Masaya kame para sayo! Sayang nga lang at super dami pa rin inaasikaso kahit after graduation. Madami tuloy lakad na hindi ka namin nakasama. Pero okay lang! Next time na lang! Kailan kaya ang next time na yun? Hehehe!
At masaya pa rin dahil kahit sa kalagitnaan ng pagka-busy mo eh at least nagkaroon pa rin tayo ng time para magkita kahit super kapiranggot na moment lang.At ngayon, back to kwento na naman ako. Hahaha. Salamat nga pala at may nagttyagang dumalaw pa din dito sa blog ko kahit papaano. Inaamin ko talaga na hanggang ngayon eh hindi ko pa rin kayo mabibigyan ng panahon. Kaya naman pinapaalam ko sa inyo na hindi naman sasama ang loob ko kung di kayo dadalaw at mag-cocomment dito sa blog ko.
Tapos, kung nabasa niyo yung katangahan ko sa huli kong post, kung saan masyado akong excited na makuha yung prize ko kay Senyor Iskwater at Pink Line, kaya napa-advance ako ng isang araw pumunta sa meeting place, eh eto na yung karugtong nung tanga-tangang araw na yun.
![]() |
| Ketek mode with Shamie. |
Pero grabe, sobrang tipid ko na din sa lakad na toh dahil nga pulubi much na ako. Pero kahit namumulubi na, masaya pa rin kase walang humpay na puro kalokohan kasama sila Shamie, Shan & Jake. Ang ketek lang.
Medyo sayang nga kase hindi kumpleto dahil wala si Ahyz (Allyza).
![]() |
| Treat ni Jake. |
Si Jake yung nakasalamin sa amin. Sandali lang siya dito sa Manila dahil busy ang lola niyo sa work niya. So ayun, thank you sa kanya dahil kame ay tinreat niya ng Ice Skating sa MOA. Hehehe. Deja vu. Kase may Ice Skating. Kase alam ko nangyari din toh nung dati sa mga ganitong panahon, pero ibang set of friends nga lang ang kasama ko nun.
Wala talaga ako hilig sa ice skating, pero hindi ko rin naman ayaw kase challenging siya. Pangalawang beses ko pa lang toh nattry, kaya pagbalik ko parang di ulit ako marunong. Tsaka never pa din ako nadadapa sa ice skating. Na-out of balance lang, pero hindi talaga natumba. Eh di ako na.
Matagal ko na talaga napansin na kakaiba talaga ang friendship na nabuo sa amin. Kase nga si Shan ay gay, si Jake ay butch naman, si Shamie unknown, si Ahyz girl na girl na girl, at ako girl pero masculine. Tapos grabe, magkakaiba din ang features ng katawan namin, alam niyo yun? May maitim, maputi, matangkad, sexy, at bilugan. Ayuko na banggitin ang tungkol sa ilong. Hehe. Pero you get my point. Welcome to the island of the misfits ang peg. Hahahaha. So hindi palaging birds with the same feather always flock together. Meron pa ring kaunting exemption. Pero kung may isang common traits talaga sa aming lima eh yun na yata yung pagiging ketek.
So ayun, tinapos namin ang araw namin through isang bucket ng red horse. Tapos after nun nabadtrip na ko sa mga taxi driver sa MOA kase ayaw kame pasakayin at namimili halos lahat ng taxi dun ng pasahero. Sinumbong ko nga sila sa MOA management eh, tsaka sa MMDA. Lol. Init lang ng ulo teh?
Tapos, napansin ko na nagkkwento na lang talaga ako lately dito sa blog. Masaya naman ako kase pinagkakalat ko buhay ko sa inyo. At.. madami pa akong daldal sa mga susunod na araw. Kaya bbye muna!




wow... kakatuwa ka naman at mukhang enjoy na enjoy ka... dapat magkita tayo ulit before ka mawala sa Pinas ah...
ReplyDeleteI will miss all of this fun memories -Shan
ReplyDelete