Pages

Monday, September 30, 2013

Embracing the People you hate through God's love.





Pasensya na kayo at hindi ako makadalaw sa mga bahay niyo ah, medyo tinatamad dahil nga sa tablet lang ginagamit ko! Ang dami ko gusto ikwento through writing. Hindi ko rin naman mafeel masyado magkwento about my happy moments through video dahil nga wala naman ako ka-emosyon emosyon. Okay, yun lang! Salamat na lang sa mga papansin.


 photo collage.jpg

Thursday, September 26, 2013

Friday, September 20, 2013

Ang Kaibigan kong Maganda.

Itong ikkwento ko sa inyo ay isa na namang patunay na may reason talaga sa lahat ng bagay! Kung bakit nangyayari ang mga nangyayari sa buhay natin.

The other day, slightly na malungkot ako dahil para akong nawawalang bata sa work, walang friend, walang kasabay kumaen at super ubod ng loner. Syempre malungkot para sa isang katulad ko na sanay na napapaligiran ng mga friendship sa Pinas.

Habang nasa bus pauwi from work this the same day, naalala ko yung schoolmate ko sa CEU na nandito na rin sa states na kahit hindi ko ganun kaclose eh kinuha ko pa rin ang number.

Tinext ko siya na nasa L.A. na ko nakatira.

Sh*t! Na-surprise kame pareho nung nalaman namin na halos ilang kanto lang pala ang bahay namin sa isa't isa!!!!


Waaaaaaaaahhhhh! Hindi rin ako makapaniwala!! Imediately naisip ko agad na sinasabi sa kin ni Lord, "oh yan! Drama drama ka pa. 'Kala mo ba ilalagay kita jan sa pwestong yan ng walang masasandalan?"

Pero hindi pa dito natatapos ang daldal ko for today tungkol sa sinasabi kong reason for everything.

I will take you back sa mga pangyayari sa nakaraan ko. Umay ka na ba?

Madalas ko nakkwento dito sa blog ko kung paanong napaka-impulsive ko, kung paanong ang bilis ko magbago ng desisyon at kung paanong inis na inis ako sa mga instance sa buhay ko na sige-sige ako magplano.

Hindi ko akalain na ngayon magpapasalamat ako dahil naging ganyan ako.
Hindi ko makikilala ang friend na toh, si Nic, kung hindi ako naging impulsive.

Hindi ako magpapalipat-lipat ng school from Mendiola nung first year, tapos Makati nung second year, tapos napagod, Mendiola na naman nung 3rd year, kung hindi ako impulsive.

3rd year ko nakilala si Nic. Hindi kame mag-classmate, pero dahil nabiyayaan din ako nung time na yun ng sandamakmak na mabubuting kaibigan, eh napakilala siya sa kin.

Hindi ko siya makikilala kung hindi ako nagpalipat-lipat kase sigurado hindi ako magpapalit ng section kung di ako umalis.

Nung nagkita kame nung isang araw, pinaramdam talaga sa kin ni Nic yung excitement at warm welcome na hindi ko ineexpect! Yung parang sabik na sabik sa kaibigan. Hay naku, at eto na naman ako, lam niyo naman na flat affect ako kahit deep inside eh excited ako, hindi ko alam paano ipaparamdam sa kanya na hoy excited na excited din ako dahil akala ko talaga hindi na ako magkakaroon ng kaibigan dito!

Ang nakakahiya pa eh nilibre pa ko ni Nic ng lunch! Pulubi nga ako eh! As in! Babawi na lang ako next time sa kanya.

Pansamantala eh nagdaldalan muna kame ng sobrang ingay, sobrang nagwawala sa excitement, ang ingay! Biro mo yun? Acquiantance lang kame sa lagay na yan ah!

Super saya at ayan blessings na naman!

Yun lang.


original post: September 9, 2013
 photo collage.jpg

Monday, September 16, 2013

Ang Kweba

Sobrang hirap magblog sa tablet. I swear laptop ang una kong pag-iipunan.

Anyway!! Dahil nga na-inspire na-inggit ako sa post ng napaka sweet na si Zaizai tungkol sa bago niyang bahay, eh sabi ko talaga once na nakalipat na ako eh magbibigay din ako ng libreng tour sa bago kong tutuluyan.

Excited ako dahil sa wakas makakapgsolo na ulit ako. Kunyari na lang napaka-independent ko.

