Ayan ang sinabi ko sa isang interview ko. It may sound obscur. Nagulat yung nag-iinterview sa kin. "Most people don't like paper works." Ang dating tuloy parang mukhang sinabi ko lang yan para makapasok dun sa posisyon na inapplayan ko. Pero ang totoo niyan, nagpapakatotoo lang ako. Ayuko naman magsabi ng bagay na wala ako. Sobrang sincere ako nung sinabi ko yan.
Nag-start yung volunteer job ko last week. Ang saya ko. Sa wakas may pagkakaabalahan na akong productive. Simpleh lang ang trabaho ko dun. Mainly mag-organize ng mga bundok bundok na files na nabulok na sa stock room, i-record sa computer lahat ng data, batiin ang mga pumapasok-labas sa facility, at sumagot ng phone.
Wala akong problema sa mga papel, totoo lang, nag-eenjoy ako sa binigay na trabaho sa kin dahil sobrang confident ako na kayang-kaya kong gawin yun ng maayos o higit pa. At salamat na lang talaga nakapag-call center ako. Habang kinukwento ko nga toh kay Mayk, bigla ko na-realize, may reason talaga si Lord sa lahat ng bagay. Pinag-call center niya ako sa Pinas kase alam niya na ma-eexperience ko toh. Dahil dito, mas nakilala ko ang kultura nila at may significant na akong idea kung paano makipag-interact sa kanila na hindi ko alam noon, nung unang beses akong tumapak dito nung 2010. At thankful din ako sa volunteer job na toh dahil mas na-build-up din yung confidence ko na makipag-usap sa iba.
Naging inspirasyon din sa akin ang mga kasama ko dun. Ang program ng government facility na yun ay para sa mga client na nagka-problema sa buhay at kailangan ng tulong para makaahon, makapag-work, at masustentuhan ang kanilang pamilya at mga anak. At ang mga kasama ko naman dun ay mga nag-ka-counsel sa mga individual na toh. Kina-counsel nila ang mga client na naging depressive, alcoholic, drug-addict at nakaranas ng iba pang personal at emotional conflict sa sarili nila na nag-lead para mawalan sila ng trabaho o naging paraan para hadlangan sila na mamuhay ng masaya.
At kung ikaw yung tao na tutulong sa mga individual na toh, eh siguro napaka-fulfilling ng trabaho mo sa mundo. At syempre dahil ganun nga ang trabaho ng mga kasama ko sa work, ang sarap nila makasama sa office. They will make you feel better, at comfortable at special. Masaya ako dahil lagi din nila ina-acknowledge ang maliit kong existence sa facility. It means so much to me. Sobrang saludo ako sa mga kasama ko sa work, to the point na naisip ko, "sana may ganun din akong fulfilling na duty dito sa universe."
Sa ngayon, masaya talaga ako. Napansin ko nga kagabi na nakangiti ako for no reason (or siguro na-i-stuck lang ung jaw ko sa ganung position dahil kailangan ko ngumiti sa mga pumapasok sa facility namin).Unti-unti nang ibinibigay ni Lord sa akin yung mga hiningi ko sa kanya. Sabi niya sa akin, "more pasensya pa Kamila!" At parang wala na akong ibang choice ngayon kundi mag-move-forward. Mas nagiging meaningful na sa kin yung feeling na hindi ko alam kung anong mangyayari sa kin bukas o sa makalawa, dahil nandun na yung mind-set na it will be something difficult and challenging, but for sure it is will be something worth it! It will be something that will help me grow, and it will be something that will help my succeed. I feel so blessed at this very moment.
Nga pala, muntik ko na makalimutan, pwede pa rin kayo mag-bahagi sa aking "100 Ways to Be Happy." Just click here kung paano mag-contribute!
Kung wala kayo maisip ngayon, okay lang, pwedeng-pwede kayo bumalik sa pahina na ito anytime at i-click lang yung badge sa gilid na may cute na araw slash sunflower (hahaha). Kung sakaling habang kumakaen kayo, or nasa bus, or nasa work, o kung ano man yung ginagawa niyo na biglang nag-cause para makaramdam kayo nung tingling sensation na yun na tinatawag nating KALIGAYAHAN, eh balik lang kayo dito para ma-share natin sa mundo!!
Ayun lang. At wala na ko masabi.


Ur blessed because of ur positive outlook in life
ReplyDeleteAng ganda naman work environment dyan sis. Ang sarap magtrabaho kung positive and supportive mga colleagues mo. Napupush kang magwork pa lalo. At tama ka dyan sa sinabi mo na lahat ng nangyayari sa buhay natin may reason napatunayan ko na yan ng ilang beses. The best talaga si Lord. =) keep smiling sis!!
ReplyDeleteThe best naman itong post na ito, good vibes. Kung ganyan ang work place ko, hindi siguro ako mag iisip, uwian na ba? Good luck sa bagong work, more power!
ReplyDeletenice .. congrats .. sana dumating narin ang ganyang blessings sa akin :) natutuwa ako kapag pumaparito .. feeling puro positive lang dapat .. XD tenks po..
ReplyDelete