Hindi ako makatulog. Nag-ha-hyper-active ang utak ko tungkol sa madaming bagay. Nagha-hyperactive ang isipan ko tungkol sa mga nangyayari ngayon at sa mga bagay na gusto ko mangyari sa future.
Nakakabaliw.
Nakakabaliw at nakakatakot minsan malaman na wala kang control sa future mo.
I used to feel good lying on my bed alone. Pero ibang iba na ngayon.
Dati pag-higa ko sa kama ko, in an instant kayang-kaya kong lunurin ang sarili ko sa magagandang panaginip ng kinabukasan. Pero ngayon, parang pira-piraso yung future ko. Parang itinago yung mga pira-pirasong yun at parang ginawang mga hidden treasure na kailangan ko hanapin. Kaso ang twist hindi nabigay sa akin yung mapa. Ang daming idea na hindi ko mapag-duktong-duktong. Hindi gumagana yung mga synapses ng utak ko.
Dati pagkayakap ko sa unan ko, na-iimagine ko agad na nakayakap din pabalik sa kin si Mayk. Pero after being with him everyday of my life for two consecutive years tapos sabay layo ng ganito kalayo, hindi ko na mahalintulad yung mga yakap niya sa unan ko. Hindi na. At nakakalungkot.
Ang gusto ko lang naman sana bukas pag-gising ko eh matapos ko na lahat ng kailangan kong tapusing duty dun sa volunteer job ko. Oo. Nag-vovolunteer ako ngayon. Sa isang Mental Health Service. At masaya ako sa trabaho na meron ako dun. Simple lang. Madali lang. Kayang-kaya ko. Confident ako sa ginagawa ko. Ang sarap sa pakiramdam na kayang kaya mong gawin yung task na binibigay sayo. Sana ganun lagi sa buhay, pero hindi pwedeng masanay. Kase hindi laging magiging ganun. Hindi laging magiging madali ang buhay.
At bukod dun, gusto ko lang naman sana na tawagan na ako nung trabaho na inapplyan ko. Gusto ko na talaga magkatrabaho. At hinihintay ko lang. Lagi kong iniisip na ibibigay ni Lord sa akin ang trabaho na yun at the right moment. Pero wala nga yata talaga ako pasensya. Pero wala naman ako magagawa kundi maghintay. Kahit mag-manik ako ng mag-manik dito sa kinauupuan ko, wala ako magagawa kundi mag-pasensya. Mag-hintay. Ang hindi ko lang alam eh kung kailangan ko ba talaga umasa. Mababa ang self-esteem ko. Minsan pakiramdam ko hindi para sa akin ang bagay na sinasabi na para sa kin. Sabi tatawagan daw ako dahil hindi sila makapag-decide kung saan ako ilalagay na pwesto. Sana hindi lang talaga sila makapag-decide tungkol sa pwesto. Kase tumutubo na sa utak ko yung ugat at nagiging prutas na yung idea na baka hindi ko deserve yung pwesto.
Pero maghihintay pa rin ako.
Tulad ng paghihintay ko sa future namin ni Mayk.
Alam mo ba sinubukan ko magpapayat nitong nakaraan habang in search ako for a job. Habang wala akong ibang mapagkaabalahan. Alam mo ba bumaba yung timbang ko. Nagttreadmill ako araw-araw kase hindi naman ako makalabas sa bahay para mag-jogging kase natatakot ako ma-abduct (seryoso).
Kaso nag-away kame ng nanay ko, at marami ng nangyari pagkatapos nun, at sa kwarto ko na siya natutulog (at sa sala na ko natutulog), at nandun yung treadmill sa loob nung kwarto at hindi na ako makatakbo sa treadmill kase ayuko siya ma-istorbo sa pagtulog niya dahil sa gabi siya nagttrabaho at kailangan niya ng katahimikan sa umaga. At wala na naman ako magawa sa maghapon ko, at ang lakas ko na naman kumaen. I bet tumaas na ulit ang timbang ko. Lalo tuloy akong nadedepress.
At kaya gusto ko na matanggap sa trabaho. Ang gusto ko lang naman talaga ay magka-work na. At pakiramdam ko dun pa lang magsisimula yung buhay ko. Gusto ko na tumira sa sarili kong apartment, at magbayad ng sarili kong apartment, at sarili kong kuryente, at bumili ng sarili kong grocery, at mag-ehersisyo ng madami para pumayat, at mag drive ng sarili kong kotse, at mag-ipon ng pera ko, at mag-invest sa something, at i-enjoy ang buhay ko.
Pakiramdam ko ang tanda ko na at pakiramdam ko wala pa rin nangyayari sa buhay ko.
Hindi ako makatulog kase isip ako ng isip ng isip. Nag-mamanik.
Nakakabaliw. Baliw na nga yata ako.
Pero kahit nakakabaliw malaman na wala akong kontrol sa lahat ng mangyayari sa future ko, wag ka mag-alala, alam ko namang okay lang yun. Alam kong ganun naman talaga ang buhay. May mga alam ako na hindi ko alam na alam ko. Alam mo yun?
Hindi mo lang alam, pero na-ikwento ko na sayo ngayon ang mga bagay na hindi ko kayang ikwento noon. Seryoso. Kaya salamat sa pagbabasa.

Ramdam kita sis. Nakakabaliw nga yung wala kang trabaho. Gustong gusto.mo ng magtrabaho pero wala pa rin. Gustong gusto mo ng maachieve yung mga goals mo pero di pa pwede di pa kaya. Nakakafrustrate!! Felig ko ang tanda tanda ko na rin pero wala pa akong nasisimulan sa mga pangarap ko. Wala pang nangyayari sa buhay ko. Pero kailangan nating magtiis sis di pwedeng madaliin ang buhay. May plano ang diyos sa atin. Dont worry. =)
ReplyDeleteThank you for sharing your thoughts. Ramdam ko ang sincerity sa post mong ito.
ReplyDeleteDon't worry, darating din ang tamang work para sa 'yo. You are still very young naman eh. I'm sure marami pang opportunities na darating sa iyo.
I wish you all the best. God bless.
This girl has turned into a woman (di ako sure sa grammar).
ReplyDeleteAng nais ko lamang iparating, para sa akin ito ang batayan na nagmatured na ang isang tao. Yung tungkol na sa pagtupad ng mga pangarap ang mga sinasabi. Yung hindi na puro wants at rants na kadalasang nakikita at naririnig sa kabataan ngayon. Yung hindi tungkol sa gadgets na gusto. Sana hindi magiging negatibo ang dating ng komento kong ito. Positibo ito.
Pasasaan pa't nariyan ang liwanag ng araw tuwing umaga at ningning ng mga bituin sa gabi bilang paalala sa bawat sangkatauhan.
Magandang araw Mam!
Sa tamang panahon... Hinuhubog ka kasi at magiging matibay ka sa kung anuman ang darating. Have faith!
ReplyDelete