Originally, maghahanap talaga kame dapat ng studio. Pero dahil nga ang daming dapat asikasuhin at isipin sa pagkuha ng apartment (tulad ng background check, proof of income, deposit, furniture), eh hindi ko na muna itinuloy. Instead nga eh nahanap namin si Tita L. na matagal na nagpaparenta sa mga kapwa natin Pilipino.

At dahil mahal na mahal ko kayo, karapat-dapat lang na kayo ang una kong maging mga bwusita dito.



May apat na kwarto na pinapaupahan dito sa bahay, may bakante pang isang kwarto, at ako lang ang babae sa tatlong umuupa. At syempre dahil hindi ko naman kayo pwede i-tour sa ibang kwarto, dito na lang kayo sa kwarto ko mag-stay. Pero hindi pwede mag-sleep over ah? Bawal eh, yun ang isa sa policy ni Tita L. Pero maaga pa naman eh! Kaya tuloy lang kayo!!



Pag pasok niyo may table sa kaliwa kung saan makikita niyo ang laptop ko. Pero wala pa yung laptop kase hindi ko pa nabibili. Pero gusto ko ang table na toh dahil at least may lamesa ako kung sakaling gusto ko mag-aral, or magsulat, or magblog. Meron ding leklek fan na super thankful ako dahil summer pa lang ngayon at medyo mainit, at drawer kung san nilagay ko ang mga make-up ko at ang kapiranggot kong damit.



Dito naman sa kabila ay ang closet ko kung saan tinatago ko ang mga kayamanan ko. Nandito ang kapiranggot kong mga office attire, kapiranggot kong mga sapatos, at nakatago sa dulo ang mga kapiranggot kong pagkaen. Lels. Pero ang gusto ko sa closet ko eh salamin ang pinto, katulad ng kwarto ko sa bahay ni Mama. Nakakalaki kase ng kwarto yung salamin, at syempre for vanity purposes na din. Meron ding t.v. sa kwarto at ang masaya pa dito eh may TFC at GMA!!! Kaya ngayon nakakapanuod na ko at nakakaupdate na ko kung anong nangyayari sa Pinas!



At syempre ang kama, upo ka muna or pwede ka rin naman humiga. Pahinga ka muna dahil alam kong malayo din binyahe mo para makadalaw lang sa kin. Bubuksan ko na din muna ang t.v. para naman di ka mabored!! Ang isa talaga sa nagustuhan ko sa bahay na toh ay ito ay move-in ready na. Ibig sabihin hindi ko na kailangan magdala ng mga furniture at gumastos.



Gusto ko rin pakita sayo ang sala ni Tita L. At kapag dumating siya pwede tayo makipagdaldalan sa kanya dito. Mabait at napakafriendly ni Tita L. Sigurado matutuwa ka sa kanya.



Ang ganda noh? Syempre! Dahil hindi pinapabayaan ni Tita L. ang kanyang bahay. Sinisigurado pa rin niya na may maintenance ang lahat para hindi mag-luma ang kabuuan ng bahay.

At alam kong gutom na gutom ka na din, pwede kita ipagluto dito sa kusina at kumaen tayong sabay. Kaso itlog lang ang pagkaen ko dahil mahirap lang ako. Wala pa akong sweldo, pero siguro next time pagdalaw mo ulit eh may mapakaen na ko sayo. May tv at leklek fan din dito para ma-entertain pa rin tayo habang kumakaen.





At syempre bago ka umalis para bumyahe pauwi ulit, pwede ka muna mag-prep sa banyo. Sosyal ang trono sa banyo dahil may pang-wash na, pipihit mo lang yung knob na makikita mo sa gilid, which is very efficient gamitin.



At ayan lang lahat!!! Super kampante ako sa lugar na toh dahil feel na feel kong napaka-safe and sound tumira dito. And so far I'm really happy!!!! Salamat sa pagtambay at balik ka lang anytime kung gusto mo dahil welcome na welcome kayo dito!!!! (:



original post: September 8, 2013
 photo collage.jpg

Thursday, September 12, 2013

Grandeur.

Minsan nagtataka tayo bakit hindi tayo na-aacknowledge. Mapa sa skwelahan man (kung studyante ka pa lang) o sa office kung nagttrabaho na.

