Anyway, masaya ako kase sa wakas naayos ko na yung kwarto ko. Yep! Pagdating ko dito nagulantang ako sa bahay namin kase sobrang daming gamit. HOARDING! Tapos may matanda na naki-rent na din dito sa apartment namin, pero dun siya sa sala nag-i-istay. Kailangan namin yun kase hindi na namin kaya mag-bayad sa rent. Tumaas na kase yung renta. Pero sabi ni Mama baka daw umalis na yung matanda, ewan bakit, at yun ang iniisip ni Mama ngayon, syempre mahihirapan na naman kame magbayad ng bills.
Eh eto pa nga, wala pa rin ako work dito. Ang weird noh? At dahil dun di ko rin matulungan si Mama. Tsaka aaminin ko, medyo nahihirapan din ako maghanap ng trabaho. Pupunta sana ako sa mga career center, kase free yun at tutulungan ka nila maghanap ng work. PERO, ayuko din magpadalos-dalos.
Totoo lang, ngayon ko lang naisip na wag magpadalos-dalos. Simula nung dumating ako dito hanggang kanina, wala akong iniisip kundi kung paano ako magkaka-trabaho. Nag-aaway kame ni Mama kase nagmamadali ako at na-i-istress siya sa kakatanong ko kung paano niya ko matutulungan.
"Maghintay ka lang.. ako ang bahala.."
Madami din nagsasabi na mga kaibigan na i-enjoy ko muna dahil pag nagsimula na ko magtrabaho eh matatagalan na ulit ang pag-rerelax. Although aaminin ko pa ulit na medyo matagal-tagal na akong pa-tengga-tengga sa buhay kong ito.
Nakaka-depress di ba? Pag wala ka mahanap na work or pag-araw-araw ka nasa bahay? Kapag di ka nasisikatan ng araw eh parang ang worthless at ang hopeless ng dating? Pero, ayun na, after ko maglinis ng kwarto ko, nalinis din ang utak ko, at finally, FINALLY! gumaan na ang pakiramdam ko at ang saya-saya ko ngayon.
Ayuko magpadalos-dalos. Ayuko gawin yung mga parehong mistake na nagawa ko na dati. Ang gusto ko pag-nasalubsob ako sa trabaho na bigay sa kin ni Lord eh handa ako sa lahat ng gera na mararanasan ko sa work na yun. Hindi yung magpapaka-cry-baby ako or something. Yun ang naisip ko. Ngayon, ikaw na bahala mag-husga kung totoo o alibi ko lang toh para maka-tambay pa ko ng matagal.
Ang importante at the moment, masaya talaga ako, at blessed ako dahil pagdating ko dito eh may pamilya ako na mauuwian, may bahay, at may pagkaen (syempre importante talaga yung pagkaen na part). Alam ko hindi lalapit sa akin ang trabaho, pero palalapitin ko. At alam ko I have a promising future. Masaya! (:
"Maghintay ka lang.. ako ang bahala.."
**I somehow thought hindi lang si Mama ang nagsabi sa kin niyan nung narinig ko yan.
Thank you Lord, and Your will be done. <3
Yun lang! I look forward sa mga blog post niyo. Parang gusto ko magbasa ngayon ng mga blog na tungkol sa life niyo at mga napagdaanan niyo sa buhay yung laman. Tsaka madalas yung mga dinadalaw ko ngayon eh yung mga na-cacapture ako sa title pa lang. Wala din ako sa mood magbasa ng mga tungkol sa election dahil masyadong mainstream at wala talaga akong comment tungkol dun. Salamat din pala sa lahat ng mga nagttyaga sa blog ko! Ayun lang! Sige! Chao!
.jpg)
wow blonde kna hehe ^_^ malamig ba dyan?
ReplyDeletetama mag relax ka muna jan, yung work madali nalang nama na siguro eh hehe..
keep on rokin!
hehehe medyo matagal na ding may kulay ang buhok ko. Salamat sa pag-pansin!! (:
DeleteHindi masyado eh, mainit, pinagpapawisan nga ako ngayon.
