Pages

Sunday, August 11, 2013

Paano maging masaya?

Masaya ako today! What better more to do when you're happy but to share it, right? Isa pa, I owe it to you guys dahil alam kong lagi na lang mainit-ulo na mga kwento ang shinashare ko!

Anyway!! Paano ba kase maging masaya kapag nasa gitna ka ng kalungkutan? Or kapag nandun ka sa point na feeling hopeless ka na? Or kapag nasa situation ka na kailangan masaya ka pero parang hindi?

Ito ang aking listahan:

(1.) Pray. Para ka na ring nakikipag-usap sa matalik mong kaibigan kapag ginagawa mo toh. Tsaka para ka na ring nag-memeditate. Biglang ma-oorganize ang lahat ng gulo sa utak mo ng walang ka-effort effort.

(2.) There's gotta be more. Pag feeling mo ubos na ang lahat ng pagkakataon para sayo, isipin mo na imposibleh yun. Marami pang nakalaan na espesyal para sayo. Kaya tigilan na yung pag-iisip na para kang mauubusan. Kung may mga patay gutom sa paligid mo, ibigay mo sa kanila ang nais, dahil marami pa para sayo! Walang limit ang mga possibility sa buhay mo!

(3.) Itago mo ang camera mo at huminga ka ng malalim. Either kung kakain ka sa isang bagong resto o di kaya eh nakaakyat ka sa tuktok ng Mt. Samat, eh mamaya ka na mag-picture! Inhale, exhale at lasapin muna ang bawat moment.

(4.) Ilabas mo ang kalungkutan. Ito ang madalas kong ginagawa. It is either dinadaldal ko lahat sa isang mapagkakatiwalaang nilalang, o di kaya eh sinusulat ko sa blog ko. Actually to tell you the truth, yung post ko kahapon, first time ko yun na nagsulat tungkol sa specific na tao na kinaiinisan ko. Sa mga nakaraan, lahat ng dalamhati ko sa buhay ay sinusulat ko dun sa secret blog ko na ginawa kong online diary. Ang bigat kase minsan sa kamay i-share sa ibang tao lahat ng nararamdaman mo. Pero mas mabigat pala kapag tinatago mo sa sarili mo, kaya yung post ko kahapon, sobrang sinet-free ako nun.


Ngayon, apat pa lang yan, pero naisip ko na gusto kong gawing 100 ang listahan na yan! Kaya naisipan ko na mag-laan ng isang page para dito na pinamagatan kong "100 Ways to be Happy".

Ang goal ko sana ay punuin ito ngayong 2013, at hindi ko alam kung magagawa ko yun. Pero sana tulungan niyo ko!

Kung interesado kayo na mag-bahagi, basahin ang post na ito --> How to Contribute to Kamilkshake's 100 Ways to be Happy!

Wala pong sapilitan sa pagbabahagi!! Ayun lang!!! (:



 photo collage.jpg

6 comments:

  1. Agree ako sa number 1 sa list mo. Yun talaga dapat ang unang gagawin kapag malungkot ka. Cheers!

    ReplyDelete
  2. Agreeng agree ako sa number 1. Ultimate source of happiness ang panginoon. =)

    Idagdag mo na rin sa list ang count your blessings. Nakakahappy at nakakagood vibes ang pagbibilang ng mga blessings sa buhay.

    ReplyDelete
  3. gaya nina Xander at Superjaid, super check sa number 1 :) Lalo na minsan sa mga problema mo na gusto mo sarilinin pero kailangan mo i-share (ang labo ba? haha) nakakatulong talaga magdasal at kausapin si God. Ang laki ng igagaan ng loob mo pag nagawa mo ito :)

    Looking forward to more entries sa 100 ways to be happy! Nga comment ako dun sa post mo about it :)

    ReplyDelete
  4. Cyempre pinaka-bet ko 'yung number 1! Solb na ako dun!

    ReplyDelete
  5. Ako iba nmn dinadaan ko sa pagkaen! Ilike this 100 ways mo nakakainspire nakakagoodvibes

    ReplyDelete
  6. praying.. lahat lahat nandyan na :) #Faith

    ReplyDelete

Anong meron?