Aminin natin, minsan-minsan gusto rin naman natin marinig ang sarili nating pangalan na ginagantimpalaan. Masarap naman kase talaga kapag napupuri tayo kahit konti lang, kahit hindi madalang. Nakaka-uplift ng self-esteem di ba?

Pero sa bawat salo-salo na pupuntahan natin, please sana please, wag naman tayo papansin. Wag tayong feelingera at lalong bawas bawasan ang pagiging mayabang. Ibaba mo naman ng konti ang pagkaka-chin-up mo today, pwede?!

May tendency kase tayo na umasta more than we deserve eh at minsan hindi naman natin napapansin na masyado na pala tayong nagmamagaling sa mga usapan. (At guilty as pledge din naman ako dito!)

Pero kung di mo mapigilan ang sarili mo, eh go, wala naman ako masyado pake. Kaso, kaso lang, paano kung yung kausap mo eh isang nilalang na marami ng napatunayan sa buhay? Mas magaling kaysa sayo? Halatang mas maraming alam compare kahit kanino! O di kaya paano kung may rancho, at isang milliong kabayo at baboy, at may sampung mustang ang kausap mo? Paano na?

Kase minsan, yung totoo, di ba? Kung sino pa yung madaming pwedeng ipagyabang, yun pa yung sobrang nananahimik sa isang tabi eh at pangiti-ngiti na lang.

Paano na? Paano kung nag-expect ka na bibigyan ka ng front seat, and so umupo ka sa front seat, at biglang dumating yung nakareserve dun? Malamang paalisin ka sa pwesto di ba?! Kawawa ka naman. (Binabawi ko na, concern talaga ako sayo!)

Magpakumbaba. Mas mabuti pang tumahimik ka na lang. Umupo sa pinakapangit na upuan. Umasta less than you deserve.

Wouldn't it be great kung ikaw yung sasabihan ng "Bakit ka nandyan?? Dito ka dapat sa mas magandang upuan!!!" At wouldn't it be nice kung makakatanggap ka ng praise and acknowledgement that you least expect? Sigurado ako na pag galing yun sa bibig nga ibang tao eh mas masarap pakinggan! At for sure kaya ang sarap-sarap pakinggang nun dahil siguradong deserve mo yun at hindi lang basta nasabi dahil may napilitan!

So wag kang papansin. Wag ka ding epal. Instead, do your job well! Do your responsibility! Do your best!! Be extraordinary kung nasaan ka man! At kung hindi mo napapansin, mas productive yang mga nabanggit ko kaysa maghapon ka maging mahangin jan!

Ang tukso nga naming mga nurse sa mga mayayabang eh may delusion of grandeur! Ito yung mga taong may masabi lang tungkol sa sarili nila. In short nagbubuhat ng sariling bangko. Mayabang pero walang maipagyabang!

(Pero para malinaw lang tayo.. sa mundo po ng psychiatric nursing meron po talagang mga tao na merong Delusion of Grandeur. Okay?)

Basta be humble!!!

At for everyone's information, I'm saying this not for you to think that you are less of a person!! But this is for you to have an honest and completely sincere acknowledgement of your own capacity, of what you can and what you cannot do! Sana gets mo ko!

Madaming nagtataka bakit hindi sila na-aacknowledge kahit saan, kase it is either wala naman sila ginagawa talaga na ka-akna-acknowledge, o sadyang masyado lang silang nag-eexpect ng papuri na hindi naman para say kanila.


Woooooooh.Sana nakakalamig ng panahon ang pagiging mahangin.

P.S.: At sa maniwala kayo sa hindi, ang post na toh ay inspired mula sa homily last Sunday! Haha.

Yun lang.


Original post: 9/3/2013
 photo collage.jpg

Sunday, September 8, 2013

Mother-Daughter Rivalry.


My mom said the nicest thing this morning. Pero bago ko ikwento yun, bigyan ko muna kayo ng background para maka-relate kayo sa mga daldal ko.

Sobrang opposite kame ng Nanay ko. We've been fighting a lot ever since I moved here with her! Ay hindi, ever since the world began pala eh puro away na kame ng Nanay ko. Hindi kame nagkakaunawaan. Minsan nakakapagod na talaga! At lately may mga pagkakataon na iiyak na lang ako kaakibat yung prayers na bahala na si Lord sa relasyon naming mag-ina.