(: Salamat sa pagdalaw lagi!!
hmmmnnn... take things one at a time... darating yan... basta enuf effort and enuf chill... wag kang sosobra sa isa man sa dalawa...and...of course... stay happy!!!
ReplyDeletethank you for the advice Kristian!! (: Oo nag, yun na nga yata problem ko eh..sobrang chill! Hahahaha!!! You too!!
Deletelahat ata ng napupunta sa US, dumidilaw ang buhok?
ReplyDeleteHAHAHA.
hindi naman.. kase nanjan pa ko sa pinas ganito na ang buhok ko.. trip lang.. heheh (: salamat sa pagdalaw muli!
Deletepagkakitaaan mo kaya pansamantala tong dot com mo habang wala ka pang trabaho? you all have naman what it need to operate a good blog. tyaga lang talaga and be creative. natanong na ito minsan ni nyabachoi kung pwede pagkakitaan ang dot com and yes, pwede kung alam mo ang mga right needs mo. kaya mo yan.
ReplyDeletesalamat sa idea Cyron.. pero ayuko talaga maging trabaho ang blog ko. Dito kase ako naglalabas ng sarili kong stress.. kaya parang ang dyahe kong gagawin ko siyang work related.. pero thank you sa advice..kahapon lang din iniisip ko na maglagay ng nuff nag dito.. pero.. naisip ko na wag na nga lang.. (: thank you sa muling pagdalaw!! (:
DeleteHi, Kamila!
ReplyDeleteThanks sa pag comment sa blog ko. Sa wedding achu2 ko. Lol. Kaya pala magkasaloungat tayo, gusto mo na magka babY! Ako parang takot pa rin. Feeling ko kc masakit. Hehe. :)
Anyway, sa States ka na pala! Huli na ako sa balita. Naku, yan din pangarap ko dati. Nung exposed ako masyado sa Sweet Valley. Feeling ko mali yung bansa kung saan ako pinanganak. Gusto ko din maging blonde at maglaro sa snow. Hihi. Kaya ikaw. Enjoy muna jan! :) Picture2 sa labas. Outfit post, etc. Lol.
Pero totoo nga tong mga sinabi mo dito at ng mama mo. Wait lg. Hehe. He knows His plans for you. At for the mean time, pwede ka naman mag try sa oDesk. Suggestion lang. Hehe. :) Kasi pinagkikitaan ko din yan ngayon. feeling ko kc liit ng sweldo mula sa day job na kelangan ko pa maghanap ng other means to sustain my desires(travel, etc.). :)
Nobela na ata to. Siya na. Wishing you work soon and a happy lifeee!
Super may sense ang comment na toh. Salamat!
DeleteYup masakit magka-baby, alam ko masakit, pero alam ko magiging worth it yun.
Yung totoo, mas gusto ko sa Pinas.. kahit mahirap ang buhay.. pero alam ko naman na may dahilan kung bakit nandito ako ngayon... Salamat sa mga suggestion mo.. I will.. take pictures.. mga outfit post.. lalo na pag may budget na ko pambili ng mga bongga.
Salamat din pala sa suggestion mo about sa oDesk.. medyo mahirap siya.. at gagawin ko siya pag may time na ko.. Thank you!!
ayos lang 'yang pagiging tambay, adre.. tulad nga ng sabi nila, enjoy-in mo lang.. 'pag may trabaho ka na, bihira ka na lang makakakuha ng 8-hrs na tulog.. hehehe
ReplyDeleteang mainam lang sa post na 'to, sa kabila ng mga binanggit mong shitsniz tungkol sa buhay-buhay eh, positibo ka pa rin.. naniniwala ako na positibo ang biyayang bigay ng tadhana sa may lagi nang positibong pananaw.. :)
salamat sir jess sa pagdalaw sa blog ko.. di ka pumapalya... naapreciate ko din pala pagbabasa mo dun sa post ko about sa sunshots.. hehe namiss ko tuloy sila bigla..!!
Delete