Sa ngayon, puro kwento lang muna ako ng mga pangyayari sa buhay ko. AT kung napapansin niyo eh hindi ako dumadalaw madalas, at kung dumadalaw man ako sa mga blog niyo eh hindi ako nagcocomment dahil.. dahil.. medyo busy ako. Oo, artistahin ako eh, kaya busy ako. Lol. For sure malalaman niyo din naman ang dahilan bakit ako busy, madaldal ako eh.
So, nitong Holy Week, nagbisita Iglesia ako for the first time dito sa Manila, at masasabi ko na ang holy talaga ng experience ko na yun. Feeling ko talaga nakapagmuni-muni ako ng maayos. Kasama ko ang Mama at si Joize, na kapatid ni Mayk, na bumisita sa pitong simbahan dito sa Manila. Di ko na sasabihin yung mga simbahan na nabisita namin kase alam ko naman na di kayo interesado.
Tapos, inubos ko din ang oras ko nung Holy Week sa pag-momovie marathon ng Harry Potter, at umuwi din pala akong Pulilan, Bulacan, ang probinsya ni Mayk.
Totoo niyan, bago ako umalis pa-Bulacan, may reply vblog sana ako sa vblog ni Lalah, pero ang badtrip ng webcam ko, hindi ma-record ang bumubulong kong boses. Kaya napagdesisyunan ko na tigilan na lang ang kalokohan na ginagawa ko. Hindi ko sinasabing kalokohan ang ginawa ni Lalah. Alam niyo naman na mahilig din at makapal ang mukha ko mag-video blog noon pa man (kung nasubaybayan mo man ang luma kong blog na Road to Kill), at na-excite ako makita ang vblog ni Lalah, kaso epic fail ako, kaya di ko na lang inupload.
Ngayon lang ulit ako nakabalik sa Bulacan for Holy Week. Noon, 2009 at 2010 kase, lage kame nag-sesemana santa sa Bulacan. Nag-swimming din kame before kame tuluyang bumalik sa Manila.

Then, last Saturday, April 6, 2013, eh nanuod naman kame ng It Takes a Man and a Woman sa Robinson Manila. Kasama ko ang mga classmate ko nung 3rd year college. Grabe, toxic yung biglaang pagkikita na toh kase may work ang tatlo sa amin at may pasok sila nung araw na toh. Ang aga aga namin sa mall, just to make this happen.
![]() |
| Me, Cinds, Lolay, Sarah and Kath |
"Love is a choice. Ganun din ang pagpapatawad. Pipiliin mo rin yun Laida, araw-araw." - It Takes a Man and a Woman.Naiyak din syempre ako sa part na nagyayakapan na si Laida pati si Dad niya. Medyo affected ako, medyo infected pa nga eh. Totoo lang. Pati nga yung sa The Croods na binanggit kong movie sa recent post ko, may mga moment din yung bida at yung tatay niya, nag-emote din ako dun.
So anyway, ayun,medyo ayuko lang part lagi sa kahit anong romantic movie eh yung mga katulad ng magarbong surprise ni Miggy kay Laida. Ayuko nun kase ayuko na ang bawat babae sa mundo eh mag-expect na lagi silang i-ttreat nang ganun ng mga lalake. Minsan dun nagsisimula yung pantasya ng babae na ang lalakeng makikilala nila eh perpekto at prince charming. Tsaka, minsan dun din nagsisimula yung away kase hindi mabigay nung lalake lahat ng expectation ng babae o di kaya yung mga simple effort ni lalake eh hindi na na-aacknowledge kase nga may ibang klase ng expectation, so yun.
At ito, kauuwi ko lang fresh from Laguna. Nahila ako kahapon ng tanghali ng magiting kong bestfriend na si Abi kasama ang kanyang kapatid pa-Laguna. Pabalik na kase ng Canada yung kababata namin na si Divine at Ella (both naka-headband sa pictures). Di ako sure, pero six years na yata nakalipas nung nag-migrate sila papunta doon. Pagkatapos ng swimming bonding namin nitong nakaraan at ang bonding namin kahapon, eh matatagalan na yata ulit bago kame magkaroon ng next reunion. At syempre masaya makasam yung mga matagal mong hindi nakasama pero masaya pa rin ka bonding after ilang years na hindi naman kayo nagkkwentuhan tungkol sa kanya-kanya naming buhay.
At yun lang.


hijdi naman pala ganun kahaba eh... i have seen na rin yung it takes a man and a woman... twice actually... maganda siya...
ReplyDeletehmmnnn... okay naman at siksik ang mga nagdaang araw na hindi ka nagparamdam... hindi mo nabanggit na winner ka sa isang ka-cheapan na pakontes... hehehe
tsaka ko na babanggitin un pag nakuha ko na ang prize! (:
Deletebusy nga.. hehehe.. sa tingin ko solb lang 'yan kasi wala namang nagagawa.. enjoy..
ReplyDeletethats a good life you are living there sissy!! hahahaha sarap noh? sarap kapag nakikita mo na yong mga pictures after sa mga gala niyo. sarap balik balikan.
ReplyDeleteat yang movie na yan, parang kailangan ko ata mapanood yan para maintindihan ko pano ko rin patawarin yong lokong nagpaiyak sakin! hahaha chos ang oa lang lol
at talaga may ganon pagkasabi na kalokohan ang vlog eh tawang tawa ako sobra hahaha kasi don pa lang sa " Kaya napagdesisyunan ko na tigilan na lang ang kalokohan na ginagawa ko" nasa isip ko na sana sa comment na hala katuwa ang kalokohan na yon hahaha kaso binawi mo sa next sentence eh hahaah pero nattuwa ako sa vlog wala pa lang akong time now pero sure thing may kasunod yon. tapos pag punta ni senyor dito, mag vvlog din kaming dalawa hahaha ivvideo din namin ang mga jump shot moments namin hahaha
wow ang saya naman buhay, punuong puno ng kulay. ganun talaga pag artista busy, hindi na makakapagcomment sa blog ng iba (parang ako) hehehehe. na curious tuloy ako kung ano eksena sa it takes a man and a woman :)
ReplyDelete