My mom never listen. Once na may nasabi siya, yun na yun. Kapag may opinion ka na against dun, gera ito! (Sobrang opinionated ko pa namang tao, so world war III talaga kameng dalawa). Madami kameng usapan na natatapos sa sigawan, at pagpapatikom niya ng bibig ko at finally pag-wawalk-out niya sa eksena. Totoo lang, nakakainis yung pag-wawalk-out niya dahil walang nareresolve na problema pag nakapasok na siya sa kwarto at nabalibag na niya yung pinto.

I cry a lot tungkol dito, inis na inis ako, tapos wala naman ako magawa. Malamang hindi ko naman masosolusyunan mag-isa ang problema namin. Tsaka nakakainis kase ang hirap mag-rant tungkol sa sarili mong ina!! Nakakaguilty baga! Kase minsan gusto mo siya i-curse, gusto mo magalit ng todo-todo pero Nanay mo siya, at hindi tama yun! Yung kahit dugong-dugo na yung puso mo sa dami ng hinanakit mo at sa bigat na ng nararamdaman mo eh wala ka magawa! Nanay mo eh! So iyak, slash mukmok, slash pray na lang ako hanggang makatulog.

Pero sinagot na naman ni Lord ang dasal ko regarding this! This was really unexpected! Sobrang unexpected!!

Kung ikaw nasa lugar ko, mafi-feel mo talaga na napaka-hopeless. As in walang pag-asa! As in naging tactic ko na na itikom ang bibig ko at all times, dahil alam ko naman na hindi siya makikinig. May mga kaibigan ako na nagsasabi na kausapin ko daw ng maayos si mader, pero hindi nga eh, hindi posibleh na magkaroon kame ng mahinahon na pag-uusap. Yung hindi ko pagsasalita at ang totally na pagtikom ko ng bibig ko sa Nanay ko ang sign ko na hindi na ako umaasa na magkakaintindihan kame. Kung baga, suko na ko. Ayuko na magpaliwanag. Pagod na ako magpaliwanag.

My mom never fully supported me or appreciated me. Or maybe I'm wrong! Pero ito ang mga naaalala ko.

Naaalala ko nung sinabi niya sa kin nung elementary ako, "Bakit 9th honor ka lang? Bakit hindi ka nag-first honor?" Or nung sinabihan niya ko na hindi okay yung 18th birthday ko (at hanggang ngayon feeling ko epic fail pa din yung araw na yun). Or nung hindi niya ko sinuportahan nung sinabi kong gusto ko maging teacher o di kaya mag-fine arts o di kaya maging journalist, kaya nauwi ako sa kursong nursing (na gusto niya).

Hindi! Ang tingin ko panigurado may mga pagkakataon na natuwa siya sa mga achievements ko at for sure may mga pagkakataon na pinagmalaki niya ko. Kaso ang nakakalungkot, hindi ko mapagkait sa inyo na mas significant sa utak ko itong masasakit na mga alaala na to' na nabanggit ko sa itaas. Yun yung totoo.

At ngayon, hinahanap ko na naman yung suporta niya na hindi niya mabigay sa akin. Natanggap ako sa work sa L.A., (na paulit-ulit ko na yatang nabanggit sa mga nakaraan kong post) at magsosolo flight akong maninirahan dun. At nag-aaway na naman kame ngayon dahil dun! I know she have the best intention, nag-aalala siya para sa kin, tapos iniisip pa niya na hindi ako makakapag-ipon sa gagawin ko dahil magbabayad ako ng renta and all that sh*t. Pero paano lilipad ang ibon kung hindi nito susubukan? Kailangan ko toh! This time, desisyon ko na toh. And as much as I want to tell her my plans, eh ang hirap hirap dahil parang sarado yung utak niya para pakinggan ako at parang laging may sasabihin siyang hindi maganda tungkol sa mga desisyon ko, at ayuko na marinig yun dahil pasong-paso na nga ako. So sobrang shut up na lang talaga ako.

After days of tikom bibig, she finally told me kaninang umaga, that she will let me try this one out, na ayaw niyang maramdaman na kinokontrol niya ko at kung sakaling hindi mag-work out eh bumalik na lang daw ako sa puder niya. 

Sobrang ikli lang. Pero nung sinabi niya yun, you may never imagine how good those words made me feel. It was as if it is almost impossible na lumabas yun sa sarili niyang bibig. It was as if it is a miracle for me, dahil nga in the first place, hindi na ako umaasa na ever susubukan pa niyang intindihin yung nararamdaman ko.

