Pages

Tuesday, April 23, 2013

Kakayanin ko.

Hindi ko mapigilan na mangarap sa araw-araw. Ang sarap kase eh. Kase libre. Dati di ako mapakali, di magkanda-ugaga, natatakot... Natatakot sa kung anong mangyayari sa future. Pero ngayon? Buti na lang hindi ganun kabilog ang mundo.

Thankful ako kase ang boring siguro ng life kung alam natin ang schedule at pagkakasunod-sunod ng mangyayari sa buhay natin. Ang korny naman kung walang twist sa bawat telenovela? Di ba? Sinasabi ko yan hindi in a way na parang quote ha! Yung tipong may masabi lang? Sinasabi ko yan in a way na parang may kapiranggot ng buhay na feeling ko parang naiintindihan ko na. Thankful ako kase alam ko na may pinch of hope sa aking dibdib, at yun ang tutulong sa kin para magsikap ako.

Dati, pag hindi ko kaya, hindi ko talaga kaya, at hindi ko gagawin. Yung salitang PERSEVERANCE, parang salita lang talaga yan para sa kin. Pero ngayon, parang may nagtutulak na sa kin at bumubulong, "gawin mo yan..kaya mo yan..sige na..subukan mo pa"

Akala ko nung nag-aaral pa lang ako, madali lang ang mundo. Pwedeng mag-cramming at laging may second chance. Kinakaya-kaya ko lang ang highschool hanggang college. Wala akong paki kung di mataas ang grades ko kase alam ko namang average naman at papasa pa rin ako. Pero nung nakalabas ako sa hawla, eto na pala yung real world. Mahirap, yung hirap na hindi mo aakalain, yung mahirap na parang pag wala ka nang choice, eh kailangan kayanin.

Nakakahiya man pero alam ko sa sarili ko na nag-quit ako sa dalawang trabaho na binigay sa kin mismo ni Lord. Sumuko ako ng maaga. Nganga si Lord sa kin kase puro ako dahilan. Kaya nga naisip ko na hindi na ako papayag kapag may binigay na naman siya sa akin at sukuan ko na naman. Sisiguraduhin ko na bago ko kumbinsihin ang sarili ko na hindi na ako masaya, eh sinubukan ko muna at kinaya ko muna.

Alam ko maaaring nag-iiwan ako ng salita na baka kainin ko na naman sa huli, pero hindi, positive ako ngayon sa nararamdaman ko. Kakayanin ko. Paniniwalain ko ang sarili ko sa konseptong ito.


Ang laki laki ng bukas ko. Ang dami kong opportunity, opportunity na sa dami dami ng mabubuting tao sa mundo, na sa dami dami ng mas karapatdapat, eh ako, ako na aanga-anga ang pinaghandugan ni Lord. Ironic lang.


**********

1 comment:

  1. tama, kaya 'yan adre.. isoy tsaka beer lang 'yan minsan para makapagmuni-muni ng mabuti.. hehehe

    ReplyDelete

Anong meron?