It was a fun and exciting travel to Baler. Wala akong ka-idea-idea kung anong gagawin namin! Exciting! I'll try my best to make it short! (I tried!) At sana yung mga nag-reresearch for their stay sa Baler, hope this post can give you a heads up!
Bus ride to Baler.
You can ride a bus of your choice. I recommend Genesis or Joy Bus. Kung want mo ng smooth travel at bus na may wash room, go for Joy Bus at magpareserve ka ng seats early on. Syempre mas mahal ang Joy Bus ng konti sa Genesis. For us, nag Genesis na lang kame kase fully book na sa Joy Bus, at okay lang naman kase ang kaibahan lang naman eh yung mga bus stop. After 5 - 6 hours of travel we arrived at the market place of Baler, doon din ang terminal ng mga sakayan.
Tricycle Tour.
Dito sa terminal marami na din available na tricycle rides. Wala akong nakitang jeep sa Baler, so mainly mga tryke talaga transportation dito. Affordable din naman ang mga rides at mababait ang mga driver. Nagpahatid kame sa Sabang, kase dun kame mag-huhunt ng matutuluyan. Php 15.00 isang tao from terminal to Sabang.Usually, aalukin ka ng mga tricycle driver dun kung gusto mo i-totour ka sa mga tourist spot for a price. Meron din namang tourist organization according sa friend ko na permitted talaga sila para mag-tour ng mga bisita. Tricycle din yun, at di ako sure pero Php1,000 ang cost yata niya. Pero pwede ka na rin makipag-usap sa mga tricycle driver na mag-aalok sa inyo para makapag-deal kayo.
Yung tricycle driver sa may terminal ang alok sa min Php 800 na i-totour ka sa 6 places, kaso tinanggap namin yung isang alok sa min sa Sabang (malapit sa tinuluyan namin) kase Php 800 din siya, pero 9 places, tapos pumayag pa si kuya na palitan namin yung ibang lugar na madali lang naman puntahan. Tinanggal na namin yung Museo de Baler, Quezon Park, Quezon House at Simbahan ng Baler at pinalitan namin ng mas malalayong lugar.
Ito si Kuya Ron (naka-blue). Sobrang bait niyan. Nakikita niyo ba ang size naming apat? Ang laki namin pero walang reklamo si kuya. Pwedeng pwede mong kausapin si kuya kung anong uunahin na destination at kung what time. Kahit nung nag-lunch kame hinatid niya kame dun sa kainan tapos binalikan niya kame agad after, di na namin kailangan maghintay ng matagal para sa kanya. Tsaka hindi rin siya nagpapadagdag kahit may side trips kame, tulad nung one time na nagpasama kame sa kanya mag-withdraw. Tapos nasiraan pa kame nung pauwi na from Mother Falls, kase nga puro kame malalaki at ang dami at ang lake din ng mga bato dun sa daanan sa falls. Pero si kuya accomodating pa din at di kame pinabayaan. Siya na din mismo ang nag-tour sa min sa mga lugar at tinatanong din namin minsan sa kanya yung mga history ng place. Hanggang kinabukasan kasama namin si Kuya Ron, dahil may dalawa pa kameng di napuntahan. Siya na din naghatid sa amin sa terminal nung pauwi na kame.
Syempre bukod sa bayad, binigyan namin si kuya ng tip dahil kame ay ay mga fully satisfied na customer niya. (:
If you want, you can call Kuya Ron at mag-inquire ng tour, ito ang number niya: 09194347918
Bay's Inn
Pagdating sa Sabang nga pala, naghanap kame ng mga inn at nag-inquire. Una talaga naming tinatanong eh kung anong inclusion. Syempre i-rerecommend ko pa rin ang tinuluyan namin, ang name niya ay Bay's Inn. Merong mga aircon room na may TV at wifi din na kasama na pipiliin sana namin, pero malamig naman daw sa gabi at hindi rin naman kame mag-iistay most of the time sa room, kaya naging okay na kame dun sa ordinary room nila which cost Php 1,000.Ang inclusion ng ordinary room na pang-tatluhan na pinili namin ay two beds, isang master at isang double bed. Isang hanging fan na tamang tama lang dahil di naman mainit. One bathroom, 3 towels, morning kit at free breakfast. Kung gusto magpadagdag pa ng isang matress (dahil apat nga kame kaya namin ito isinaalang-alang) eh magdadagdag kame ng Php 400, at may kasama na din yun na extra towel at free breakfast din.
Tsaka lahat lahat nagustuhan ko sa Bay's Inn 10/10 na sana ang rating ko dahil sobrang sulit talaga ang stay dun tsaka decent yung place. Kaso nung breakfast namin, yung nag-asikaso ng food, parang mailapag kung mailapag lang sa lamesa namin yung mga order na hot choco at juice. Nagkumpulan lahat ng order dun sa isang corner nung table, sabay iniwan ng ganun. Tapos yung tissue nilapag sa mismong tapat nung friend ko. Tissue kakainin ng friend ko teh? Yung hot choco din ay Milo. Wala akong against sa Milo, hindi rin ako maselan, kaso nga lang Milo na nga siya, wala pang lasa. Sorry, ang rant. Totoo lang nung dinner namin, super accomodating yung nag-assist sa min, nothing like what happen nung morning na toh.
![]() |
| Banana Shake with choco syrup |
Plus, gusto ko rin pala na check niyo ang rating ng surfing lesson nila sa Bay's Inn, kase sulit din yung mga one-on-one nila at pati na rin yung mga package nila na pang-group sessions. Di na kame nakapag-surfing eh kase ang daming pinuntahan at wala din akong budget.
