Syempre hindi! Kung alam niyo lang!
Pero, oo nga naman. Imposibleh nga naman maging masaya lagi, imposibleh naman na ikubli yung totoong nararamdaman mo pag.. alam mo na, kapag (hindi yung iniisip mo ha). Paano nga naman kung iritang-iritable ka na sa mga nangyayari? Wala ka na ba karapatan na i-express ang mga feelings na yun?
Meron naman. Mga technique na baka nabasa ko sa libro or sa internet o kung saan man. Hindi ko alam eh, pero share ko na lang.
Una, bawasan mo ang mga pinoproblema mo sa buhay. Hindi lahat ng maling pangyayari eh kailangan pag-tuunan ng pansin. Check and rewind and check and rewind muna bago maging highblood. Nakakamatay ba ang pangyayari? Hindi. May magagawa pa ba ko? Wala. Pwede naman ba mag-move on? Pwede naman. At pag nagawa mong magbawas ng mga bagahe at magwalis ng maliliit na alikabok palabas ng bakod mo, congratulations!
Pangalawa. Na-realize mo na "tang-i*toot* Hindi! Hindi ko talaga kaya na hindi problemahin 'tong problemang pinoproblema ko ngayon. Kailangan kong problemahin itohhh! (Nora Aunor style). Kung kailangan ko malungkot, malulungkot ako. Kung kailangan ko ma-badtrip, mababadtrip ako. At walang tumblr post ang makakapagpalubag-loob ng kaloob-looban kong ito.
Edi, OKAY FINE! I-express mo ng buong-buo! Walang pipigil sayo. Take your time! Ngumawa ka, magwala ka, maghandupasay ka sa sahig (hindi ko talaga alam kung may such word na handupasay o gawa-gawa ko lang yun), basta (BASTA!) wag ka lang sana kukuha ng kahit anong bagay na makakasakit sayo at sa ibang tao (tulad ng baril, o kotsilyo o isang bowl ng ice cream na may katabing tatlong box ng pizza at piniritong manok).
Pagkatapos mo ilabas sa universe at milky way ang sama ng loob mo, inhale at exhale (repeat until you had finally reach the normal respiratory rate of a normal adult human being, which is 12 to 24 breaths per minute, and I'm not even joking). Syempre, joke lang na magbilang ka pa, pero yung state na kalmado ka na? Yun! Tumpak mo. Hanapin mo yun sa sarili mo.
Kase sa ganoong state, pwede ka na mag-isip ng maayos ulit. Sa gaanong state, hindi ka gagawa ng kahit anong..ano, yung ano. Basta, yun (At hindi pa rin yung iniisip mo).
Dito, dito na sa pagkakataon na toh dapat pumapasok yung mga masasayang thought. Oo, napaka-ironic na sa kalagitnaan ng kabadtripan mo eh sinusuggest ko na mag-isip ka ng magpapasaya sayo, pero alam mo kung bakit kailangan mo yun? Kase yun ang tinatawag na HOPE.
Make sure na alam mo sa sarili mo na ang mga kabadtripan mo sa buhay eh mga gap (space in between lang yan) ng mga happy moment mo. Na para bang yan yung mga tulay na nag-kokonek at magkokonek sa bawat bundok na natawid at gusto mo pang tawirin. Na para bang hindi mo maaabot ang susunod mong destination kung wala yang mga epal na yan. Pero, gap lang yan, hindi yang mga yan ang mag-dedescribe ng buhay mo at lalong hindi yan ang buong pagkatao mo, parte lang yan.
Ang importante, aware ka na madami ka ng masasayang pangyayari na napagdaanan at marami ka pang masasayang pangyayari na mapupuntahan.
Pag naisip mo na 'toh, ibig sabihin may kaunting part na sa puso mo na handa nang tanggapin ang nangyari. Maaga pa lang nakahakbang ka na agad pasulong. Ibig sabihin mas bawas na yung possibility na maninisi ka pa ng ibang tao at malaki yung probability na magpapatawad ka agad. Nabawasan na din ang possibility na maghihigante ka ng dahil sa galit at maiiwasan mo na palalain pa ang sitwasyon na meron ka. At finally, ibig sabihin nito, pwede ka ng magsimula kung paano mo na nga ba matatayo muli ang sarili mo.
Lagi ko sinasabi sa sarili ko na hindi umiikot ang mundo sa kin, kase hindi naman talaga. Kaya hindi ako mahilig sa mga comment na parang ang dating sa kin eh kinaaawaan ako. May mga pangyayari talaga na parang lasheng lang minsan si Lord, pero hindi, kase parang lang naman di ba? For sure, alam na alam Niya kung bakit binigay Niya sa kin at sayo ang specific na problema na meron tayong dalawa ngayon. Nangyayari ang lahat, dahil kailangan eh. At oo, hindi kailangan maging masaya lagi. Sino ba kase nagsabi nun?
Problema? Omaygaard, that is shoooo mainstream! Geh lang. Lahat tayo meron niyan eh! Mabadtrip na kung mabadtrip, as long na para sa tamang dahilan at para sa tamang pagkakataon. At as long na hindi tayo ma-i-i-stuck hanggang dun na lang, na puro resentment, puro recite ng mga masasamang pangyayari, puro.. alam mo na, yung ano.

eto kaylangan ko eh. naliwanagan ako! hehe ~zin
ReplyDeletethanks zin! masaya ako na this post helped you a bit!! (: hmwuah!
DeleteMay point na wala kang choice sa nararamdaman mo lalo kapag napakabigat talaga ng loob mo. Pero tama ka maraming paraan para maiba ang pakiramdam. Kasi kung puro hinagpis baka mauwi lang ito sa paglalaslas ng singit.
ReplyDeletewow..si idol dumalaw na naman sa aking blog! oo nga..nauuwi sa pag-eemo masyado.. ikaw nga.. tomorrow is another day!! (:
Delete