Akala ng marami kapag nasa ibang bansa ka, mayaman ka na. Maling perception. Ang tingin ko sa pamilya ko eh may konting survival skills lang talaga. Kaya nga eh. Kung mayaman kame, bakit pa ako pupunta sa labas ng bansa? Di ba? Common sense! Duh? Chos.
At kapag dumating ako dun (actually siguro nandun na nga pala ako dahil scheduled post ito), alam kong mangangapa talaga ako. Madaming takot pero alam mo yun? Hindi lahat ng tao nagkakaroon ng ganitong blessing at opportunity.
Nakakatuwa. May mga tao na malakas ang loob at may perseverance, at minsan tinatanong ko sarili ko bakit ako, parang WALA? Oh baka hindi ko pa talaga nalalabas ang potential ko? Hahahahaha. Tsaka kase naman noh? Puro ako pangarap, drawing, plano, pero hindi masyado malakas yung mentality ko na magawa ang mga bagay. Isang example na lang niyan eh yung timbang ko, buong buhay ko nangangarap ako pumayat, pero di mangyari-yari.
Malungkot. Madaming importanteng tao ang maiiwanan, at ang naiisip ko na lang, para lang di na masyado mag-anxiety eh marami ding exciting na bagay ang mangyayari. Fresh. Bagong life ulit. At ang pinaka-exciting eh pwede na ako magsimula sa mga pangarap ko.
Yun nga din ang madalas naming pag-usapan ni Maykel (bf ko sa mga di nakakaalam). Ilang taon na rin kame, and sobrang grateful kase binigyan kame ni Lord ng maraming panahon para magsama, na lalong nagpatibay sa ming dalawa. At ngayon, maghihiwalay na kame ng landas pansamantala. Oo, honestly, hindi exciting isipin na hindi ko man lang siya makikita ng isang buong araw, nakakabuwang, pero ang napag-usapan na lang namin ay ang tungkol sa INDIVIDUAL GROWTH.
For sure, hindi lang naman sa kin umiikot ang mundo niya. For sure madami kameng pangarap na dalawa. At ito yung time na yun para mas bigyan ng focus ang mga karera namin sa buhay.
At sa pag-iisip ng individual growth na yan, pakiramdam ko naging buo ang loob ko.
Nga pala, dahil dun sa nabasa kong KUROT PRINCIPLE sa facebook galing sa isang sikat na local book dito sa atin, eh na-inspire talaga ako. Lalo na na magsisimula pa lang ako sa promising na future ko. Kaya binili ko yung book na yun. Ito siya:
Maganda talaga yung Kurot Principle. Basahin niyo dito: Ang KUROT PRINCPLE.

sometimes, we need to separate from the person we love in order to grow. good luck with your new journey. god bless.
ReplyDeletekahit nga 'yung mga taga-probinsya, 'pag nalamang taga-manila o sa manila ka nakatira, maykaya na kaagad ang tingin sa'yo.. hehehe
ReplyDeleteread that "kurot principle" somewhere, interesting..
good luck sa lahat ng endeavors mo, adre.. pag-uwi mo, hiling ko eh dalhan mo ako ng jack daniels.. hehehe