Pages

Thursday, April 4, 2013

Sorry na.

May mga pagkakataon na may masasabi tayo na hindi naman natin meant na masabi, na bigla na lang nasasabi, lalo na sa mga pagkakataon na mainit ang ulo at hindi mapigilan yung sarili na ibuga na lang yung mga salita.

Nakakasakit pero hindi naman natin talaga sinasadyang saktan yung mismong sinasabihan natin. Hindi. Gusto lang natin magpaliwanag. Ayaw natin ng away. Ayaw natin ng gulo. Totoo nga niyan, nabitawan mo yung mga salita na yun dahil gusto mo sanang maging maayos ang lahat, pero ang ironic noh? Imbis na maging okay, mas nagiging malabo, mas nagiging magulo, mas lumalakas ang sigawan!

Pero ang nakakapagtaka dito, ang hirap bawiin. Di ba? Minsan, imbis na humingi tayo ng sorry, imbis na subukang ayusin, pagtagpiin, parang mas feel natin na ipilit na lang yung mga nasabi natin, pilitin na hanapan ng butas, ng dahilan kung bakit parang kailangan talaga nating sabihin ang mga nasabi natin. Komplikado, pero kailangan natin gawin, dahil alam natin na hindi tayo matatahimik kung bibitawan na lang natin yung pinaglalaban natin.


Hindi natin maiintindihan ang lahat ng bagay. Nangyayari ang kung anu-ano pero di natin laging malalaman kung bakit. Hindi laging magiging fair ang mga pangyayari para sa katayuan natin. Pag nangyari na, nangyari na, at hindi na natin mababalik yun at walang kwenta magsisihan dahil hindi naman nakakatulong. Wala tayong ibang dapat gawin kundi tumingin sa mga susunod na pahina ng buhay natin, magpatuloy, mag-move on, at subukang wag na gawin ang mga nakaraang pagkakamali.

Sorry. Napakasimpleng salita, per madalas napakahirap sambitin. Pero kahit na, sana minsan, i-consider gamitin, alam niyo yun? Bago tayo magpatuloy sa susunod na pahina ng buhay natin, baka gusto nating kahit papaano magbawas ng bagahe. Alam nating lahat, mabigat, ang hirap magpatuloy pag masyadong madaming dala.

Mag-sorry ka o di kaya kung ikaw yung naghihintay na yung taong yun ang humingi ng tawad sayo, mag-isip ka muna. Baka mamaya niyan, ikaw na lang ang apektado, na ikaw na yung nagpepenetensya sa paghihintay mo na yan. Pwede magbawas. Libre magpatawad at humingi ng tawad.

**********

5 comments:

  1. hehehe oo nga, better say sorry bago mahuli ang lahat. ganyan. ramdam na ramdam ko yan now lol

    it is just how we perceive things in our life, masrap mabuhay na walang extra baggage ika nga. mahirap sabihin ang sorry when u know that u really mean it, mahirap tanggapin minsan ang sorry kapag deserving bang patawarin ang tao or hindi pero its all up to us, hanggang may oras, we can still fix things as soon as we are ready.

    basta kapag galit iwasan nalang ang magsalita para hindi na madagdagan ang problema.

    telelalalamorning sissy.

    ReplyDelete
  2. Hmmmnnnn.... marami ang biktima ng ganyan...'yung magsisisi kasi nakapagbitiw ng hindi magandang salita at sa huli ay nagsisi... Usual alibi natin, nadala ng emotion... Tsk... very wrong...

    We have to practice kasi the art of Pausing... Lagi kasi, sa every emotion - expression agad... Dapat, Emotion - Pause - Expression!

    As a communicator, it is our responsibility not to be wrongly perceived so pag iba ang intindi dahil sa tone ng pagkakasabi, they are well within their right to react accordingly....

    Sorry naman ang haba ng comment ko.hyyyy

    ReplyDelete
  3. Been there.. Done that.... Pero i think mas maganda yung nailabas mo ang nasa loob mo. Masakit man ito pero kailangan ilabas or else sasakit puso mo lol

    ReplyDelete
  4. andito naman 'yung insight ko para sa post mo na 'to:

    http://tksalaulasatinta.blogspot.com/2012/05/yung-jingle-nung-isang-sikat-na-banda.html

    hehehe

    ReplyDelete
  5. Mahirap magsabi ng sorry, which is a good thing, keysa naman humantong sa point na napakadali na lang magsabi ng sorry na nawawalan na ito ng meaning... wala lang food for thought lang

    ReplyDelete

Anong meron?