Anyway!! Dahil nga
Excited ako dahil sa wakas makakapgsolo na ulit ako. Kunyari na lang napaka-independent ko.
Originally, maghahanap talaga kame dapat ng studio. Pero dahil nga ang daming dapat asikasuhin at isipin sa pagkuha ng apartment (tulad ng background check, proof of income, deposit, furniture), eh hindi ko na muna itinuloy. Instead nga eh nahanap namin si Tita L. na matagal na nagpaparenta sa mga kapwa natin Pilipino.
At dahil mahal na mahal ko kayo, karapat-dapat lang na kayo ang una kong maging mga bwusita dito.
May apat na kwarto na pinapaupahan dito sa bahay, may bakante pang isang kwarto, at ako lang ang babae sa tatlong umuupa. At syempre dahil hindi ko naman kayo pwede i-tour sa ibang kwarto, dito na lang kayo sa kwarto ko mag-stay. Pero hindi pwede mag-sleep over ah? Bawal eh, yun ang isa sa policy ni Tita L. Pero maaga pa naman eh! Kaya tuloy lang kayo!!
Pag pasok niyo may table sa kaliwa kung saan makikita niyo ang laptop ko. Pero wala pa yung laptop kase hindi ko pa nabibili. Pero gusto ko ang table na toh dahil at least may lamesa ako kung sakaling gusto ko mag-aral, or magsulat, or magblog. Meron ding leklek fan na super thankful ako dahil summer pa lang ngayon at medyo mainit, at drawer kung san nilagay ko ang mga make-up ko at ang kapiranggot kong damit.
Dito naman sa kabila ay ang closet ko kung saan tinatago ko ang mga kayamanan ko. Nandito ang kapiranggot kong mga office attire, kapiranggot kong mga sapatos, at nakatago sa dulo ang mga kapiranggot kong pagkaen. Lels. Pero ang gusto ko sa closet ko eh salamin ang pinto, katulad ng kwarto ko sa bahay ni Mama. Nakakalaki kase ng kwarto yung salamin, at syempre for vanity purposes na din. Meron ding t.v. sa kwarto at ang masaya pa dito eh may TFC at GMA!!! Kaya ngayon nakakapanuod na ko at nakakaupdate na ko kung anong nangyayari sa Pinas!
At syempre ang kama, upo ka muna or pwede ka rin naman humiga. Pahinga ka muna dahil alam kong malayo din binyahe mo para makadalaw lang sa kin. Bubuksan ko na din muna ang t.v. para naman di ka mabored!! Ang isa talaga sa nagustuhan ko sa bahay na toh ay ito ay move-in ready na. Ibig sabihin hindi ko na kailangan magdala ng mga furniture at gumastos.
Gusto ko rin pakita sayo ang sala ni Tita L. At kapag dumating siya pwede tayo makipagdaldalan sa kanya dito. Mabait at napakafriendly ni Tita L. Sigurado matutuwa ka sa kanya.
Ang ganda noh? Syempre! Dahil hindi pinapabayaan ni Tita L. ang kanyang bahay. Sinisigurado pa rin niya na may maintenance ang lahat para hindi mag-luma ang kabuuan ng bahay.
At alam kong gutom na gutom ka na din, pwede kita ipagluto dito sa kusina at kumaen tayong sabay. Kaso itlog lang ang pagkaen ko dahil mahirap lang ako. Wala pa akong sweldo, pero siguro next time pagdalaw mo ulit eh may mapakaen na ko sayo. May tv at leklek fan din dito para ma-entertain pa rin tayo habang kumakaen.
At syempre bago ka umalis para bumyahe pauwi ulit, pwede ka muna mag-prep sa banyo. Sosyal ang trono sa banyo dahil may pang-wash na, pipihit mo lang yung knob na makikita mo sa gilid, which is very efficient gamitin.
At ayan lang lahat!!! Super kampante ako sa lugar na toh dahil feel na feel kong napaka-safe and sound tumira dito. And so far I'm really happy!!!! Salamat sa pagtambay at balik ka lang anytime kung gusto mo dahil welcome na welcome kayo dito!!!! (:
original post: September 8, 2013











Wow ang bilis, andyan ka na pala! Ang saya naman at ang ganda at ang cozy ng iyong house dyan. At winner ang kwarto mo, ang laki ng mirrors at napaka cozy ata ng bed. Syempre winner din ang tv na may TFC at GMA! Pag balik mo dito, pwede ka manuod ng Showtime at mga slang slang kunwari, very TFC subscriber lang no hehe :)
ReplyDeleteThanks sa mention, stay safe dyan at update mo kami lagi! Effort muna sa tablet habang nag iintay ka at ang lamesa mo sa room ng laptop :)
That's really a nice cave. Yung akin nga eh, cell lang, wala pa yata sa kalahati ng kwarto mo. Hehehe!
ReplyDeletewow parang gusto ko din ng ganitong blog post haha! inggit eh noh lol!
ReplyDeletenung nasa tapat palang ako ng bahay nyo amoy original na! pano pa kaya sa loob? hehe.. at dont worry kung itlog lang maipapakain mo saken.. mahilig naman ako sa itlog eh haha ^_^
ayos sa olrayt ang crib mo. nacurious tuloy ako magkano ang upa sa bahay ni tita. Ang ganda slash ang laki kasi at may carpet pa.
ReplyDeleteP.S.
Bet ko masarap jumingle dyan sa trono na yan, pero seriously, ikaw lang ang babae? lol naiimagine ko na ang mga possibilities if ever shit happen. ehehe..
kapatid ang ganda ng room mo,,. ang laki.. hehe.. sana makapasyal ako dyan.. bakit nagsolo kana pala??
ReplyDeleteenlighten me sis hahahaha hindi na ako nakasunod ano na ba ang balita saan ito wala kasi akong nabasang lugar nasa america kana ba? hahahaha nganga ako! hahahaha but anyways, maganda ang bahay and i admire the dinning at ang dinning talaga eh ano kung san ang pagkainan ahhahahahahaha nakuh i missed staying here sa blog mo, if i have time il back read feelingerang busy kasi ako ngaun hahaha
ReplyDeletegoodluck bes :) and God bless!
ReplyDeletebet ko ang new place mo meym...
ReplyDeletenice crib! i love the bed sheet the most. goodluck living on your own. been there many times before. it's rewarding but it isn't easy. take care wherever you are. i thought youre in PI. hahaha
ReplyDelete