Pages

Saturday, April 9, 2011

Mag-aapply sana akong Papa Jack

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.
Bakit complicated umibig? Dahil ba demanding masyado ang mga babae? Dahil ba lagi na lang pasaway mga lalake? O baka naman parehong may problema sa utak ang dalawa?

May isa akong professor (na sana nawa ay hindi mapadaan sa blog ko) ang hanggang ngayon ay hindi pa nagkaka-boyfriend (o asawa yata dapat sabihin ko). Medjo may edad na kase siya eh. Halata naman na demanding itong babaeng prof ko na ito, at siguro yun na nga ang dahilan bakit hanggang ngayon wala pang supply ng ideal prince charming niya ang dumadating.

Mag-lilista ang babae, ay gusto ko ng matipuno, lalakeng rerespetuhin ako, lalakeng magbibigay ng bulaklak tuwing may okasyon, lalakeng sasapo sa mga kamay ko habang bumababa ng jeep, and the list go on and on and on. Ang demanding!

Hindi ko naman sinasabi na maging easy to get tayong mga kadalagahan. Siguro something in between lang. Masyado tayo naghahanap kase ng mga katangian na katulad ng mga leading man sa TV, kaya yung mismong unique na nakakakilig na pwedeng gawin ng mga lalake natin in reality di na natin nakikita.

Tapos minsan may mga inarte moment pa na hindi tayo pwede maging tayo kase magkaibigan tayo, hindi tayo pwede kase minahal mo lang ako dahil sa mga nagawa ko para sayo (katulad ng pagload ko sayo at pag gawa ng assignment mo), gusto ko mahalin mo ko sa kung sino ako! Tanging ako! Hanggang sa huli mong linya eh--- pagdating na lang ng panahon kapag nakapag-hintay ka pa!

Di ko talaga ma-carry out mga ganung pangyayari. Love should be simple, love should be comfortable. Hindi naman nakasulat sa Corinthians na dapat maging mala-koreanovela tema ng love life ng bawat isa sa atin. Ang sinabi lang dun:

Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.

At sige i-reflect mo na lang sa sarili mo ang mga nakasulat. Madali gawin yang mga yan sa imahinasyon natin, pero paano in real life? Pero kung magagawa mo yan sa relationship mo, ang bawat isang nakalista, congrats sayo!

Okay lang mag-hintay, pero ano nga ba hinihintay natin? Mali! Hindi ang PAG-IBIG ang hinihintay natin, kundi ang OPPROTUNITY na UMIBIG. At araw-araw dumadaan sa harap natin ang mga yan, kaso nga lang we decide na palagpasin kase hinihintay natin yung mismong bunga, yung isang magandang bunga, mapula at masarap. At wala namang such na bunga na katulad ng lucky me noodles na INSTANT, dadaan ka muna sa pag-papayabong ng magandang puno.

Kahit na sinagot mo na siya after 1 week ng panliligaw niya, kahit na magkasama na kayo for 5 months, kahit na kinasal na kayo at may sampung baby, hindi natatapos ang pagpapayabong mo sa puno na yun. Feeling ko  lagi kayong nasa getting to know stage, at feeling ko hindi natatapos ang stage na yun kahit sinabi mo na ang mahiwagang mga salitang i love you.

Magmahal ka, araw-araw. Magmahal ka ng sincere at totoo. Hindi mo kailangan baguhin sarili mo o baguhin ang iniibig mo para sa ikasasaya ng relation niyo, pero kailangan matuto ka paano magpakababa ng ego, paano intindihin ang kinatatayuan ng minamahal mo, kailangan mong intindihin na ang katotohanan ay hindi sayo umiikot ang mundo ng mahal mo at vice versa. May iba din siyang iniisip, at parte ka lang ng mga yun. Kaya wag ka demanding.

Chos lang lahat ng pinagsusulat ko. Wala kase ako maisip na isulat. Pero kung medjo nalinlang ko kayo na medjo may talent pala ako para mag-apply kay Papa Jack, at tingin niyo need niyo din ng konting advice kuno, mag iwan lang kayo dito sa forum na ito: DITO.