Rolling Store and the start of the trip
Nga pala, sa Bay's Inn, 1pm pa talaga ang check-in nila usually kapag di pa available mga rooms na pipiliin niyo, pero pwede niyo na iwan mga gamit niyo para makapag-start na kayo sa inyong journey. Wala pa kameng kinokontrata na tricycle by this time at ang balak lang talaga namin eh kumaen lang muna sa Rolling Store. Nagpahatid kame kay Kuya Ron, at actually ito na rin yung time na inalok niya kame. Mga carinderia style din ang tinda sa rolling store, at swak na swak talaga sa budget. Nag-hotsilog nga lang ako eh. Kung bakit Rolling Store ito, nabasa ko lang din sa ibang blog na kase dati group daw ito ng mga food cart nung unang panahon.
Quezon Memorial Park at Museo de Baler.
![]() |
| Quezon Memorial Park |
| Imitation of Quezon's house (It is also a smal souvenir shop) |
| Museo de Baler |
| Town Hall |
| Obelisk |
![]() |
| Inside Quezon House |
| Vintage Presidential Car |
| Balete Tree sa malayo. |
| Hindi pa ito yung mabato na tutukuyin ko sa ibaba. |
| Ilog #1 |
| Trecking |
At dahil wala nga ako ka-idea-idea sa lakad na ito, di ko din alam na may magaganap na trecking pala sa pagpunta namin sa Ditumabo. Mga tatlong ilog yata yung dadaanan tapos lakad lakad bago makarating sa falls. Buong paglalakad namin, hindi ko naman naiisip na pagod ako. Ang pinagdadasal ko lang eh sana hindi mapigtal ang tsinelas ko lalo na sa moment na ganito. Pawis, at sana pagdating ko sa tuktok eh nabawasan na kahit isang layer lang nung bilbil ko.
| The Mother Falls |
At syempre, dahil may tinanim, may aanihin. Pagdating namin dun sa falls, ang saya-saya ko. First time ko kase makarating sa ganito sa tanang buhay ko. Pero medyo natatakot din ako kase may kakilala ako na tumalon sa ganito na hindi na lumutang palabas ulit at namatay. At sige, pipiliin ko na mapigtal ang tsinelas ko kaysa mamatay. Kaya, ayun, medyo ingat ingat ako sa pagkilos ko sa place. Ang ginawa ko na lang ay inappreciate ko ang ganda ng talon, at ang mist na tumatalsik sa pagmumukha ko, at ang tahimik, at ang lamig ng tubig. Ang saya-saya ko. Sabi nga ng friend ko, ang ganda ganda ng nature, which is true. Hindi lang puro picture ang pinunta namin dito, although importante yun, pero di to the point na walang ng time tumingin talaga sa tunay na beauty nung place.
Nung Gabi
** Sabi ng friend ko, may pupuntahan pa daw sana kameng isa pang lugar, pero dahil nasiraan nga kame, hindi na natuloy. Gabi na rin kame nakabalik sa Bay's Inn, dahil nga nasiraan kame pabalik. Tapos as I have mention na rin kanina eh sa Bay's Inn na din kame kumaen ng dinner at umorder ng fruit shakes. Actually may nangyari pa after nito. Naligo kame sa beach sa gitna ng dilim. Hindi pala pwede maligo sa beach kapag gabi na. Malakas kase ang alon sa Sabang beach, at madami na daw ang namatay dahil dito. Nasita kame dahil sa kakulitan namin, pero masunurin naman kame at bumalik kame agad sa kwarto namin. Bago matulog, nag-isang bucket pa kame ng san mig light sa katapat na resto bar ng Bay's Inn. Chill chill lang after ng napakahabang araw namin.
Ampire Beach
Kinabukasan, with all the muta, tulo laway and everything, we were trying to catch the sunrise at the Ampire beach, but fail to do so. Nevertheless, the place was still beautiful. Nung nakita ko nga yung mga bato, naisip ko agad, hay naku, bato na naman! Naghanap na lang ako ng pang-hilod, pero fail din. Sabi naman ni Mayk, syempre nag-uumpugan daw yung bato, kaya magiging makinis talaga ang mga bato dun. Nag-picture picture na lang kame at hinigup ang lahat ng hangin na hindi namin mahihigop pagbalik ng Manila.
Caunayan Falls
Malayo ang Ampire beach, kaya isang oras din ang nakalipas bago kame nakarating sa Caunayan Falls. Ang nagustuhan ko sa falls na toh? Walang trecking. Akala ko kase mapapagod na naman kameng lahat sa paglalakad paakyat ng bundok. So, we have a lot of time i-enjoy ang malamig na tubig ng Caunayan. Medyo private ang dating ng place na toh, at may entrance fee siya. Php 20 lang naman. Tapos kung gusto niyo may cottage din dito kung like niyo magtagal at mag-picnic. May bayad din syempre yung cottage. Ang lamig ng tubig at ang linis linis. Ang sarap maligo, pero di na ako naligo kase sobrang nilalamig ako. Meron ding souvenir shop dito kung gusto niyo mamili, pero I recommend dun na lang sa palengke, may souvenir shops dun, at ganun din naman ang presyo.
Sabang Beach
Syempre bago natapos ang buong stay namin dito sa Baler, inenjoy din naman namin ang Bay's Inn's very own Sabang Beach. Kaso ang init na nung ginawa namin yun, kaya instant itim talaga kameng lahat. Maganda talaga ang Baler lalo na kung mga 2 or 3 days ang stay dito. At least magkakaroon pa lahat ng time na maligo ng matagal sa beach or matuto mag-surfing after all of the tours.
**So ayun lang, sobrang sayang travel para sa akin at sa mga kaibigan ko. Weeeeh! At ayan! Babye Baler!









No comments:
Post a Comment
Anong meron?