![]() |
| Face dance. |
Gusto ko maging open minded. Pero may mga few exception nga lang.
Masaya ako, kase ang dami kong kaibigan. Mga kaibigan na maaasahan. Minsan, hindi ko naiintindihan kung bakit yung iba walang panahon para sa kin, pero may panahon para sa ibang bagay o tao. Pero, bakit nga naman? Bakit nga naman parang feeling ko napaka-importante ko sa kanila at sa buhay nila na para bang kailangan gawin nila lahat para sa kin. Siguro dahil ganun din ang handa kong ibigay na oras para sa kanila.
Pero tulad ko, at tulad ng ibang tao, panigurado yung mga kaibigan ko na yun may mga gusto din silang gawin sa buhay nila, tsaka obvious naman na hindi umiikot ang mundo nila sa kin bilang kaibigan ko. Malaya sila maging masaya, kailangan ibigay ko sa kanila ang kalayaan na yun. Kaya nga sabi ko, dapat maging open minded ako, dapat intindihin ko sila, na minsan hindi naman nila sinasadya na saktan ang damdamin ko, na hindi naman nila sinasadya na mawalan ng oras para sa kin. Siguro sa ngayon, gusto naman nilang bigyan ng panahon ang ibang bagay, ang ibang tao, at magfocus sa future nila. Sa haba ng pinagsamahan namin, dapat kong maalala na siya ay kaibigan ko pa rin kahit anong mangyari, na kahit medyo bumababa man ang pagka-priority niya sa akin eh for sure importante pa rin ako sa puso niya.
Pero sabi ko din, may mga few exception. On the other note, siguro nga, may iba namang mga kaibigan talaga na kahit sobrang saya mo dati kasama sila, tawa ka ng tawa sa mga masasayang alaala niyo eh kailangan na i-let go, na kung ayaw sayo edi ayaw. Yung tipong wag na natin ipagpilitan kase ang epal ng datingan eh. Siguro dumating sila dati sa buhay mo dahil may importante silang role na bagamat hindi mo pa naiintindihna ngayon eh importante pa rin. Siguro may mga tao lang talaga na sadyang dadaan sandali sa buhay mo para pasayahin ka pero kailangan din umalis pagdating ng tamang panahon.
Pero ang pinakamasaya sa lahat eh yung nag-iisang tao na sobrang di mo inaasahan na mamahalin ka at i-aappreciate ka bilang bestfriend. Yung tipong siya yung tao na sobrang bait at feeling mo hindi mo deserve maging bestfriend pero naging bestfriend mo at tinuring ka as the same. Alam mo ba, yung taong yun, halos lahat ng nakakasalamuha niya sa buhay gusto siyang maging kaibigan, gusto siya maging ka-close, halos wala siyang nakakasamaan ng loob. Sobrang swerte ko, dahil ang taong yun, pinili ako na bestfriend niya. Binigyan niya ako ng oras na hindi ko hinihingi at hindi ko pinipilit, at di ko talaga yun inaasahan dahil sobrang busy niya. Sobrang saya ko, akala ko nung una ako lang yung patay na patay sa kanya na maging kaibigan siya, pero nalaman ko na napaka-importante ko din pala para sa kanya at ang saya saya ko. Walang katumbas. Salamat.

TUNAY NA KAIBIGAN: may shit happened na ngyari sa iyo pero nasa tabi mo at ginagago ka pa rin at tumatawa.
ReplyDeletepeople come and go, adre.. ganun talaga..
ReplyDelete