Pages

Tuesday, May 7, 2013

Kunga kayo, kayo talaga.

Habang nanunuod ako ng isa sa mga paborito kong movie na paulit-ulit ko na napanuod, nag-muni-muni ako sa mga salita na sinabi ng bida. Sabi niya kase, nag-landing na siya dun sa matagal na niyang pangarap na trabaho, pero parang nawala rin ito na parang bula. Mabilis lang. Hindi kase niya na-realize at isinaalang-alang ang limitation ng talent niya.

Na-compare ko tuloy ang naiisip ko sa naisip ng bida. Madalas kase ang maririnig mo lang sa mga nangangarap ng matayog eh ang term na 'walang impossible'. Kahit ako, madalas sinasabi ko sa sarili ko na kakayanin ko dahil nga naman sarili kong pangarap yun. Ang bobo naman ng dating kung i-dodown ko ang sarili ko. Ang hindi natin naiisasaalang-alang eh possibleh talaga na hindi rin natin makamit yun kahit ginawa natin ang lahat, or dumulas agad sa mga kamay natin ang mga pangarap na yun. Pwedeng pwede mangyari yan at hindi naman sa napaka-negative ko. Naisip ko lang kase na nangyayari toh sa mga certain na pagkakataon lalo na kung may iba naman talaga tayong misyon sa buhay, lalong lalo na kung iba talaga yung fate natin. Di ba nga, sabi nila, kung para sayo, sayo talaga, kung kayo, kayo talaga. Mangyayari at mangyayari ang mga bagay kung deserve mo talaga.



Kaya ayun, ang punto ko na lang dito eh, walang masama na gawin natin lahat para sa pangarap natin. Abutin natin. Gawin natin lahat kahit may percentage na hindi natin yung makakamit. As long na kapag lumagapak tayo ng sobrang sakit eh may salbabida tayo, or may parachute. As long na kapag kumaladkad sa sahig eh matututunan mo kung paano bumangon ng nakangiti na may dalang pag-iisip na baka nga naman may ibang bagay talaga na gustong ibigay sa atin si Lord, na baka may isang lugar kung saan tayo nararapat at career na baka dun talaga tayo mag-bloom. Baka sa dulo ng rainbow may pot of gold, pero baka mali lang yung direction na pinupuntahan natin.


**********

1 comment:

  1. kadalasan naman eh hindi masama ang pag-try sa lahat ng bagay, maging sa mga pangarap, malay natin, 'di ba?

    at huwag na huwag din i-underestimate 'yung tinatawag nilang "luck".. meron tayo lahat nu'n.. kaya chill-chill lang.. hehehe

    ReplyDelete

Anong meron?