|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
May isa akong professor (na sana nawa ay hindi mapadaan sa blog ko) ang hanggang ngayon ay hindi pa nagkaka-boyfriend (o asawa yata dapat sabihin ko). Medjo may edad na kase siya eh. Halata naman na demanding itong babaeng prof ko na ito, at siguro yun na nga ang dahilan bakit hanggang ngayon wala pang supply ng ideal prince charming niya ang dumadating.
Mag-lilista ang babae, ay gusto ko ng matipuno, lalakeng rerespetuhin ako, lalakeng magbibigay ng bulaklak tuwing may okasyon, lalakeng sasapo sa mga kamay ko habang bumababa ng jeep, and the list go on and on and on. Ang demanding!
Hindi ko naman sinasabi na maging easy to get tayong mga kadalagahan. Siguro something in between lang. Masyado tayo naghahanap kase ng mga katangian na katulad ng mga leading man sa TV, kaya yung mismong unique na nakakakilig na pwedeng gawin ng mga lalake natin in reality di na natin nakikita.
Tapos minsan may mga inarte moment pa na hindi tayo pwede maging tayo kase magkaibigan tayo, hindi tayo pwede kase minahal mo lang ako dahil sa mga nagawa ko para sayo (katulad ng pagload ko sayo at pag gawa ng assignment mo), gusto ko mahalin mo ko sa kung sino ako! Tanging ako! Hanggang sa huli mong linya eh--- pagdating na lang ng panahon kapag nakapag-hintay ka pa!
Di ko talaga ma-carry out mga ganung pangyayari. Love should be simple, love should be comfortable. Hindi naman nakasulat sa Corinthians na dapat maging mala-koreanovela tema ng love life ng bawat isa sa atin. Ang sinabi lang dun:
Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.
At sige i-reflect mo na lang sa sarili mo ang mga nakasulat. Madali gawin yang mga yan sa imahinasyon natin, pero paano in real life? Pero kung magagawa mo yan sa relationship mo, ang bawat isang nakalista, congrats sayo!
Okay lang mag-hintay, pero ano nga ba hinihintay natin? Mali! Hindi ang PAG-IBIG ang hinihintay natin, kundi ang OPPROTUNITY na UMIBIG. At araw-araw dumadaan sa harap natin ang mga yan, kaso nga lang we decide na palagpasin kase hinihintay natin yung mismong bunga, yung isang magandang bunga, mapula at masarap. At wala namang such na bunga na katulad ng lucky me noodles na INSTANT, dadaan ka muna sa pag-papayabong ng magandang puno.
Kahit na sinagot mo na siya after 1 week ng panliligaw niya, kahit na magkasama na kayo for 5 months, kahit na kinasal na kayo at may sampung baby, hindi natatapos ang pagpapayabong mo sa puno na yun. Feeling ko lagi kayong nasa getting to know stage, at feeling ko hindi natatapos ang stage na yun kahit sinabi mo na ang mahiwagang mga salitang i love you.
Magmahal ka, araw-araw. Magmahal ka ng sincere at totoo. Hindi mo kailangan baguhin sarili mo o baguhin ang iniibig mo para sa ikasasaya ng relation niyo, pero kailangan matuto ka paano magpakababa ng ego, paano intindihin ang kinatatayuan ng minamahal mo, kailangan mong intindihin na ang katotohanan ay hindi sayo umiikot ang mundo ng mahal mo at vice versa. May iba din siyang iniisip, at parte ka lang ng mga yun. Kaya wag ka demanding.
Chos lang lahat ng pinagsusulat ko. Wala kase ako maisip na isulat. Pero kung medjo nalinlang ko kayo na medjo may talent pala ako para mag-apply kay Papa Jack, at tingin niyo need niyo din ng konting advice kuno, mag iwan lang kayo dito sa forum na ito: DITO.

ikaw na ang umiibig kamila... CHOOOZZZZZZZ!!!!!!!!!
ReplyDeletebeteranang beterana sa pag-ibig eh.. kakabugin si papa jack.. ikaw na si mama kamila...
lewls!!!!!
