Kung gaano katumal ang buhay ko nitong apat na buwang nakalipas, eh siya namang ulan ng blessings nitong mga nakaraang linggo. Naaalala ko tuloy ang mga pagmumukmok ko dito sa blog tungkol sa kalungkutan ko dahil hindi ako makahanap ng trabaho. Pati na rin ang mga comment na todo suporta at palakas ng loob. Yung mga tipong "Pasasaan pa at makakamit mo din ang mga pangarap mo."At ikkwento ko na nga ang mga blessings na tinutukoy ko.
Kahapon, excited na excited ako sa lakad ko dahil solo flight akong pupunta sa Los Angeles. Sumakay ako ng train. Oo. Feel na feel ko ang mga pagkakataon na ganito kase feeling ko napaka independent ko.
Dalawang oras din ang byahe. At dalawang oras kong pinipilit matulog dahil feeling ko inaantok talaga ako, at nung sa wakas nakarating na ako sa REM stage, eh isang station na lang kame hanggang sa destination ko.
Hindi ko pa pala nasasabi bakit nga ba bigla akong pupuntang L.A.
Ito na! Sasabihin ko na! Pumirma na ako ng job offer!!!!! Oo!! May work na ko! Totoo na toh! At nasabi ko na, na temporary lamang ang trabaho na toh! At titingnan pa nila kung i-reregular ba nila ko or not base sa performance ko!! Pero masaya pa rin ako! Hindi kame agad nag-usap kung kailan ako magsisimula. Dito kase sa states laging may background
check kahit saan ka magpunta. Kahit dun sa volunteer job ko, hindi ako basta-basta natanggap dun. Ang dami ko ding inasikaso doon (paper signing, medical at background check) bago ako na-clear at natanggap bilang volunteer. Parang NBI baga sa atin, pero imbis na pipila ako sa napakahabang pila sa NBI eh ibibigay ko lang sa kanila ang mga kailangang impormasyon at sila ng bahalang magprocess ng lahat.
So in short, maghihintay pa ulit ako ng mga isang week (ayon sa HR na nag-asikaso sa kin) which is tamang-tama lang para sa kin dahil may gathering ako kasama mga relatives ko sa San Diego, at dahil maglilipat pa ako ng tirahan!
Oo!! Mag-momove na ko sa L.A!! Which is exciting kase mabubuhay ako mag-isa muli! At ang totoo niyan, kaya feeling ko sobrang blessed ako dahil nakahanap na kame agad kaninang umaga ng malilipatan ko!
Ang original plan talaga eh maghanap ng studio type apartment para sa kin. Meron naman kameng nahanap na nag-swak sa budget ko, kaso sabi ko nga di ba? Lahat dito bina-background check. Plus, gusto nung mga apartment na napuntahan namin eh ang proof of income ko! Eh hello? Di pa nga ako nag-uumpisa mag-work.
So hanap ulit kame (kasama ko ang Dadi ko at step-mom ko). Naghanap kame sa mga Filipino store ng mga fliers na advertised din ng mga kabayan natin. At dun nga namin nakita ang magiging land lord ko simula ngayon na tawagin na lang nating si Tita L!
Hindi 'to apartment, ito ay residential house! So para akong mag-boboarding house! Pero naging kampante sila Dadi dahil nga si Tita L ay Pilipino rin! Tapos unlike nung mga una naming pinuntahan na apartment eh may gamit na ang kwarto na rerentahan ko. (Hindi ko na pproblemahin ang pagdadala ng mga gamit at furniture na panibagong gastos pa). Maganda ang bahay, halatang na-mamaintain! At mabait at masayahin si Tita L! Actually, feeling ko super close na nga agad niya kay Dadi at sa step-mom ko! At eto pa ang panalo, may TFC sila Tita L!
Sobrang blessing na makita namin si Tita L! Masaya ako dahil nahanap namin ang fliers niya!!! Feeling ko talaga ni-lead kame ni Lord sa kanya. Kase ang baba lang ng deposit namin, at wala ng mga background check at hindi na rin nanghingi ng proof of income! Thankful talaga ako!
Sabi ni Tita L. "Safe na safe ang anak niyo dito." Una ko agad naisip, "Shet, hindi ako makakapagyosi dito." Haha! Sign yata ito na kailangan ko na tumigil. Pero mas pipiliin ko na syempre na may matirhan kaysa makahanap ng lugar na mapag-yoyosihan.
original post: 8/24/2013


Wow! Congrats sa new work! :) Sana mag enjoy ka sa bago mong trabaho. ^_^
ReplyDeletePS: Hinay hinay na sa yosi! Hehe!
salamat. Sana magbilang anghel ka!! At oo.. sobrang hinay na nga eh.. hiyang hiya na nga sa akin yung yosi hehe
DeleteAwww, congrats kamil! *apir* Bait ni Lord.
ReplyDeletesuper bait! at super blessed!
Deleteaaaw congrats...you deserve it.. good thing na nakita nio nga si Tita L na pinoy din.. excited ako for you.. :)
ReplyDeleteSalamat!!! blessing talaga si Tita L sa amin!! excited at anxious ako at the same time!
DeleteCongrats! Blessings yan, treat mo kami sa unang sweldo ha!
ReplyDeletenaku... sana may pang libre nga!
DeleteAng una kong napansin ay ang bonggang bonggang sapatos pa arbor nmn .....
ReplyDeletePede din bang mging close kay tita L? Hihihi! Gudluck sa new job!!!!!!!
madaming salamat.. uyyy gawa ko yan! (:
Deleteganyan talaga pag may pagsubok... may darating na mas maraming blessings....
ReplyDeleteenjoy enjoy lang..... ^___^ keep smlling....
Congrats ate! ^____^
ReplyDeletePero ang ganda ng shoes mo! :D yun ang una kong napansin! XD