Pages

Thursday, April 25, 2013

Mga blog post na historical.

Halos nakalimutan ko na ikwento sa inyo ang kakaibang ginawa ko dito sa blog ko. Kung napansin niyo, kailan ko lang din naumpisahan itong blog na toh, siguro mga 2010 yata pagbalik ko dito sa Pinas. Pero pag tiningnan mong mabuti ang archives ko, may 2007 akong mga post. Alam ko naman na hindi naman kayo medyo magiging interesado, pero malakas pa rin ang loob ko at magkkwento pa din ako.

Nag-import ako ng mga blog post ko mula sa mga lumang blog ko, papunta dito sa blog na toh. Yup. Ang tagal din bago ko na-kompleto ang ginagawa ko. February 9, 2013 pa nung naisipan ko na gawin toh, anong petsa na ngayon? Prineserve ko ang mga date kung kailan ko sila pinost kaya ayun, lumabas ang 2007 sa archives at kaya natagalan din ako sa pag-ku-kompleto. Tinamad kase ako, paputol-putol, at hindi tuloy-tuloy yung work. Pero finally, as of this morning, natapos ko na siya.

Kung matagal na kitang kaibigan sa blogsphere, alam mong may blog ako na ROAD TO KILL, at dito talaga nag-grow ang friendship natin. Honestly, hanggang ngayon up pa rin ang site na toh, pero for sure malapit ko na siya i-delete dahil na-import ko na nga lahat dito sa blog na ito lahat ng post ko mula dun. Di na ako mag-aaalala kung mabura na siya sa buhay ko.

Tapos kung medyo matagal na matagal na talaga kitang friend, alam mo din na nagkaroon ako ng english na blog sa pag-pupumilit ko na maging fluent sa english, na hanggang ngayon di pa rin successful. Nag-ngangalan yung blog na yun na BASKET OF DREAMS, dahil nga mahilig akong mangarap. Hindi na live ang site ko sa blog na yun, matagal ko ng denelete dahil nalungkot ako at impulsive nga ako. Plus, nakakahiya din ang mga naging post ko dun. Pero anyway, nandito na din sila sa blog na ito, so kung naghahanap ka ng kahihiyan ko, nandito lang sila.

At.. syempre, ang kauna-unahang blog ng lahat, Friendster blog, yup nagkaroon din ako nun. At ang jologs ng mga post ko dun, pero hindi ko rin naman sila kayang i-delete, kaya ayun, inimport ko na lang dito.

So, kapag kini-lick mo ang mga link na i-pprovide ko sa ibaba, dadalhin ka nila sa mg jologs at historical post ko, ito sila:



(Yup ito po ang title ng friendster blog ko)

Sabi ko nga kanina, proud ako na matagal-tagal na din akong nagbblog dito sa DO MORE OF WHAT MAKES YOU HAPPY. Sana forever na, sana hindi ko maisipan na lumipat na naman ng bahay.

At sa kasalukuyan bukod sa blog na toh, meron akong dalawang blog na tago, at isang blog para sa love life ko, IT'S ALL ABOUT US, at tatlong TUMBLR. Dalawang tago, at isang lantad. Lol.
**********

3 comments:

  1. Wow beterana ka na pala sa blogging bonga sis. At ang dami mong blog kaloka ang kasipagan mo. Haha thumbs up!!

    ReplyDelete
  2. Ang dami mong blog site! Buti kaya mo imanage lahat, ako isa pa lang parang ang hirap na hahaha! Pero meron din naman akong tumblr account.

    ReplyDelete
  3. whew ang daming blogs.. ako naman eh sinara ko na yung sa tumblr.. parang ang hirap i-maintain ng marami..

    ReplyDelete

Anong meron?