41 comments:

  1. ikaw na ang umiibig kamila... CHOOOZZZZZZZ!!!!!!!!!

    beteranang beterana sa pag-ibig eh.. kakabugin si papa jack.. ikaw na si mama kamila...


    lewls!!!!!

    ReplyDelete
  2. @Egg Parang ang dami ko din maling nasabi.. lol. Mama Kamila? Hahhahhaha parang ang mama-sang ng dating hahah

    ReplyDelete
  3. Ayon. ang damin kang napulot na aral.mag mahal lang ng mahal libre naman yan ay medyo din magastos pag nasa city ka. Kung iwanan ka lost nila yon.ahem..

    ReplyDelete
  4. @Rommel Hehhe nagmamagaling lang ako..

    ReplyDelete
  5. ewan ko sa'yo...hahaha..kailangan ko siguro to basahin paulit-ulit para ma-absurb..hehe

    ReplyDelete
  6. @AKONI ewan ko din sa kin kuya eh... hehehe... :)

    ReplyDelete
  7. anong papa jack?

    tama yong unang part ng kwento mei,demanding mga babae, pasaway naman mga boys hahaha! kaya complicated.. JOKE! nasa nagdadala yan.

    ReplyDelete
  8. @Memey Good to know I've write something right hahahaha :) Lab u memey!

    ReplyDelete
  9. ilang taon na ba prof mo? at bakit naman napaka pihikan niya sa lalake? ahahhaha.. ako rin nga eh.. pihikan sa lalake.... toinks...

    ReplyDelete
  10. At the moment, I'm waiting for L to come.
    Kasi parang the more na hinahanap ko sya,
    hindi ko matagpuan.
    Kaya parang mas maganda na lang na umupo ako sa sulok at hintayin na ako ang lapitan.
    Haaaaaaay~ Lol. :))


    hay ewan! Nice insight by the way. :D

    ReplyDelete
  11. @Al Hahaha hmmmm i-privacy na lang natin Al ang content ng age niya hahaha...hahaha ikaw pihikan sa lalake...? hahahah

    @Jaydee Baka naman nagpapahanap din siya kaya di pa dumadating, o baka natrapik lang! hehehe salamat Jaydee!

    ReplyDelete
  12. hmmm... may tula ako dyan Kamila
    Ikaw at ang Pag-ibig Mo

    Salamat nga pala sa pag-add kay Kiko sa peysbuk!

    ReplyDelete
  13. @Kiko Huwaw tumutula.. hehehe at hindi po, ako po dapat mag thank you!! Thank you po sa pag-add!! :)

    ReplyDelete
  14. Hi! super gusto ko itong linya na to..."Magmahal ka, araw-araw. Magmahal ka ng sincere at totoo. Hindi mo kailangan baguhin sarili mo o baguhin ang iniibig mo para sa ikasasaya ng relation niyo, pero kailangan matuto ka paano magpakababa ng ego, paano intindihin ang kinatatayuan ng minamahal mo..." keep writing from d heart!

    ReplyDelete
  15. @laser thanks i appreciate that you like it!!

    ReplyDelete
  16. naks, ikaw na ang mama jack. :p parang andaming experience sa love and love and love

    ReplyDelete
  17. naks pati pag papayo sa pag ibig pinasok mo na. nagpunta ako sa tambayan. maganda naman ang advice mo kay kuya na nalilito sa gf nyang laging nakikipag break. hehe..

    Madaming babaeng demanding pero may mga lalaki ding ganun, siguro kailangan lang talaga pag magmamahal ka kung taong tatanggapin ka kung ano ka. yung matatanggap pati katakawan mo, este kamalian mo. basta yun na yun.

    ReplyDelete
  18. tama! love like you never loved before. ay di ko magets ang mga taong masyadong mapili. kakapili wala na tuloy mapili. kaloka di ba? basta love love love lang. pero syempre, gamitin din ang utak. wag puro puso hihi. ang gulo ko XD

    ReplyDelete
  19. pwede na kamila... mama jackie ka na sa akin hehehehe...

