Pagkatapos namin manggaling sa Baler eh dumerecho kame sa Cabanatuan, Nueva Ecija, sa bahay nila Shamie at Shan. Pangalawang bisita na namin dito sa lugar nila.
Nung unang beses kame dumalaw dito, ang mga ginawa namin ay namasyal sa Aquino-Diokno Memorial at sa Pahingahan sa Palayan. Lahat ng ito nasa loob ng Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.
 |
| Aquino-Diokno Memorial |
Dun sa mismong kinatatayuan ng memorial nangyari ang mga pangyayari. Medyo ni-renovate na siya ngayon para ma-preserve yung place. Ito yung nangyari nung marsyalo, kung saan nilagay at kinulong sila Aquino at Diokno for days. Tapos isang pares lang damit nila, at walang kahit ano sa kwarto nila na entertainment, at hindi rin sila pwede dalawin ng pamilya nila. Ayun. Nakakabaliw kung iimaginine mo.
 |
| Lakarin papuntang Pahingahan |
From there naglakad na lang kame papunta sa main goal talaga namin puntahan, ang Pahingahan. Wala na kame nasambit habang naglalakad papunta sa Pahingahan kundi, malayo pa ba? Buti na lang laging may sense of humor itong mga kasama ko. At after ng nakakapagod na lakarin... ito ang bumungad sa amin..
 |
| Pahingahan |
Napawi lahat ng pagod. Siguro hindi niyo maapreciate sa picture, pero nung nakita ko toh, sobrang gumaan yung pakiramdam ko at ang saya-saya. Parang nabura lahat ng bad vibes sa mundo. Tsaka ang fresh ng air dito, parang wala ng bukas. Kung hindi lang magdidilim na, hindi pa kame sana babalik. Ang sarap tumambay dito, at matulog, at siguro kumaen na din.
After nun bumalik na din kame sa bahay nila Shamie & Shan at habang umiinom, dito na namin napagtripan ni Jake na magpabutas ng tenga kay Shan. Totoo lang, si Jake, oo planado niya toh. Pero ako, hindi, inalok lang niya ko, at instant ako pumayag.
 |
| ako |
 |
| si jake |
At ngayon naman, ang pangalawang balik namin dito sa Nueva Ecija after ng Baler, nagpakulay naman kameng dalawa ni Jake ng buhok. Lol. Again, si Jake, planado niya toh, at inalok lang niya ko ulit, at pumayag naman ako agad-agad.
 |
Bleach pa lang toh. At parang mas maganda pa yung bleach.
|
 |
Hey blondie. Ito may color na. Brown blond kay Jake, ako naman Flowerish Red |
Sabi nga namin, ano naman kaya ang susunod na trip namin pagkabalik ng Nueva Ecija? Baka mamaya niyan magpatattoo na kame. Lol! Lakas maka-foreigner ng datingan eh. Kailan kaya makakabalik dito? Matagal-tagal na ulit. Sabi nga sa min ng papa nila Shamie, next time daw wag naman daw pang-isang araw ang bakasyon namin dito, tagal-tagalan naman daw namin. Hehe. Sa susunod! (:
Hayahay. Ma-mimiss ko tong mga ketek na toh. Looking forward sa next na pagkikita namin. Ayun lang. Bye!
**********
wow... i wanna go to pahingahan... sarap magrelax...
ReplyDelete