Pages

Wednesday, May 15, 2013

Throw back Thursday: The best.

Ako, Mimay, Aubrey at Mj
Wala na daw ba ilalabo ang copy ng picture na toh sabi ni Aubrey
Alam kong hindi ako mahilig sa mainstream, pero hindi rin naman ako manhid. Minsan pag natamaan yung interest ko, makiki-uso at makiki-uso talaga ako. Kaya ito, napa-post na ko sa facebook ko ng first throw back thursday ko at isa sa mga paborito kong ala-ala ng Sunshots. Ang Sunshots ay dati ko ng na-kkwento sa mga luma kong post, dito: Bumangga Giba (Part 1) at Bumangga Giba (Part 2).

Masaya tong memory na toh kase ito yung mga panahon na super lakas tama kameng lahat, tsaka mga panahon na we make the best out of everything. Nakaka-miss. Itong picture na toh ay picture ng isang garden na pinuntahan namin during our fieldtrip. Kaso di ko na alam kung saang lugar yun. Yun lang.

Ang memory na toh ay nagsimula nung gabi before ng fieldtrip namin. Napagdesisyunan kase namin na mag-over night sa bahay namin para sabay sabay na kame pupunta sa school kinabukasan since 4am or 5am yata ang assembly. Eh ako yung may pinakamalapit na bahay sa school at puro mga taga-bundok kase tong mga toh.

Pero bago pa kame nakarating sa bahay, nagkita muna kame sa bayan. Bayan ng San Pedro, Laguna. Dumating si Aubrey na lasing na lasing. Oo, nung time na toh, siya pa lang ang marunong uminom sa aming apat. Kahit badtrip ako dahil kahihintay namin sa kanya, eh mabilis naman lumamig ang ulo ko kase mahaba pa ang pasensya ko nung mga panahon na toh.

Tinimplahan pa namin ng kape ang laseng pero hindi naman uminom. Imbis, nagtatakbo siya dun sa terrace namin at sumuka. Yup, sumuka siya sa katabing bahay namin. Thank you so much. Diniligan niya yung bayabas dun (kase nasa second floor ang terrace namin, so sana ma-imagine mo sinasabi ko). Naaalala ko pa na bumungad sa kanilang lahat ang sang-katerbang hugasin sa lababo namin at naaalala ko din na naghapunan pa kame nung gabi na toh.

Exciting di ba? Minsan kapag may over-night? Binuhat namin yung laseng papunta sa kabilang kwarto. Hindi ko na maalala kung sino nagbuhat, malamang isa ako dun kase malaki katawan ko, pero basta tig-isang braso yata yung buhat namin sa kanya  pero later on na-alala ko na parang binuhat namin siya in the way na parang naglalakad pa rin siya, tapos pinagtatawanan namin siya at natatawa din siya sa sarili niya pero wala siyang magawa, at sobrang bigat kaya ayun pagkarating na pagkarating sa edge nung kama, talagang hinagis namin siya. Wala naman siyang reklamo kase super lasheng.

Kinaumagahan, excited ako. Hindi ko alam sa kanila kung excited sila. Pero ako, oo. Tapos nagrereklamo si Aub na para daw siyang ni-wrestling, ang sakit daw ng katawan niya. Lol. Tapos naghanda na kame ng baon namin. Pare-pareho na lang syempre  kame ng ulam dahil alam mo naman na magluto pa kame ng iba-iba di ba? Spam yata yung inulam namin. Binasa ni Mj at Aubrey ang post na toh, at according sa kanila CORNBEEF DAW ang baon namin hindi SPAM!!! Ako nagluto at napagbintangan pa ko na sinunog ko daw ang ulam. Hindi sunog, kundi matigas at may balat pa daw yung patatas na kasama sa cornbeef. Bwuset na lasing yan. Bugbugin kita eh.

Anyway, move on. Isa pang paborito kong memory eh nung nasa bus na kame. Nung una nakakainis talaga. Kase nung sasakay na kame nung bus, nagkukumahog ang lahat at nag-uunahan para makakuha ng magandang upuan, ewan anong nangyari, basta ang end up kame yung nasa pinakadulo ng bus, as in yung naka-hilera na 4 or 5 sits dun. Ang outcast ng dating.

Syempre tinanggap na lang namin na dun na lang kame uupo, tsaka it turns out naman na nag-enjoy kame ng bonggang bongga sa pwesto na yun. Masaya, maluwag, magulo, mas enjoy ang buong fieldtrip. Siguro nga destiny talaga na dun kame mapa-upo.

Hindi ko na maalala kung saan saan kame nag-field trip nung araw na toh, pero sure ako na masaya ang araw na toh para sa aming apat. Ito yung mga tipo ng topic na lalabas sa ilong yung iniinom mong coke (o in our case, yung iniinom naming matador) sa sobrang saya pagkwentuhan. Baka ipaalala na lang nila sa kin kung saan-saan yung mga lugar na pinuntahan namin at kung anu-ano pinag-gagawa namin nung araw na toh..

Ayun lang.

I miss you. Sana makapag-bonding na ulit tayong apat, kompleto, in the mere future.
**********

4 comments:

  1. ayos sa olrayt ang throw back thursday mo. gusto ko rin ang fieldtrip lalo na kung sa lugar na hindi ko pa napupuntahan. Pero ayoko ng mahabang biyahe at nakatambay lang sa bus at mahihilo at susuka ng ilang beses.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha parang hindi nga tungkol sa fieldtrip ang kinuwento ko dito eh.. hahaha..

      Delete
  2. hindi ko alam kung ano 'yung throwback thursdae.. hehehe.. pero dahil sa post mo na 'to, naalala ko 'yung mga dating tropa ko.. tsaka 'yung mga pinaggagagawa namin noong kabataan namin.. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe basta nauuso yun lagi sa facebook kapag thursday... at nakakamiss talaga lagi ang tropa.. lalo na kapag di na nagkikita or sobrang busy

      Delete

Anong meron?