Una, parang may hindi kame mapagdesisyunan, eh kase ayuko. Hindi ko alam or hindi ko na maalala kung ano yung hindi namin mapagdesisyunan. Pero nung nilaro-laro ko yung cute na bata, siguro mga 1 year and half siya, ayun finally decided na kame na gawin yung hindi namin mapagdesisyunan na hindi ko alam kung ano or hindi ko maalala dahil panaginip nga siya at minsan at madalas pag-kagising ang blurred na alalahanin ng mga panaginip.
Ngayon, iisipin mo, ano kaya yun? Ano kaya yung bagay na hindi namin mapagdesisyunan pero finally napagdesisyunan din naming gawin? Syet. Naalala ko na kase naalala ko na din ang susunod sa kwentong toh. Pero ang sama nung napagdesisyunan naming gawin. Pramis! Ayuko sabihin. I'm shy. Chos lang. At I assure you, hindi yung green na iniisip mo ngayon.
Ang napagdesisyunan pala naming gawin eh nakawin yung cute at nakakagigil na baby girl. Ngayon, okay, hinga, inhale, exhale. Sa real life hindi magagawa ng konsensya naming dalawa ni Mayk na magnakaw ng bata. Hindi ko alam bakit hindi na lang namin ginawa yung green na iniisip mo na gawin namin para magka-baby. Pero yun yung panaginip ko eh, at later sasabihin ko sayo ang opinion ko sa kung bakit yun ang napanaginipan ko.
May papaamoy pa nga kame dun sa kawawang baby girl eh para makatulog, ang sama, eh kung tutuusin di na namin kailangan gawin yun kase willing naman yung cute na baby na yun na sumama sa min.
Tapos later on, aalis na kame ni Mayk dun sa bahay na yun. Sa panaginip ko, wala akong balak sabihin sa Nanay ko, na any second lang eh darating na, na aalis kame at may pupuntahan kameng malayong lugar (hindi ko na rin maalala kung saan yun pupuntahan namin pero basta dapat hindi malaman ng Nanay ko kung saan man yun, suspense). Sa mga moment na toh, wala naman kameng dalang bata. Wala si baby girl (alam mo naman kung gaano biglang nag-iiba ang settings kapag nananaginip tayo di ba?) At nagmamadali na kame ni Mayk umalis pero dumating na nga yung Nanay ko, pero parang nasa garahe na kame naglalakad na kame palayo, pero nakonsensya ako kase pakiramdam ko nakadungaw sa bintana si Mama at pakiramdam ko nakita na niya kame. So, parang binati na lang muna namin siya, at medyo na-delay tuloy yung pag-alis naming dalawa ni Mayk, pero may balak pa din kame tumuloy.
"Kamil, di ka pa rin gising? Maghapon ka na ba matutulog jan?" At yun, *POOF!* nagising na ko, kase yung Nanay ko ginigising na ako.
May ma-connect lang, dati rin nanaginip na ko ng tungkol sa bata, last month lang, bago ako lumipad papunta dito. Pero that time ang panaginip ko buntis ako. Yup, nung nalaman ko siya kinapa ko talaga yung tsan ko, at ginawa ko yung assessment na ginagawa sa hospital para sa mga preggy para malaman kung anong posisyon nung bata. At nakapa ko yung ulo niya sa ibaba lang ng diaphragm ko. Sa panaginip ko, nagulat din ako na buntis ko tapos parang ang laki na kase bigla nung bata sa tiyan ko, parang 7 or 8 months na, pero ang super sigurado ko sa panaginip na yun eh masaya ako. Parang di ako nag-aalala na buntis ako. (:
At hindi naman tago dito sa blog, na gustong-gusto ko na talaga magka-baby. In real life toh ah? Gusto na namin magsimula ng family ni Mayk, at feeling ko ito yung meaning nung mga panaginip ko. At feeling ko kaya nanakawin namin ni Mayk yung bata kase parang katulad ngayon, gusto namin pero di namin magawa dahil complicated pa ang lahat at pareho pa kameng weak para bumuo ng pamilya. Isa pa, parang umaasa sa kin yung Nanay ko dahil nga madami na siyang napundar sa kin, yung college ko, yung pag-punta ko dito sa states, which explain why nandun din ang Nanay ko sa panaginip na yun. At na-gi-guilty ako kung uunahin ko ang sarili ko. Lalo na ngayon na wala pa talaga ako napapatunayan sa sarili ko. Ayun lang. Hypothesis ko lang naman yan. (:
Yun lang. Chao.
hmmm.. share ko lang na parang 'yung istorya sa pelikulang "fools rush in" 'yung istorya namin ni Master, ang bilis lang ng lahat.. madalas ako sa malalayong lugar dati dahil sa trabahong may kinalaman sa scuba diving, pero nu'ng una kong makita si Raw, nagdesisyon ako na mag-resign sa trabaho para lagi ko nang kasama ang mag-ina ko.. nag-iba ang pananaw ko noon.. napakasarap sa pakiramdam ang magkaroon ng sariling anak.. and sooner or later, 'pag solb na 'yung estado ni'yo ni elabs mo, tiyak akong magkakaroon na rin kayo ng sarili ni'yong baby.. gift ang mga babies, adre, maniwala ka sa akin.. :)
ReplyDeletenapangiti ako sa comment na toh sir jess..at sobrang na-apreciate ko.. salamat ng marami.
Delete