@Egg Parang ang dami ko din maling nasabi.. lol. Mama Kamila? Hahhahhaha parang ang mama-sang ng dating hahah
ReplyDeleteAyon. ang damin kang napulot na aral.mag mahal lang ng mahal libre naman yan ay medyo din magastos pag nasa city ka. Kung iwanan ka lost nila yon.ahem..
ReplyDelete@Rommel Hehhe nagmamagaling lang ako..
ReplyDeleteewan ko sa'yo...hahaha..kailangan ko siguro to basahin paulit-ulit para ma-absurb..hehe
ReplyDelete@AKONI ewan ko din sa kin kuya eh... hehehe... :)
ReplyDeleteanong papa jack?
ReplyDeletetama yong unang part ng kwento mei,demanding mga babae, pasaway naman mga boys hahaha! kaya complicated.. JOKE! nasa nagdadala yan.
@Memey Good to know I've write something right hahahaha :) Lab u memey!
ReplyDeleteilang taon na ba prof mo? at bakit naman napaka pihikan niya sa lalake? ahahhaha.. ako rin nga eh.. pihikan sa lalake.... toinks...
ReplyDeleteAt the moment, I'm waiting for L to come.
ReplyDeleteKasi parang the more na hinahanap ko sya,
hindi ko matagpuan.
Kaya parang mas maganda na lang na umupo ako sa sulok at hintayin na ako ang lapitan.
Haaaaaaay~ Lol. :))
hay ewan! Nice insight by the way. :D
@Al Hahaha hmmmm i-privacy na lang natin Al ang content ng age niya hahaha...hahaha ikaw pihikan sa lalake...? hahahah
ReplyDelete@Jaydee Baka naman nagpapahanap din siya kaya di pa dumadating, o baka natrapik lang! hehehe salamat Jaydee!
hmmm... may tula ako dyan Kamila
ReplyDeleteIkaw at ang Pag-ibig Mo
Salamat nga pala sa pag-add kay Kiko sa peysbuk!
@Kiko Huwaw tumutula.. hehehe at hindi po, ako po dapat mag thank you!! Thank you po sa pag-add!! :)
ReplyDeleteHi! super gusto ko itong linya na to..."Magmahal ka, araw-araw. Magmahal ka ng sincere at totoo. Hindi mo kailangan baguhin sarili mo o baguhin ang iniibig mo para sa ikasasaya ng relation niyo, pero kailangan matuto ka paano magpakababa ng ego, paano intindihin ang kinatatayuan ng minamahal mo..." keep writing from d heart!
ReplyDelete@laser thanks i appreciate that you like it!!
ReplyDeletenaks, ikaw na ang mama jack. :p parang andaming experience sa love and love and love
ReplyDeletenaks pati pag papayo sa pag ibig pinasok mo na. nagpunta ako sa tambayan. maganda naman ang advice mo kay kuya na nalilito sa gf nyang laging nakikipag break. hehe..
ReplyDeleteMadaming babaeng demanding pero may mga lalaki ding ganun, siguro kailangan lang talaga pag magmamahal ka kung taong tatanggapin ka kung ano ka. yung matatanggap pati katakawan mo, este kamalian mo. basta yun na yun.
tama! love like you never loved before. ay di ko magets ang mga taong masyadong mapili. kakapili wala na tuloy mapili. kaloka di ba? basta love love love lang. pero syempre, gamitin din ang utak. wag puro puso hihi. ang gulo ko XD
ReplyDeletepwede na kamila... mama jackie ka na sa akin hehehehe...
ReplyDeletesarap pakingggan ng paulit-ulit ang mahiwagang salita.. :p
ReplyDeletenaku usapan love na naman.... hirap ako magcomment pag ganitio... wala me masabi.. ahahaha....
ReplyDeleteang seryoso sa post.. tapos ung last part isang MALAKING CHOS? ahahaha.. CHOS mo muka mo!!! totoong buhay din ata ung role mo sa blog ibig i kupal eh... ahahaha
si papa jack ay malibog! ahahahah. eh ikaw? wahahahahahaha
ReplyDeleteisa pang tawa, wahahahahahaha!!!!!