    ReplyDelete
  20. sarap pakingggan ng paulit-ulit ang mahiwagang salita.. :p

    ReplyDelete
  21. naku usapan love na naman.... hirap ako magcomment pag ganitio... wala me masabi.. ahahaha....


    ang seryoso sa post.. tapos ung last part isang MALAKING CHOS? ahahaha.. CHOS mo muka mo!!! totoong buhay din ata ung role mo sa blog ibig i kupal eh... ahahaha

    ReplyDelete
  22. si papa jack ay malibog! ahahahah. eh ikaw? wahahahahahaha



    isa pang tawa, wahahahahahaha!!!!!

    ReplyDelete
  23. @Khantotantra Hahaha dami ba? hindi masyado..

    @Mayen hahahaha... wala kaseng pumapasok na topic sa utak ko eh..kaya ayan..kung ano na lang na-compile.. haaha

    @Kraehe Kahit anong klase naman love, basta naniniwala ka na love yun// kahit na puppy love o echos lang yun... may love pa din.. toink

    @Jed Huwaw Mami Jackie! Gusto ko yan!

    @Angel Tamaa... walang sawa nating pakinggan//

    @Rap Hahahaha totoong buhay sa blog ibig? hahaha adik... sana naman pwede ako lumipad sa mindanao para kay Akoni at sayo jan! sa mga panahon na yan.. hahahah Uyyy di ako ma-L ah... nang ttrip ka!!

    ReplyDelete
  24. hahhahaha.. kamilshake!! the best ang drama my dear... !! like it...

    ReplyDelete
  25. sa totoo lang, ang mga standards na hinahanap natin ay biglang mababale-wala sa oras na matagpuan na natin ang tunay na pag-ibig

    ReplyDelete
  26. @Joanna May Thanks!!! hehehe

    @Bino Oo nga noh? Kuya bino, parang dapat sinabi ko yun, pero hindi ko sinabi.. hayaan na nga lang hahahah

    ReplyDelete
  27. halaka...jujuju...waaahhhh...kamila!!!!
    syado kong nkarelate....juju...naiiyak
    aman ako dun...ermmmm

    ReplyDelete
  28. @Matet Di nga matet? Thank you!!! :)

    ReplyDelete
  29. Sa tingin ko naman ay hindi na siguro kailangan na gumawa pa ng kanilang sari-sariling ideal man ang mga babae. Kasi naman, mahihirapan lang siyang hanapin ang lalakeng iyan. Tapos, kung may nahanap man niya panigurado ay may matutuklasan siya ditong di kaaya-aya.

    Ang pag-ibig kasi, sa aking pananaw (sa pananaw ng isang single..syet!), ay di kailangang maging perpekto. Kayo ay magkasama kasi nagmamahalan kayo kahit na kayo ay magkaiba. Charot! Pwede na bang sumunod sa yapak mo? haha

    ReplyDelete
  30. sabi na nga ba ikaw ang laging TAMA! haha.. mama kamila kna bes! hehe nais mo ba ko iuntog sa post na ito?

    ReplyDelete
  31. @Kristian Pwede na pwede na! At oo naman wala naman talaga yang mga standard standard na yan eh.. mga babae pakipot lang

    @Jheng Bes... sorry pero hindi ka marunong mauntog.

    ReplyDelete
  32. amen!ang galing naman pwedeng pwede ka ng maging papa jack kaso girl ka eh edi magiging mama jackie ka sis?hehehe

    ReplyDelete
  33. yun naman eh.. at may plano pang tapatan si Papa jack.. pero infairness, mukhang pwede ha.. tagapayo on the go..

    ReplyDelete
  34. @Jaid hahahaha salmat... chenes lang kung pwede talaga.. heehhe pero like ko ang mama jacki..

    @Arvin Heheh ako? hindi.

    @Emerson Tsalamat tsalamat tsalamat!!

    ReplyDelete
  35. binalikan ko ito addick lang kay kamila. pero mas hinimay himay kong parang crab lang. Wow parang iba ang dating sa akin nito ngayon.

    anglalim noong parang pagtatanim ng kahoy ang love at walang istant.Hi tama nga naman kailangan itong alagaan upang tumubo at yumabong ng magkabunga doon mo pa lang mararamdamn ang love sa bunga nito.

    ibang klase.

    ReplyDelete
  36. @Rommel Salamat Kuya sa pagbalik!! hehehe

    ReplyDelete

Anong meron?