Para daw yun sa pag-tulong ko sa office at sa pagkatanggap ko sa trabaho sa L.A. I felt so special. Nasabi ko na toh sa nakaraan kong post, dito. Sobrang na-aacknowledge talaga ang maliit kong presensya sa office na yun.
Pinaupo nila ako agad, tapos may letter para sa kin na sinulatan nila lahat at may maliit na bouquet ng flower na nakalagay sa isang maliit at cute na vase sa harapan ko (na nung una hindi ko pa pinansin kase akala ko talaga design lang sa table--pero para pala talaga sa kin). At pagkatapos nung muntikan kong pagluha slash pagtakip ng bibig slash pag-dilate ng mata, hindi ko na alam kung paano ko i-eexpress in words yung gratitude ko sa pinapakita nilang appreciation sa akin. Nakalutang ako sa kaligayahan kanina.
Ang sarap pala sa feeling pag binigyang pansin yung mga maliliit mong contribution kahit hindi mo hinihingi at nang hindi mo ineexpect.
Doon sa inapplyan ko sa L.A., habang nag-fifill-out ako ng form, may pinabasa din sila na storya sa kin (na I guess pinapabasa din nila sa lahat ng job applicants nila). Hindi ko na maalala kung ano yung buong kwento, pero medyo naaalala ko pa yung idea. At gusto ko i-share sa inyo ang kapiranggot na value na nalanghap ko from it.
Ang kwento ay tungkol sa pagbibigay mo ng best mo sa trabaho. Lahat tayo gustong mag-succeed, pero hindi lahat kayang ibigay ang lahat para mag-succeed. Gaano ba talaga ka-importante yung maibigay mo ng buong-buo sa kumpanya ang unique mong kakayahan? Gaano ka-importante na malinis at tapat ka? Worth it ba na maibigay mo ang mga ganitong klaseng effort ng todo-todo?
I mean, alam natin na minsan ang pinaka-motivation natin para magtrabaho eh mag-survive at kumita ng pera. Nag-wowork tayo para sa sarili natin o di kaya para sa pamilya natin. Minsan madami ring issue at problema sa araw-araw. Pero magttrabaho na rin naman tayo, mapapagod na rin naman tayo, magsasayang na rin naman tayo ng sandamakmak na oras araw-araw, bakit hindi pa natin gampanan ang kailangan nating gampanan, bakit hindi pa natin gawin ang dapat gawin, tapusin ang dapat tapusin? o higitan pa ang lahat ng ito?
Para naman yung effort at oras na nilustay natin eh mag-grow. Parang halaman na hindi mo lang basta tinanim, kundi diniligan at nilagyan mo na rin ng fertilizer. Hindi lang tayo sa kumpanyang pinapasukan natin mag-ggrow, kundi mag-mamature din tayo personally at professionally.
Sa huli, yung maliliit na effort mo eh magbubunga ng malaki. Hindi ba masarap sa feeling yung hindi mo namamalayan, asset ka na pala sa kumpanyang pinapasukan mo? Hindi ikaw yung luluhod at magmamakaawa sa boss mo para wag ka tanggalin sa trabaho. Baka nga isang araw ikaw pa yung maging boss eh, di ba? Pwede ring pag-agawan ka pa ng mga kumpanya. Maaaring tumaas hindi lang ang sweldo mo kundi pati na rin ang dignidad mo para sa sarili mo.
Hindi ko sinasabi na madali, lalo na't may history ako ng pagsuko sa mga nakaraan kong trabaho. Pero hindi rin naman imposibleh di ba?
At tingin ko, kung ang trabaho mo ngayon ay ang pangarap mong trabaho, siguradong mas malaki yung chance na mag-susucceed ka sa trabaho na yan. Advise nung boss ko sa kin kahapon, kapag hindi mo gusto ang trabaho mo, QUIT! Wag ka na magsayang ng oras sa bagay na hindi mo gustong gawin. Magmadali ka na maghanap ng trabaho na nakikita mong successful 5 years from now. Sabagay, may point siya. Simple lang naman di ba? Mahirap nga naman gawin ang bagay na ayaw mong gawin.
Na-inspired ako. Lalo na sa pagmamahal na pinakita sa akin ng mga katrabaho ko sa volunteer job na toh, it was so rewarding and fulfilling! Nakakataba ng puso. Feeling ko tuloy ngayon, handa na ako ibigay ang best ko sa future endeavor ko.
Original post: 8/21/2013


Awwww, congrats sis. At last happy na happy ka sa work mo. :D Na inspire tuloy ako. SSSShhhh, I am trying to create my own dream job (thru online.offline jobs). Pero in the process, may nag rereject sa akin. Pero, yun nga din yung life. Although nakakalungkot, kelangan ko pa ring gawin. :D I am happy for you kasi I know how it feels if you think na yung ginagawa mo ay hindi para talaga sa yo at hindi mo na eenjoy ng bonggang bongga
ReplyDeletesalamat sis.. mahirap talaga ma-reject.. pero basta go lang ng go..kahit puro rejection.. may nabasa nga akong kwento na lahat ng rejection niya kinompile niya.. until may isa nang tumanggap sa kanya.. 76 yung rejection niya.. pero walang wala yun nung finally may isa nang nag-hire sa kanya..
Deleteang sarap basahin at mainspire sa mga sinabi mo .. tama talaga ang pagdalaw ko dito eh .. para maka sagap ng good vibes .. hehehe .. natutuwa po ako sa mga magagandang nangyayari sa work mo .. and More blessings to come .. :)
ReplyDeletesalamat ng madami!!
Delete