@Khantotantra Hahaha dami ba? hindi masyado..
ReplyDelete@Mayen hahahaha... wala kaseng pumapasok na topic sa utak ko eh..kaya ayan..kung ano na lang na-compile.. haaha
@Kraehe Kahit anong klase naman love, basta naniniwala ka na love yun// kahit na puppy love o echos lang yun... may love pa din.. toink
@Jed Huwaw Mami Jackie! Gusto ko yan!
@Angel Tamaa... walang sawa nating pakinggan//
@Rap Hahahaha totoong buhay sa blog ibig? hahaha adik... sana naman pwede ako lumipad sa mindanao para kay Akoni at sayo jan! sa mga panahon na yan.. hahahah Uyyy di ako ma-L ah... nang ttrip ka!!
hahhahaha.. kamilshake!! the best ang drama my dear... !! like it...
ReplyDeletesa totoo lang, ang mga standards na hinahanap natin ay biglang mababale-wala sa oras na matagpuan na natin ang tunay na pag-ibig
ReplyDelete@Joanna May Thanks!!! hehehe
ReplyDelete@Bino Oo nga noh? Kuya bino, parang dapat sinabi ko yun, pero hindi ko sinabi.. hayaan na nga lang hahahah
halaka...jujuju...waaahhhh...kamila!!!!
ReplyDeletesyado kong nkarelate....juju...naiiyak
aman ako dun...ermmmm
@Matet Di nga matet? Thank you!!! :)
ReplyDeletethats my favorite verse!!!!! :)
ReplyDelete@Tara Nice tara! :)
ReplyDeleteSa tingin ko naman ay hindi na siguro kailangan na gumawa pa ng kanilang sari-sariling ideal man ang mga babae. Kasi naman, mahihirapan lang siyang hanapin ang lalakeng iyan. Tapos, kung may nahanap man niya panigurado ay may matutuklasan siya ditong di kaaya-aya.
ReplyDeleteAng pag-ibig kasi, sa aking pananaw (sa pananaw ng isang single..syet!), ay di kailangang maging perpekto. Kayo ay magkasama kasi nagmamahalan kayo kahit na kayo ay magkaiba. Charot! Pwede na bang sumunod sa yapak mo? haha
sabi na nga ba ikaw ang laging TAMA! haha.. mama kamila kna bes! hehe nais mo ba ko iuntog sa post na ito?
ReplyDelete@Kristian Pwede na pwede na! At oo naman wala naman talaga yang mga standard standard na yan eh.. mga babae pakipot lang
ReplyDelete@Jheng Bes... sorry pero hindi ka marunong mauntog.
amen!ang galing naman pwedeng pwede ka ng maging papa jack kaso girl ka eh edi magiging mama jackie ka sis?hehehe
ReplyDeleteinlove..hehe..
ReplyDeleteyun naman eh.. at may plano pang tapatan si Papa jack.. pero infairness, mukhang pwede ha.. tagapayo on the go..
ReplyDelete@Jaid hahahaha salmat... chenes lang kung pwede talaga.. heehhe pero like ko ang mama jacki..
ReplyDelete@Arvin Heheh ako? hindi.
@Emerson Tsalamat tsalamat tsalamat!!
tumitibok tibok???
ReplyDeleteahihihihi...
@Jay Ang alin Jay? Hahaha
ReplyDeletebinalikan ko ito addick lang kay kamila. pero mas hinimay himay kong parang crab lang. Wow parang iba ang dating sa akin nito ngayon.
ReplyDeleteanglalim noong parang pagtatanim ng kahoy ang love at walang istant.Hi tama nga naman kailangan itong alagaan upang tumubo at yumabong ng magkabunga doon mo pa lang mararamdamn ang love sa bunga nito.
ibang klase.
@Rommel Salamat Kuya sa pagbalik!! hehehe
ReplyDelete