Pagdating sa pamilya, hirap na hirap ako mag-express. Nakalubog kame sa hiwa-hiwalay na kumunoy. Hindi kame yung tipo na nagyayakapan, naglalambingan, nagsasabihan ng "i love u" personally, at nagkakaintindihan. At yung nakalubog kong katawan na gusto kumawala, naging ma-emotional na as I grow throughout the years.
Ako pa naman yung taong kailangan malabas lahat ng nasa loob, good or bad. I guess yun na din ang dahilan bakit ako nahilig magsulat in the first place. Kailangan ko ng outlet, kundi mababaliw ako. At yung masasaya or malulungkot na feelings at mga experience, hindi ko yun freely na-shashare sa pamilya ko. Kapag super may di pagkakaintindihan, one way or another may mag sisigawan at may isang mag-wawalk-out, at walang problema ang nasosolusyunan.
Nandun yung longing ko for a happy family. Ang susunod kong sasabihin ang isa sa mga proof na God will always definitely give you the people that you need in your life. At binigay nga niya sa akin si Mayk. Yung role niya ang nagpuno sa kin ng pagmamahal na hinahanap ko sa isang pamilya.
Pero ngayon, hindi ko kasama si Mayk, malayo siya sa kin. Nasa kumunoy na naman ako. Sa ngayon, kailangan ko na muna harapin ang buhay ko ng wala si Mayk. Mag-tatapang-tapangan muna ako.

No comments:
Post a Comment
Anong meron?