Minsan mahirap kumbinsihin ang sarili na maging masaya sa gitna ng mga problema. Mahirap din maging masaya sa mga achievements mo kapag hindi ka naman suportado ng mga tao sa paligid mo. Ang hirap magtiwala sa sarili kung yung mismong mga tao na inaasahan mo eh walang tiwala sa desisyon at kakayanan mo.
Alam ko iniisip mo. May pinanghuhugutan. At tama ka.
Sa gitna ng mga blessings na natatanggap ko at sa mga kaligayahan na nararanasan ko lately, hindi ko ikakaila na may mga pagkakataon na malungkot pa rin ako. Ang hirap naman ipilit maging masaya, kaya iniiyak ko na lang lahat muna bago ako mag move-on.
At kung ikaw din nararanasan mo yung mga ganitong pagkakataon, eh okay lang, lahat naman siguro tayo minsan malungkot, minsan masaya. Tao tayo eh. Pero ito lang ang lagi kong iniisip:
Minsan pag pakiramdam mo walang solusyon sa problema mo, baka naman kase ang solusyon eh oras at panahon. Baka kailangan mo maghintay na humupa ang ulan. Yung sa akin naman, I believe katahimikan ang solusyon.
Kapag pwede ka na ngumiti pagkatapos ng unos, wag mo i-deprive ang sarili mo. Wag mo isipin na kailangan mo mag-stay dun sa maulap na lugar na yun dahil sa naranasan mo. May karapatan ka maging masaya, at sarili mo lang din kukumbinsi sa sarili mo na pwede ka na maging masaya ulit.
Basta importante, kahit anong mangyari, hindi tayo mag-gigive up. One way or another, dapat ngumiti pa rin tayo pagkatapos ng bagyo. Dapat hindi tayo mawalan ng pag-asa at maglook forward pa rin sa future. Magtiwala na magiging masaya pa rin tayo one of these days. Importante, may mind set tayo na hindi pwedeng laging masaya, pero hindi rin naman pwedeng laging malungkot.
Yun lang.
original post: 8/28/2013


ako mahilig ako mag hintay na tumila ang ulan haha! ma tyaga ako eh lol ! kesa naman humakbang ako at mabasa, mas hassle ^_^
ReplyDeleteBasta tiwala lang sa sarili.. keber lang kung may sumusuporta sayo o wala, in the end sila din ang hahanga sayo sa pagiging matapang mo.
eto mainam sa crib mo, lahat ng saloobin ko saloobin mo rin kaya naman naiintindihan ko ng bigtime ang iyong pinahuhugutan.
ReplyDeletehi! got here through jaid. grabe ikaw din may pinagdadaanan. don't worry, things will get better. keep on praying. followed you dearie, btw. :)
ReplyDeletekatahimikan ang solusyon.. gusto ko yan.
ReplyDeleteyun oh, positive vibes palagi :)))
ReplyDeleteTama yan balance of everything. Ok na ngumiti lagi pero masama rin kung pipilitin mong ngumiti kapag malungkot ka. Kaya agreeng agree ako sa sinabi mo sis na di pwedeng laging masaya at lalong di pwedeng laging malungkot. Magiging ok lang ang lahat, titila din ang ulan.
ReplyDeleteI pray.. then magugulat na lang ako sa isang answered prayer.. :) Tell God then siya na bahal. :) Be happy always! Godbless!
ReplyDelete