Lagi kong sinusubukang isipin na lahat ng bagay may reason bakit nangyayari. Or kung wala, lahat ng masasamang pangyayari may kapalit na maganda.
Kanina papunta pa lang ng MOA, wala na kameng masakyang taxi. Madami kase kame. Huggard. May kasama kameng mga bata at aso. Ayaw kame isakay ng mga taxi. Kaya napilitan kameng mag-jeep at mag-jeep hanggang MOA.
Anyway. Surprise surprise sa MOA dahil bongga ang people. To the highest level! Ang dami dami dami dami!! Pasko nga kase! Ewan ko, madami siguro gusto mag-waldas ng pera, lahat walang pasok. One and half oras kame ni Mayk naghihintay sa labas ng hypermarket dahil bumili ng ma-chichi-cha ang mama ni Mayk at mga siblings niya sa loob. Pero dahil sangdamakmak ang tao sa MOA, inabot ng syam syam ang pagbabayad pa lang ng mga pinamili.
Pumunta kame sa sea side para lumanghap ng malansang hangin, sana sa Luneta na lang namin naisipang tumambay. Nakaka-stress, hindi nakaka-enjoy dahil sobrang daming tao. Block buster ang mga comfort room, hindi na sila comforting. Kaya mga ilang minuto lang, nag decide na kameng umuwi.
Badtrip na ko kase wala na kame napala, tapos ngayon wala pa kameng masakyan pauwi at hindi ko alam san nanggagaling yung mga tao, parang lalong dumadami sila. In short, as in, hagod sa muscles, nag-bus, nag-jeep, nag-jeep kame pauwi. Di ko na maintindihan, hussle, huggard, basta pagod na pagod kameng lahat.
Basta, medjo dinaan na lang sa joke ang kabadtripan, pero the feeling stays within. Lol. Pero alam mo yung unhappy talaga, sobrang sulk, pero.. kaso.. yun nga... kase... ^_____^ biglang BUMUNGAD sa kin ang mention... ang mention na yun... napawi lahat.. nag-clear... hindi ko ma-describe... hindi na unhappy, cancelled na ang appointment na yun, SALAMAT sa kanya.. matutulog na ako ng may ngiti sa labi. <3
Love,
Kamila


yung isa bakit hindi mo pinoste? mas maganda yon.
ReplyDeletenaks ah, si CHITO naman ah! Ikaw na! ang parokya ni edgar.. hehe! ilabU mie
ReplyDelete-Meymey
Pahaba ng pahaba sinasabi niya sayo ah. Ano naman kaya next? <3
ReplyDelete