Pages

Thursday, September 12, 2013

Grandeur.

Minsan nagtataka tayo bakit hindi tayo na-aacknowledge. Mapa sa skwelahan man (kung studyante ka pa lang) o sa office kung nagttrabaho na.

Aminin natin, minsan-minsan gusto rin naman natin marinig ang sarili nating pangalan na ginagantimpalaan. Masarap naman kase talaga kapag napupuri tayo kahit konti lang, kahit hindi madalang. Nakaka-uplift ng self-esteem di ba?

Pero sa bawat salo-salo na pupuntahan natin, please sana please, wag naman tayo papansin. Wag tayong feelingera at lalong bawas bawasan ang pagiging mayabang. Ibaba mo naman ng konti ang pagkaka-chin-up mo today, pwede?!

May tendency kase tayo na umasta more than we deserve eh at minsan hindi naman natin napapansin na masyado na pala tayong nagmamagaling sa mga usapan. (At guilty as pledge din naman ako dito!)

Pero kung di mo mapigilan ang sarili mo, eh go, wala naman ako masyado pake. Kaso, kaso lang, paano kung yung kausap mo eh isang nilalang na marami ng napatunayan sa buhay? Mas magaling kaysa sayo? Halatang mas maraming alam compare kahit kanino! O di kaya paano kung may rancho, at isang milliong kabayo at baboy, at may sampung mustang ang kausap mo? Paano na?

Kase minsan, yung totoo, di ba? Kung sino pa yung madaming pwedeng ipagyabang, yun pa yung sobrang nananahimik sa isang tabi eh at pangiti-ngiti na lang.

Paano na? Paano kung nag-expect ka na bibigyan ka ng front seat, and so umupo ka sa front seat, at biglang dumating yung nakareserve dun? Malamang paalisin ka sa pwesto di ba?! Kawawa ka naman. (Binabawi ko na, concern talaga ako sayo!)

Magpakumbaba. Mas mabuti pang tumahimik ka na lang. Umupo sa pinakapangit na upuan. Umasta less than you deserve.

Wouldn't it be great kung ikaw yung sasabihan ng "Bakit ka nandyan?? Dito ka dapat sa mas magandang upuan!!!" At wouldn't it be nice kung makakatanggap ka ng praise and acknowledgement that you least expect? Sigurado ako na pag galing yun sa bibig nga ibang tao eh mas masarap pakinggan! At for sure kaya ang sarap-sarap pakinggang nun dahil siguradong deserve mo yun at hindi lang basta nasabi dahil may napilitan!

So wag kang papansin. Wag ka ding epal. Instead, do your job well! Do your responsibility! Do your best!! Be extraordinary kung nasaan ka man! At kung hindi mo napapansin, mas productive yang mga nabanggit ko kaysa maghapon ka maging mahangin jan!

Ang tukso nga naming mga nurse sa mga mayayabang eh may delusion of grandeur! Ito yung mga taong may masabi lang tungkol sa sarili nila. In short nagbubuhat ng sariling bangko. Mayabang pero walang maipagyabang!

(Pero para malinaw lang tayo.. sa mundo po ng psychiatric nursing meron po talagang mga tao na merong Delusion of Grandeur. Okay?)

Basta be humble!!!

At for everyone's information, I'm saying this not for you to think that you are less of a person!! But this is for you to have an honest and completely sincere acknowledgement of your own capacity, of what you can and what you cannot do! Sana gets mo ko!

Madaming nagtataka bakit hindi sila na-aacknowledge kahit saan, kase it is either wala naman sila ginagawa talaga na ka-akna-acknowledge, o sadyang masyado lang silang nag-eexpect ng papuri na hindi naman para say kanila.


Woooooooh.Sana nakakalamig ng panahon ang pagiging mahangin.

P.S.: At sa maniwala kayo sa hindi, ang post na toh ay inspired mula sa homily last Sunday! Haha.

Yun lang.


Original post: 9/3/2013
 photo collage.jpg

4 comments:

  1. You know, i'm slowly recovering from my delusions of grandeur. Hahaha! Hubris is my favorite word, and Glory is, or should I say was, the greatest pursuit in life. I believed that achieving glory is greater than pursuing wealth or beauty, because with power and glory, you can get them all, rule over others.

    Since I was a kid lagi ako one of the best, or THE NUMBER ONE. Lakas ng paniniwala ko sa sarili at overwhelming talaga ang confidence levels ko. Grabe! I thought i was better than my teachers. Until sa dumating ako sa point na nahulog talaga ako mula sa mataas na pedestal na itinayo ko.

    I saw myself in the muddy pits of failure and shits while I watch my former classmates graduate from the best universities of the country and become exceptional professionals. Yung dating number one, eto, walang tinapos, kahit highschool hindi ko na natapos.

    Minsan kasi no, ayaw natin aminin sa sarili natin that we have limitations, that we're not always the best, and that we're not always the exceptional one.

    Totoo ang sinabi mo, na mabuti pa na unahin mong hanapin ang pinakapangit na upuan dahil kapag ikaw na natumba at napahiya, talagang buong buhay mo na pagsisisihan at napakahirap tanggapin at kalimutan.

    And I'm not saying na gumaling na ako sa aking kayabangan. Hanggang dito nga sa comment na ito eh napaka epal ko pa rin. hahaha! iniiwasan ko na nga magpost ng mahahabang comment. Napaghahalata na kasi na epaloid ako.

    Anyway, nice post. This made me think about me. I, Me, Myself na naman ang peg ko no? hehehe!

    ReplyDelete
  2. Inspired pala sa homily hehe.. kala ko may kaaway ka ^_^

    Seryoso may isa kaming kaibigan na ganyan.. medyo mayabang, alam naman naming lahat na nagyayabang lang at nagmamataas, gusto umangat palagi pero hindi nya alam sarili nyang kaluluwa yung talangka na humahatak sakanya pababa.
    ayun dedma nalang kami. At ayun! malapit nadin sya mawalan ng kaibigan.

    buti nalang hindi ako mayabang bukod sa pagsasabi ko na gwapo ako ^_________^
    chos! hehe

    ReplyDelete
  3. Minsan nga di lang upuan nya ang binubuhat buong sala set pa mlnga. Hahaha guilty din naman ako sa kayabangan naku sobrang taas din ng tingin ko sa sarili ko feeling ko ang galing galing ko at ang tali talino ko mga ganung kayabangan kaya may mga pagkakataon na napapahiya din ako.ng bongang bonga dahil sa kayabangan kong yun. Medyo natuto na ako ngayon mesyo nabawasan na ang kayabangan ko. Medyo lang di pa completely ang hirap alisin eh wahahaha

    ReplyDelete
  4. Minsan kasi ang tao, hindi marunong mag handle ng sarili - na konting puri lang o minsan kahit wala, basta maisipan na lang na mas angat sya sa iba, ay aba iba na umasta at iba na ang ugali. Madali naman na manatili pa ring naka sayad ang mga paa sa lupa, mas mainam at maganda pa itong tignan kung tutuusin, dahil pantay pantay lamang naman talaga tayo :)

    ReplyDelete

Anong meron?