Ganun lagi ang nararamdaman ko tungkol sa madaming bagay. Parang hindi ko masabi ang kaligayahan ko hangga't hindi ko pa talaga hawak sa kamay yung prize. Kahit nga minsan nasa kamay ko na eh, ayuko pa rin angkinin. Tama naman yun di ba? Tama nga ba?
I've been like this for as long as I can remember. Medyo melodramatic at alam kong mali din sa madaming aspeto yung ganitong ugali. At totoo lang, ayuko na talaga pigilan ang sarili ko na ma-excite. Ayuko nung ganitong outlook ko sa buhay.
Pero guess what? Para na siyang naging natural na reaksyon ng katawan ko.
Gusto ko ma-excite. Gusto ko talaga. Alam ko sa sarili ko na yun yung totoong nararamdaman ko.
At alam mo kung bakit gusto kong ma-excite? Kase tinawagan na ako nung inapplayan ko sa L.A.! Maghanda daw ako dahil tatawagan ako for appointment para asikasuhin ang mga requirements ko for hiring! Actually, nung isang araw pa ako natawagan! Hanggang ngayon wala pa rin akong reaksyon. Parang akong ingat na ingat sa mga kilos ko! Natatakot ako na matumba yung sarili kong pyramid na binuo ko mula sa baraha.
At dapat nga nung isang-isang week pa nga ko nagcecelebrate dahil nung araw nung interview ko ang sabi sa kin hahanapan ako ng pwesto! Oo! Hindi ako nireject, sinabihan ako na bibigyan ako ng pwesto! Pero ano? Lumabas ako dun sa building ng walang reaksyon at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko!
Bakit ba hindi ko tanggapin ang mga blessings na toh?
Hindi sa ayaw ko. Nahihirapan yung utak ko. Nandun yung constant na pakiramdam na hindi ako deserving o parang hindi mangyayari yung gusto kong mangyari pag naging sobrang masaya ako.
Kaya yung tungkol sa BELIEVE na post ko, it means so much to me. Hindi ganun kadali para sa kin na maniwala na mangyayari ang lahat para sa katulad ko.
Kaya I just want to own it right now!! Kahit na hindi pa ako nagsisimula sa mga requirements ko, kahit na hindi pa ako nagsisimula sa work na yun, kahit na alam kong walang kasiguraduhan ang lahat, I just want to own it! Gusto ko maging masaya, gusto ko ma-excite, at gusto kong isipin na para talaga sa kin yung pwesto na yun, at kakayanin ko at magiging masaya ako sa trabaho na yun!! Actually, temporarily hired lang ako, dahil nga wala naman ako significant ne experience, pero so what? Sobrang blessed pa din ako dahil kinonsider nila ang resume ko! At binigyan nila ako ng opportunity na ipakita kung anong kaya ko!
Gusto kong isipin na magiging okay ang lahat against dun sa side ng utak ko na nag-iisip na may possibility na madadapa ako. Gustong kong ipilit sabihin sa sarili ko na ano naman kung madapa ako? Ano naman kung mag-fail ako ng paulit-ulit? Sana nasasabi ko ngayon na walang pake! Ayuko na maging mahina. Ayuko na maging matatakutin sa pagkakamali. Gusto kong pilitin isipin na ang pinaka-importante ay yung ngayon, yung blessings na dumadating sa kin ngayon, and nothing more!
Nagiging masaya na din ako dahil unti-unti ko ng nasasabi ang lahat ng toh dito sa blog ko (which is on the first place ang dahilan kung bakit ko ginawa ang blog na toh) at hindi ako dun nagtatago sa secret blog ko. Masaya ako. Salamat sa pagiging bahagi nito.
original post from 8/17/2013

Tama yan, own it! :) Isipin mong para sayo talaga yan at matutuloy sya. If worse comes, at hindi man matuloy, just think that it may not be meant to be, na may mas bagay na mang yari sayo.
ReplyDeleteIt's good na minsan hindi mo binibigay lahat ng excitement para hindi ka gaano ma disappoint pero madalas, na-a-attract natin ang ating naiisip, kaya mas okay na din na we own it and think positively. We are what we think ika nga. O qumo-quotes pa ako! Hahaha :)
Basta good luck and keep us updated! :)
zai..! ang sweet sweet mo!
DeleteHuwag kang matakot madapa o magkamali dahil na rin it is part of growing. We learn from doing mistakes, and we learn more to correct them. Things happen for a reason. This must be the start so own it. God bless and more power! Kaya mo yan!
ReplyDeleteSalamat! It means so much to me kapag sinasabi sa akin na kaya ko! (:
Delete