Kung may isang bagay na magbibigay saya sa bawat isa sa atin, sigurado hindi mawawala sa listahan natin ang mga kaibigan natin, plus yung mga weirdong bagay at trip na ginagawa natin kasama sila.
Lalo na ngayon, tumatanda na ko, ang hirap talaga kapag magpplano kasama ang mga tropa dahil nga pwedeng busy sila dahil pare-parehong nagpapalago ng career. Nasa age na kase ako kung kailan halos lahat eh tapos na sa pag-aaral at syempre focus at commitment naman sa work ang pinagkaka-busyhan ng halos lahat. Iba iba ang sched. Kaya naman masaya ako. Masaya ako kase kahit na ganun na mahirap magplano eh nagawa pa rin masiksik ng mga kaibigan ko ang oras para makipagkita man lang sa kin.
Pero bago ako magkwento tungkol dun, ito muna:
![]() |
| COSPLAY 2013 |
Bago ako gumora papuntang Baler nung kailan lang, ito muna ang ginora namin ni Mayk at ng kanyang mga kapatid. Cosplay sa Mega Mall na annual routine yata. Totoo lang, di naman ako mahilig sa ganito, hindi to the point na bibili ako ng ticket para makapasok sa mga trade hall nila para maki-chismis. Tama na sa akin na nag-eenjoy ang kame at ang mga kapatid ni Mayk na magpapicture sa mga paborito naming character.
![]() |
| SUNSHOTS |
![]() |
| Wensha |
Pero nitong nakaraan, pinatunayan niya na hindi, pinatunayan niya na importante ako as same para sa kanya, at yun talaga ang naapreciate ko. Alam ko madami akong bestfriend, pero ang swerte ko dahil nga kay Abi, dahil nga alam ko ang feeling na meron kang nag-iisang kaibigan na makakaintindihan mo sa lahat ng bagay, na tatanggapin ka sa kahit sino ka pa man, at isang kaibigan na kahit hindi mo makita ng ilang taon eh di magbabago ang relationship niyo.
![]() |
| Coolitz |
Ito talaga, ito talaga yung mga tao na kahit ilang libong taon mo hindi makasama eh parang walang pinagbago kapag nagkita-kita kayo. Close pa din at mapagmahal pa rin. Tapos nitong Tuesday, sa kalagitnaan ng busy na schedule din eh nasingit nila ang time para man lang makita ako. Kaya naman talaga... ang saya ko!
![]() |
| Miggy, Tin, Ako, Shine & Coach Chad. |
May 1, 2013. Biglaan lang toh sobra, at hindi ko naman mapalagpas kase naman noh itong mga tao na toh, hindi ko deserve ang oras nila. Alam mo yung kahit hindi na ako nag-wowork kasama sila eh welcome pa rin ako na makasama sila. Sobrang, wala ako masabi. Tapos sobrang enjoy pa. Kahapon lang toh. Enjoy to the point na gusto ko umiyak at tumawa at the same time. Nag-vivideoke kase ako habang umiinom. Alam mo naman kase talaga kapag parang mag-eenjoy ka, tapos nasa mood ka uminom. Wala eh, sobrang enjoy eh, di ko na mawari ang enjoy kasama sila. Tsaka hindi ko din alam bakit itong mga taong toh eh sobrang sweet. Si Miggy, pagkahingi na pagkahingi ko dun sa origami na matagal ng nasa I.D. niya, binigay agad. Tapos si Tin at Shine mga sweet din sa kin, lalo na si Shine na nalasing at hindi ko expected na malalasing din siya ng ganun, akala ko nagjojoke lang siya. At lalo naman si Coach Chad na grabe, bago pa ko umalis sa work eh hindi ko na mawari ang kabaitan sa bituka. Nga pala, nalibre ako sa lakad na toh, at nahiya naman ako. Grrr.. Thank you talaga guys.
![]() |
| Me, Mommy Alice & AnnaB |
April 5, 2013. Natuloy din ang hindi matuloy-tuloy na lakad naming tatlo with Mommy Alice. Ka-work ko din tong mga toh nung Team Chad pa ko. Nilibre kame ni AnnaB sa lakad na ito ng pizza and pasta sa Papa Johns. Hehehe. Si Mommy Alice ang isa sa mga cool na mommy na nakilala ko sa tanang buhay ko. Idol ko nga yan. Sana maging ganyan ako ka-cool pagtanda ko. hehehe. Si AnnaB naman, hindi ko inaasahan na magiging friends kame niyan. Hindi rin niya inaasahan sabi niya sa kin. Super naging close kame dahil lagi kame magkasabay sa PNR pag uwi galing work. Sobrang talino at sobrang mature ng taong toh.
So ayan. Ngayon alam niyo na bakit may topic ako tungkol sa kaibigan sa huli kong post. Ito ay dahil talagang busy ako makipagsiksikan ng time makipagkita sa mga kaibigan ko. Grabe, honestly, masasaid na talaga ang bulsa ko sa ginagawa kong toh, pero.. whatever.. hindi naman mapapalitan yung mga good times good spent with these good friends! (:
So ayun, chao.






No comments:
Post a Comment
Anong meron?