Pages

Sunday, May 5, 2013

10 days bago ako umalis ng bansa.

Naintindihan ko na ng konti kung bakit malayo ako sa mga kaibigan ko pag ganitong malapit na ako lumayas ng bansa. Nagets ko na. Kase dahil pala dun. Dahil dun sa anxiety.

Maraming promises ang pag-punta sa ibang bansa. Madaming nagsasabi sa akin na dapat di ko palagpasin 'tong blessing na toh. May mga konting pressure. Kahit ako. Ineexpect ko sa sarili ko na madaming magagandang bagay ang mangyayari sa akin, at totoo lang nangangarap ako ng matayog. Nagiging optimistic ako bigla habang nangangarap mag-isa sa isang sulok. Para bang walang imposibleh at para bang lahat kakayanin.

Pero bumabalik ako sa pagktao ko pag may kausap akong ibang tao. Sa utak ko, matapang ako, pero pag tinatanong na ako, ang lumalabas sa mga bibig ko ay ang mga salitang 'EWAN.'

Anong plano mo? EWAN.
Paano na si MAYK? EWAN.
Anong gagawin mo pagbalik mo dun? EWAN.
May trabaho ka ba pagbalik dun? EWAN.

Sa isip ko, may plano naman ako.  Pero hindi ko masabi sa iba ang plano ko. Natatakot kase ako na baka kainin ko ulit yung mga masasabi ko. Natatakot ako na baka in the future isang post na naman tungkol sa kapalpakan ko ang kailangan ko isulat.

Mas mabuti pa yung EWAN. At least, walang pressure, walang expectation, at kapag naging successful, at least pang-gulat na lang di ba? Kaya EWAN.

Natatakot ako. Nanghihina ako. Pinipilit ko sarili ko na maging matapang. Pinipilit ko na alisin sa isip ko yung mga nega na yan. Pero di ko mapigilan na maramdaman pa rin. Para akong sinisikmura. Eh sorry, tao ako eh.

Minsan, inuunahan ko na kayo na sabihin sa sarili ko na KAYA MO YAN. Ever since, napansin ko, sa tanang buhay kong nagbblog, ayuko talaga ng mga comment na nagpapalakas ng loob, yung mga empathy statement. Mas gusto ko pa na walang comment. Bigla na lang akong nawawala sa blogsphere pag may problema ako, kase ayuko nung ikkwento ko dito tapos... tapos.. mababasa ko ang mga comment na.. KAYA MO YAN.

Ayuko ng chini-cheer ako. Gusto ko lang magkwento, tapos yun na, magbasa ka kung magbabasa ka, pero di mo kailangan palakasin ang loob ko. Feeling ko kase pag ganun, lalo akong nanghihina.

For sure naranasan mo na din toh, for sure! Naalala mo ba nung one time na may masama o nakakalungkot na nangyari sayo? Tapos medyo naluluha ka, pero pinilit mong hindi ilabas yung nararamdaman mo, tapos may nag-approach sayo.. at ayun.. biglang ngumawa ka ng malakas dahil sa approach na yun. Ganun. Ganun ang pakiramdam. Lalo akong naaawa sa sarili ko kahit hindi naman kailangan kaawan ang sarili ko. Nakakapanghina.

Yup. Aalis na nga ako. At first time ko i-coconfirm toh sa blog ko. Kaya busy-busyhan ako kahit hindi naman ako busy. Naisip ko kase, tamang timing na din na ikwento. Kaso, hindi pa rin malakas ang loob ko na ipagkalandakan ang pag-alis ko. Totoo lang kaya di ko din ipinagkakalat dahil nothing to be proud of naman talaga. Wala pa naman kase ako napapatunayan.

Anyway, kung nabasa mo na toh, ibig sabihin kasalukuyang nasa eroplano na ko at this very moment. Pray for my safety. Paalam Pinas. Ma-mimiss kita.
**********

2 comments:

  1. aw.. mag iibang bansa ka na pala... ingat ingat,, surely you will have bright future basata gawin lang natin best natin sa bawat opportunity. INGAT.

    ReplyDelete

Anong meron?