Pages

Saturday, August 10, 2013

Bastos.

Ngayon, kasama ko ang Nanay ko. At totoo lang malungkot ako pagkasama ko siya. Madaming pagkakataon nung nasa Pilipinas ako na excited na excited ako makasama ang Nanay ko, pero ngayon hindi na ako ganun ka-thrilled dahil nalaman ko na total opposite kame sa halos lahat ng bagay. Lahat!

May mga tao na mag-dodown sayo, at magsasabi sayo na hindi mo kaya, na mahina ka, na puro pasakit ka. Pero would you expect na mismong Nanay mo magsasabi sayo nun?

She wants life as she expected it to be, (at alam natin na hindi laging ganun) at kapag hindi nangyari yung gusto niya, nanggagalaiti at namumula ang buong ulo niya. I wanted to be something else, pero never siya naging supportive, at mababa ang self-esteem ko kaya nagsunud-sunuran na lang ako sa gusto niya.

Kaso, nakakapagod eh. Pagod na ko sumunod ng sumunod. Pagod na ko sa sapilitan niyang pagkokontrol sa buhay ko. Siguro, I get it, she's concern with my future, pero hindi naman ako magiging masaya sa gusto niyang mangyari, dahil hindi naman yun ang pangarap ko.

Nung una, hindi ako nananahimik. Nakikipaglaban talaga ako ng debate sa kanya. Matigas ulo ko eh! Hanggang sa di ko na pwedeng sabihin yung opinyon ko irregardless regardless kung tama 'toh o hindi, dahil kung mapapatunayan ko man na tama ako, mapaparatangan naman akong BASTOS, which is mali pa rin.

Nakakapagod. Paikot-ikot kame sa walang katuturan na topic dahil hindi siya yung tipo na open minded at handang makinig sa kung anong sasabihin mo.

She feels so unguarded din dahil sa aming tatlong magkakapatid, ako lang ang malakas ang loob na sabihin sa kanya na, "Ma, MALI KA!" Yun na nga, ako lang ang bastos.

She told me to stay out of her business, and I did.

Pero I admit, totoo naman, napansin ko nga na naging bastos na nga ako sa kanya.

At ayuko naman maging bastos. Pero ayuko din maging peke. Kaya I came to the conclusion na ang pinaka-solusyon ko sa relasyon namin ng Nanay ko ay ang TUMAHIMIK.

Alam ko marami sa inyo sasabihin, solusyunan ko toh at kausapin ko ang Nanay ko ng maayos, bla bla bla. Pero hindi kailan man mangyayari na mag-uusap kame ng maayos ng Nanay ko, dahil nabanggit ko na ba? Total opposite kame! Kahit mag-usap kame, mag-aaway at mag-aaway kame at may isang mag-wawalk-out! It's either pagod na sa kakasigaw or hindi matanggap yung katotohanan.

Sa ginagawa kong pag-tahimik, walang gulo, walang hindi pagkakaintindihan, at nagkakaroon ng isa o dalawang araw na walang nag-aaway. Peace and harmony! Ang sarap.

Kaya ako tatahimik (sa inyo na lang ako magkkwento, kung handa kayo makinig) dahil naisip ko matanda na rin ang Nanay ko. Hindi ko na siguro aasahan na magbabago pa siya ng ugali, at kailangan ko na lang tanggapin yun. Hindi ko na maaasahan na maiintindihan pa niya kung anong nararamdaman ko.

Pero please, please, don't get me wrong, mahal na mahal ko ang Nanay ko. Never ko naisip na sana may iba akong Nanay, at alam kong binigay siya sa akin for a reason. Pero hindi kame bagay na tumira sa isang bahay at mamuhay ng magkasama (tulad ng nangyayari ngayon).

Hindi ko na kaya. Kailangan ko na magpakalayo-layo.


 photo collage.jpg

4 comments:

  1. Irregardless.. double negative ka

    ReplyDelete
  2. I can feel you ate, parang ganyan din parents ko. Never nila ko pinagdecide sa buhay o naging supportive man lang, na tipong kahit damit mo paki-kialaman nila. Na sila na yung gumagawa ng mismong pagkatao ko, tsaka tama, hindi lahat ng bagay nadadaan sa usapan. Katulad ng mga taong close minded at palaging sila ang tama sa sarili nila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Minsan naiisip ko kakambal kita... same na same.. tungkol sa damit....hahaha

      Delete

Anong meron?