Date with Abi Part 1
Just a quick post to greet everyone a happy morning!! Ang ibig sabihin niyan NAGISING AKO NG MAAGA! Dahil may time pa ako magbukas ng internet. Di ba?
Anyway gusto ko lang ikwento (at wala akong pictures) na kasama ko ang best friend ko kahapon. Nagkita kame ng mga around 2pm (pero actually late ako kase wala pala akong peso, lol, lam mo na, dollar baby ako--chos lang).
Anyhoo, nagpapalit pa ako before tuluyang pumunta sa SM Manila. I know. Ang daming tao dun, nakakastress minsan, pero yun na ang pinaka-convenient place na pwede kame magkita pag busy ang sched. Ngayon lang kame pwede magkita ulit. Lol. At hindi naman kame pwede magpakabongga dahil may pasok ako today.
Tapos ayun kumaen muna kame sa Burger King, kase 4:30 pa yung next showing ng Breaking Dawn. Actually di alam dito ni Avi na nanuod na ako, pero sinabi ko di pa, kase nga usapan namin yun na manunuod kame. Basta whole time na magkasama kame umarte ako na wala akong alam. Lol.
Habang nasa Burger King, grabe napansin ko ang payat na pala ni Avi. Isa yun sa mga kahinaan ko, hindi ako kin observer talaga! Argggh! Grabe! Samantalang ako lamon pa rin ng lamon, walang disciplina, tapos magpapasko pa ngayon. Ayun! Instant inspiration ang best friend ko! Akooooo dinnn!!! Pero ayun.. basta.
Dumeretso na kame sa Cinema 5. Wahihihi, wala pa rin siya kamalay-malay na alam ko na lahat ng mangyayari sa movie. Pero pinanuod ko pa din ng maayos kase, wala lang, alam mo na, favorite ko naman talaga ang Twilight simula umpisa, kahit na super dami na ng criticism sa movie na toh.
Tapos kalagitnaan pa ng movie, lakas loob akong umihi. Eh hindi ako umiihi ng ganun kahit na anong mangyari, magka-UTI na o whatever, mapanuod ko lang ng buo. Pero nung medjo matatapos na, binulungan ko na siya, "uyy may sasabihin ako sayo.." "ano?" "napanuod ko na yung movie..!" Wahihihihi. Gulat din siya eh, best actress ako.. Hindi nga eh, muntik na nga ako, kase halatang di excited. Kase nung una kong napanuod toh, grabe, abot langit yung ligaya ko. Wahihihi.
Tapos ayun, pagkatapos ng 4:30, inabangan pa din namin yung pang-6:00. Pwede naman eh. Ayun, pinanuod namin ulit, pero bumili muna kameng pop corn at coke sa labas, tapos balik ulit.
Pero mas masaya na sa round na toh. Wahihihihi... Ang kulit kase nung matanda na nasa harapan namin. Nagtataka nga ako bakit ang daming seniors na nanunuod ng Breaking Dawn eh, yun pala yun yung mga libre para sa mga matatanda, ah okay.
Tapos nakakatawa si Lola, yung mga comment niya! Wahahahaha... sa susunod ko na lang ikkwento.. kase malalate ako pag knwento ko lahat. Hahaha.
**********
NAKU! kong sinabi mo lang pinaka-convenient na mall para sau ay ang SM manila (cguro dahil mlapit sa inyo) nagkita na sana tau.. sayang talaga mei, sana nakapagdate tau.. ikaw kasi eh.. (naghihinayang mode)
ReplyDeleteWow. Nakakamiss ang may best friend na kinakaladkad sa mga lakad. Hayyss.. Wala akong social life! Ugh!
ReplyDeleteokay sa part 2 na ako..back read lang..hehe pero adik you, pinanood ulet ng ulet?
ReplyDeleteIkaw na talaga ang Best Actress!! natalo mo pa si Bella sa death bed acting nya.. HAHA! pero, super fun, kasi mali mali predictions ko.. kahi nabasa ko ?! lol :D napa-smile ako sa , ehem, pagpayat ko.. hihi. dadating din tayo dyan! abangan!! :)) :*
ReplyDelete