I've been longing to hear those kinds of word from her. Yung tipong may pinch of encouragement! Yung ang dating eh at least susuportahan ka niya. To hear those words was really unexpected! At ngayon, bitbit ko yung mga salita na yun, I feel happier, I feel tough, and I feel that wala na akong boundary sa pagkamit ko ng mga goals ko pagdating ko sa L.A!

Sobrang comforting, and I just want to cry right now cause I feel that it is another answered prayer.

God really works wonder! God is so good.



Original post: 8/31/2013
 photo collage.jpg

Wednesday, September 4, 2013

Malungkot.





Minsan mahirap kumbinsihin ang sarili na maging masaya sa gitna ng mga problema. Mahirap din maging masaya sa mga achievements mo kapag hindi ka naman suportado ng mga tao sa paligid mo. Ang hirap magtiwala sa sarili kung yung mismong mga tao na inaasahan mo eh walang tiwala sa desisyon at kakayanan mo.

Alam ko iniisip mo. May pinanghuhugutan. At tama ka.

Sa gitna ng mga blessings na natatanggap ko at sa mga kaligayahan na nararanasan ko lately, hindi ko ikakaila na may mga pagkakataon na malungkot pa rin ako. Ang hirap naman ipilit maging masaya, kaya iniiyak ko na lang lahat muna bago ako mag move-on.

At kung ikaw din nararanasan mo yung mga ganitong pagkakataon, eh okay lang, lahat naman siguro tayo minsan malungkot, minsan masaya. Tao tayo eh. Pero ito lang ang lagi kong iniisip:

Minsan pag pakiramdam mo walang solusyon sa problema mo, baka naman kase ang solusyon eh oras at panahon. Baka kailangan mo maghintay na humupa ang ulan. Yung sa akin naman, I believe katahimikan ang solusyon.

Kapag pwede ka na ngumiti pagkatapos ng unos, wag mo i-deprive ang sarili mo. Wag mo isipin na kailangan mo mag-stay dun sa maulap na lugar na yun dahil sa naranasan mo. May karapatan ka maging masaya, at sarili mo lang din kukumbinsi sa sarili mo na pwede ka na maging masaya ulit.

Basta importante, kahit anong mangyari, hindi tayo mag-gigive up. One way or another, dapat ngumiti pa rin tayo pagkatapos ng bagyo. Dapat hindi tayo mawalan ng pag-asa at maglook forward pa rin sa future. Magtiwala na magiging masaya pa rin tayo one of these days. Importante, may mind set tayo na hindi pwedeng laging masaya, pero hindi rin naman pwedeng laging malungkot.

Yun lang.

original post: 8/28/2013
 photo collage.jpg

Saturday, August 31, 2013

Bading siya.

Sobrang miss na miss ko na si Mayk. Gusto ko siya makatabi sa pagtulog. Gusto ko siya makasama. Gusto ko siya mayakap. Gusto ko siya ma-kiss. Wala naman akong ibang choice. Nagwiwish na lang ako gabi-gabi na sana mapanaginipan ko siya, para kahit man lang sa panaginip magkasama kame.

At kagabi nga napanaginipan ko siya. Kaso sobrang sh*tty nung panaginip ko dahil BADING daw siya! Tapos worst, may iba pa siyang mahal! Syempre, lalake yung mahal niya dahil nga bading siya. Hindi ko alam bakit kailangan pa niya maging bading sa panaginip ko. Wala naman akong against sa bading syempre, pero gets mo naman siguro nararamdaman ko kung boypren ko malalaman kong bading, di ba? My Husband's Lover ang peg?

Iyak daw ako ng iyak dahil nakipagbreak siya sa kin. Pero tinanggap ko naman daw na wala na ako magagawa. Sa buong panaginip, ang sakit sakit ng puso ko kase feeling ko totoo talagang nangyayari. Alam mo yung kurba ng bibig mo kapag paiyak ka pa lang? Literal na nagising ako sa ganung state, at paiyak na talaga.

Buti na lang pag-gising ko puro message ng pagmamahal ang natanggap ko mula sa kanya sa wechat, at may blog post din sya dun sa private blog namin. Gising na ko. Panaginip lang. Ayuko na managinip ulit ng ganun.

