My mom said the nicest thing this morning. Pero bago ko ikwento yun, bigyan ko muna kayo ng background para maka-relate kayo sa mga daldal ko.
Sobrang opposite kame ng Nanay ko. We've been fighting a lot ever since I moved here with her! Ay hindi, ever since the world began pala eh puro away na kame ng Nanay ko. Hindi kame nagkakaunawaan. Minsan nakakapagod na talaga! At lately may mga pagkakataon na iiyak na lang ako kaakibat yung prayers na bahala na si Lord sa relasyon naming mag-ina.
My mom never listen. Once na may nasabi siya, yun na yun. Kapag may opinion ka na against dun, gera ito! (Sobrang opinionated ko pa namang tao, so world war III talaga kameng dalawa). Madami kameng usapan na natatapos sa sigawan, at pagpapatikom niya ng bibig ko at finally pag-wawalk-out niya sa eksena. Totoo lang, nakakainis yung pag-wawalk-out niya dahil walang nareresolve na problema pag nakapasok na siya sa kwarto at nabalibag na niya yung pinto.
I cry a lot tungkol dito, inis na inis ako, tapos wala naman ako magawa. Malamang hindi ko naman masosolusyunan mag-isa ang problema namin. Tsaka nakakainis kase ang hirap mag-rant tungkol sa sarili mong ina!! Nakakaguilty baga! Kase minsan gusto mo siya i-curse, gusto mo magalit ng todo-todo pero Nanay mo siya, at hindi tama yun! Yung kahit dugong-dugo na yung puso mo sa dami ng hinanakit mo at sa bigat na ng nararamdaman mo eh wala ka magawa! Nanay mo eh! So iyak, slash mukmok, slash pray na lang ako hanggang makatulog.
Pero sinagot na naman ni Lord ang dasal ko regarding this! This was really unexpected! Sobrang unexpected!!
Kung ikaw nasa lugar ko, mafi-feel mo talaga na napaka-hopeless. As in walang pag-asa! As in naging tactic ko na na itikom ang bibig ko at all times, dahil alam ko naman na hindi siya makikinig. May mga kaibigan ako na nagsasabi na kausapin ko daw ng maayos si mader, pero hindi nga eh, hindi posibleh na magkaroon kame ng mahinahon na pag-uusap. Yung hindi ko pagsasalita at ang totally na pagtikom ko ng bibig ko sa Nanay ko ang sign ko na hindi na ako umaasa na magkakaintindihan kame. Kung baga, suko na ko. Ayuko na magpaliwanag. Pagod na ako magpaliwanag.
My mom never fully supported me or appreciated me. Or maybe I'm wrong! Pero ito ang mga naaalala ko.
Naaalala ko nung sinabi niya sa kin nung elementary ako, "Bakit 9th honor ka lang? Bakit hindi ka nag-first honor?" Or nung sinabihan niya ko na hindi okay yung 18th birthday ko (at hanggang ngayon feeling ko epic fail pa din yung araw na yun). Or nung hindi niya ko sinuportahan nung sinabi kong gusto ko maging teacher o di kaya mag-fine arts o di kaya maging journalist, kaya nauwi ako sa kursong nursing (na gusto niya).
Hindi! Ang tingin ko panigurado may mga pagkakataon na natuwa siya sa mga achievements ko at for sure may mga pagkakataon na pinagmalaki niya ko. Kaso ang nakakalungkot, hindi ko mapagkait sa inyo na mas significant sa utak ko itong masasakit na mga alaala na to' na nabanggit ko sa itaas. Yun yung totoo.
At ngayon, hinahanap ko na naman yung suporta niya na hindi niya mabigay sa akin. Natanggap ako sa work sa L.A., (na paulit-ulit ko na yatang nabanggit sa mga nakaraan kong post) at magsosolo flight akong maninirahan dun. At nag-aaway na naman kame ngayon dahil dun! I know she have the best intention, nag-aalala siya para sa kin, tapos iniisip pa niya na hindi ako makakapag-ipon sa gagawin ko dahil magbabayad ako ng renta and all that sh*t. Pero paano lilipad ang ibon kung hindi nito susubukan? Kailangan ko toh! This time, desisyon ko na toh. And as much as I want to tell her my plans, eh ang hirap hirap dahil parang sarado yung utak niya para pakinggan ako at parang laging may sasabihin siyang hindi maganda tungkol sa mga desisyon ko, at ayuko na marinig yun dahil pasong-paso na nga ako. So sobrang shut up na lang talaga ako.
After days of tikom bibig, she finally told me kaninang umaga, that she will let me try this one out, na ayaw niyang maramdaman na kinokontrol niya ko at kung sakaling hindi mag-work out eh bumalik na lang daw ako sa puder niya.
Sobrang ikli lang. Pero nung sinabi niya yun, you may never imagine how good those words made me feel. It was as if it is almost impossible na lumabas yun sa sarili niyang bibig. It was as if it is a miracle for me, dahil nga in the first place, hindi na ako umaasa na ever susubukan pa niyang intindihin yung nararamdaman ko.
I've been longing to hear those kinds of word from her. Yung tipong may pinch of encouragement! Yung ang dating eh at least susuportahan ka niya. To hear those words was really unexpected! At ngayon, bitbit ko yung mga salita na yun, I feel happier, I feel tough, and I feel that wala na akong boundary sa pagkamit ko ng mga goals ko pagdating ko sa L.A!
Sobrang comforting, and I just want to cry right now cause I feel that it is another answered prayer.
God really works wonder! God is so good.
Original post: 8/31/2013


moms knows best!
ReplyDeleteshe trusted u now!
mahirap nga daw magpalaki ng nanay... pero isipin na lang natin na mas nahirapan silang magpalaki sa atin.
ReplyDeleteThat was really an answered prayer! Good luck sa LA!
true. that God is good. that He makes wonders. that moms have the best intentions and that sometimes they suck at letting their kids understand the good in such intent.. anyway, im glad for your answered prayers. best of luck in your future endeavor :) God bless
ReplyDeleteawww touching... share ka pa ng mga future sweet stories with your mom ha... hehe
ReplyDelete