Pages

Friday, September 20, 2013

Ang Kaibigan kong Maganda.

Itong ikkwento ko sa inyo ay isa na namang patunay na may reason talaga sa lahat ng bagay! Kung bakit nangyayari ang mga nangyayari sa buhay natin.

The other day, slightly na malungkot ako dahil para akong nawawalang bata sa work, walang friend, walang kasabay kumaen at super ubod ng loner. Syempre malungkot para sa isang katulad ko na sanay na napapaligiran ng mga friendship sa Pinas.

Habang nasa bus pauwi from work this the same day, naalala ko yung schoolmate ko sa CEU na nandito na rin sa states na kahit hindi ko ganun kaclose eh kinuha ko pa rin ang number.

Tinext ko siya na nasa L.A. na ko nakatira.

Sh*t! Na-surprise kame pareho nung nalaman namin na halos ilang kanto lang pala ang bahay namin sa isa't isa!!!!


Waaaaaaaaahhhhh! Hindi rin ako makapaniwala!! Imediately naisip ko agad na sinasabi sa kin ni Lord, "oh yan! Drama drama ka pa. 'Kala mo ba ilalagay kita jan sa pwestong yan ng walang masasandalan?"

Pero hindi pa dito natatapos ang daldal ko for today tungkol sa sinasabi kong reason for everything.

I will take you back sa mga pangyayari sa nakaraan ko. Umay ka na ba?

Madalas ko nakkwento dito sa blog ko kung paanong napaka-impulsive ko, kung paanong ang bilis ko magbago ng desisyon at kung paanong inis na inis ako sa mga instance sa buhay ko na sige-sige ako magplano.

Hindi ko akalain na ngayon magpapasalamat ako dahil naging ganyan ako.
Hindi ko makikilala ang friend na toh, si Nic, kung hindi ako naging impulsive.

Hindi ako magpapalipat-lipat ng school from Mendiola nung first year, tapos Makati nung second year, tapos napagod, Mendiola na naman nung 3rd year, kung hindi ako impulsive.

3rd year ko nakilala si Nic. Hindi kame mag-classmate, pero dahil nabiyayaan din ako nung time na yun ng sandamakmak na mabubuting kaibigan, eh napakilala siya sa kin.

Hindi ko siya makikilala kung hindi ako nagpalipat-lipat kase sigurado hindi ako magpapalit ng section kung di ako umalis.

Nung nagkita kame nung isang araw, pinaramdam talaga sa kin ni Nic yung excitement at warm welcome na hindi ko ineexpect! Yung parang sabik na sabik sa kaibigan. Hay naku, at eto na naman ako, lam niyo naman na flat affect ako kahit deep inside eh excited ako, hindi ko alam paano ipaparamdam sa kanya na hoy excited na excited din ako dahil akala ko talaga hindi na ako magkakaroon ng kaibigan dito!

Ang nakakahiya pa eh nilibre pa ko ni Nic ng lunch! Pulubi nga ako eh! As in! Babawi na lang ako next time sa kanya.

Pansamantala eh nagdaldalan muna kame ng sobrang ingay, sobrang nagwawala sa excitement, ang ingay! Biro mo yun? Acquiantance lang kame sa lagay na yan ah!

Super saya at ayan blessings na naman!

Yun lang.


original post: September 9, 2013
 photo collage.jpg

9 comments:

  1. maganda nga sya ^^, makapunta nga dyan at makatira sa ilang kanto lang din mula sa bahay nyo : )

    Good to hear na may close friend ka pala dyan..its a small world nga naman hehe

    ReplyDelete
  2. isa lang yan ur destined na magkita hahaha

    ReplyDelete
  3. Natutuwa ako sa mga ganitong stories...

    Proof na laging may mga plans for us, and nasusurprise nalang tayo! So happy for you!!!


    -Steph
    www.traveliztera.com

    ReplyDelete
  4. ay galing naman at nakakatuwa.. buti naman may friend ka na jan.. iba talaga ang nagagawa ng friends sa buhay naten ;)

    ReplyDelete
  5. Naimagine ko, exactly, yung flat effect na reaction mo. Maiiyak na sana ako sa tuwa para sayo bes, kaso natawa ako. Kasi nakita ko yung mukha mo... in flat effect! lol.

    Ang ganda nya nga bes... nako magpapayat ka na! kabog ka oh! hehe. chos!

    ReplyDelete
  6. Aww! Galing naman talga ni Lord. Glad for you! May friend kna jan. Uu malungkot pag walang friend eh. :( OP palagi. Share ko din. Kanina bad trip ako sa umaga kc masakit katawan ko, late ako sa bus tapos basa pa doll shoes pati ankle socks ko. Tapos pagdating ko sa office, hala, sinalubong ako ni ate dala plastic. Inabot sa akin. New pair of shoes na inorder ko nung mga weeks ago. Haha. Wala nman akong planong mag order ha, pero nagtra trabaho ako nun tpos binigyan niya ako folder sabi niya pili daw ako. YUn lang. HEhe.

    ReplyDelete
  7. Totoo yan. Minsan nga masarap magtrace ng chain of events na naglead sayo kung paano mo nakilala ang isang tao. There's a reason for everything.

    ReplyDelete
  8. yay! it's good you have friends there now. tama! everything happens for a reason. we just have to trust God. enjoy in LA!

    ReplyDelete

Anong meron?