Pages

Friday, December 9, 2011

Date with Abi Part 2

So ayun nga, continuation ng last post... si Lola, nakakalerky si Lola sa mga comment niya during the movie. Okay lang naman sa min ni Abi, pero kung first time namin tapos ang ingay ingay ni lola, baka kanina pa kame lumipat ng upuan...

Hindi naman sila mukhang avid fan kase ang dameng question ni Lola sa katabi niya, anak niya yata yun. May one time dun sa part na mag-hohoney moon na si Bella at Edward, nung time na mga sexy na damit lang nilagay ni Alice sa bagahe ni Bella, ito eksena:

Lola: Ayy! Bakit ganun?
Anak niya: Naiwan niya yata mga damit niya!
Lola: Ay!! Naku! Hala.. naiwan niya damit niya.. ANONG DAMIT?
Anak: Pang-swimming niya..


Ako & Abi: LOLLL!! Sa anong damit!


Tapos eh di yun patuloy.. nanuod pa rin kame, concentration kahit napanuod na... biglang yung eksena na nagbubukas si Bella ng ref, naghahanap ng food:

Lola: (nakita yung wine na kulay red sa may ref) MAY DUGOO!!

Eh di sobrang laughtrip na ko, kahit sobrang sama ko, tawang tawa pa din ako sa kanya, pero eto pa, dumating yung eksena na kumakaen na ng manok sabi niya ulit!

Lola: DUGO!! May dugo yung manok oh!
Anak: Ayan hala naglilihi na siya!
Lola: BUNTIS SIYA???!!!

Maya-maya...

Lola: Hala? Namatay yung bata?? (Tinanong niya sa anak niya)
Anak: Opo..
Lola: Hala Namatay yung bata? (Tinanong naman niya sa matanda sa kaliwa niya, hula ko asawa niya yun)
Lolo: (Tumango lang, parang bored na bored si Lolo)

Eh hindi naman talaga namatay yung bata di ba?

Lola: Oh? Akala ko ba patay na yung bata!



Ako & Abi: Ang imbbbaaaa ni Lola!!

Hahahahha.. Sorry... ang sama ko ba, sobrang natuwa lang ako pramis! Tsaka ang bait nung anak niya. Usually kase di ba pag matanda na, less na yung patience natin, minsan sa bahay lang, pero siya nagawa niya ipasyal yung dalawang magulang niya. Natuwa ako, as in, nung palabas na kame kasabay namin sila, with a smile on my face, naisip ko, sana ganun din ako kabaet! Hahaha

LOL.

Anyhoo.. na-realize namin ni Abi na mas nag-enjoy kame dun sa pangalawa, nung kasama na namin si Lola. Hahaha...

Tapos nag-ikot ikot pa kame sa SM para maghanap ng damit. Gusto kase namin bumili ng something na meron kameng dalawa. Naghanap kame ng cheap, pero magugustuhan namin. Ayun, bumili na lang kameng damit sa artworks. Wahiihihi... Ang cute!

SO ayun lang! Wahihihi.. Wala naman kameng pictures, pero okay lang! :)


**********

2 comments:

  1. Hehehe..cute ng bonding niyo ni Abi. Mabait nga ang anak ni lola, pero baka kaya lang may patience sa mga tanong ni lola about sa movie ay dahil pangalawang beses din niya un na panoorin...hehe

    ReplyDelete
  2. i remember the word "IMBA" yan tawag nila sa bunso ko, haha! imba din pala ang lola..

    ReplyDelete

Anong meron?