner. I'm not making fun of you ha. I'm just saying that you should not get carried away by such emotions and dreams because they're probably triggered by something else, and stop worrying. Don't think of sad thoughts.
The truth is, relationships usually don't get complicated, it's us who are always frustrated, worried, or we don't trust our beloved that much, or even ourselves for that matter. Though, I still advise you to listen to second and third opinions because this one is from someone who came out of disastrous and awkward relationships. Hahaha!
This is the first time ko mabasa ang blog mo, so I don't know much about you. So bakit ako nagpapayo ng ganito eh hindi naman kita kilala ng todo? Epaloid kaso ako, hehehe! So when was the last time ba kayo nagkita ni Mayk? Stay happy as you are because if you're destined to be with each other, walang magiging lover and husband mo. Come hell or high water, kung kayo talaga, kayo talaga.
Hmn, di ka ba nanonood ng My Husband's Lover? Baka sa kakapanood mo lang nun kaya ka nananaginip hehehe. Best wishes to you and Mayk.
ReplyDeleteHanga ako sa mga taong nagtatagal sa isang Long Distance Relationship. Just keep the faith! Alam kong magsusurvive kayo. :)
ReplyDeletePS: Baka nanunuod ka ng palabas na may juding kaya napanaginipan mong bading sya. Hehe.
Aww, I feel for you. Mahirap nga pag malayo ka sa special someone mo..pero kaya nyo yan, just always find a way to keep in touch and always remember your love for each other. Have faith. Soon enough you'll be together again.
ReplyDeleteSabi naman nila, kabaliktaran daw ang panaginip so safe na safe yan! Hindi sya bading! Haha :)