Pero sh*t talaga, nanaginip na naman ako. This time, pinagpalit na niya ako sa babae! Well hindi naman talaga pinagpalit pero basta may instances dun sa pangalawang panaginip ko na pinabayaan niya ko at yung buong attention niya napunta dito sa isang babae. Galit na galit daw ako. Tapos nung binalikan niya ko, hindi niya alam kung anong ginawa niya para magalit ako ng ganun.

Hindi naman ako naniniwala na may meaning yung panaginip ko, or kung meron man meaning, hindi ako naniniwala na patungkol toh sa pagtataksil ni Mayk sa kin. Imposibleh. Pero aaminin ko, nalungkot ako dahil jan sa mga panaginip na yan. Sino ba namang hindi?

Sige na nga! Okay lang kahit hindi ko siya mapanaginipan, kung ganito lang din mga klase ng mapapanaginipan ko!

At syempre malungkot ako dahil nga napakalayo ko kay Mayk. Nung umalis ako at nagkalayo na kame ni Mayk, medyo nag-swak din yung sched niya sa oras ko dahil panggabi siya sa work. So pag-uwi niya sa umaga nagkakausap kame, and its all good. Pero lately sobrang nawiwindang ako sa binibigay na sched sa kanya. Magkahalong pang umaga at pang gabi. So may mga araw na hindi kame nakakapag-usap. Okay lang naman, kaso ang lungkot lungkot.

At ngayon mas expected pa namin na mas magiging complicated lalo ang communication namin, dahil nga lilipat na ko sa L.A., at wala pang internet or wi-fi dun sa lilipatan ko. Hindi ako nag-aalala sa mismong relasyon namin, dun lang talaga sa form ng communication namin. Walang araw na hindi ko naiisip na sana magkasama na lang kame ulit. Hayyyy.

original post: 8/27/2013
 photo collage.jpg

Wednesday, August 28, 2013

Job offer and Tita L!


Kung gaano katumal ang buhay ko nitong apat na buwang nakalipas, eh siya namang ulan ng blessings nitong mga nakaraang linggo. Naaalala ko tuloy ang mga pagmumukmok ko dito sa blog tungkol sa kalungkutan ko dahil hindi ako makahanap ng trabaho. Pati na rin ang mga comment na todo suporta at palakas ng loob. Yung mga tipong "Pasasaan pa at makakamit mo din ang mga pangarap mo."

At ikkwento ko na nga ang mga blessings na tinutukoy ko.

Kahapon, excited na excited ako sa lakad ko dahil solo flight akong pupunta sa Los Angeles. Sumakay ako ng train. Oo. Feel na feel ko ang mga pagkakataon na ganito kase feeling ko napaka independent ko.

Dalawang oras din ang byahe. At dalawang oras kong pinipilit matulog dahil feeling ko inaantok talaga ako, at nung sa wakas nakarating na ako sa REM stage, eh isang station na lang kame hanggang sa destination ko.

Hindi ko pa pala nasasabi bakit nga ba bigla akong pupuntang L.A.

Ito na! Sasabihin ko na! Pumirma na ako ng job offer!!!!! Oo!! May work na ko! Totoo na toh! At nasabi ko na, na temporary lamang ang trabaho na toh! At titingnan pa nila kung i-reregular ba nila ko or not base sa performance ko!! Pero masaya pa rin ako! Hindi kame agad nag-usap kung kailan ako magsisimula. Dito kase sa states laging may background
check kahit saan ka magpunta. Kahit dun sa volunteer job ko, hindi ako basta-basta natanggap dun. Ang dami ko ding inasikaso doon (paper signing, medical at background check) bago ako na-clear at natanggap bilang volunteer. Parang NBI baga sa atin, pero imbis na pipila ako sa napakahabang pila sa NBI eh ibibigay ko lang sa kanila ang mga kailangang impormasyon at sila ng bahalang magprocess ng lahat.

So in short, maghihintay pa ulit ako ng mga isang week (ayon sa HR na nag-asikaso sa kin) which is tamang-tama lang para sa kin dahil may gathering ako kasama mga relatives ko sa San Diego, at dahil maglilipat pa ako ng tirahan!

Oo!! Mag-momove na ko sa L.A!! Which is exciting kase mabubuhay ako mag-isa muli! At ang totoo niyan, kaya feeling ko sobrang blessed ako dahil nakahanap na kame agad kaninang umaga ng malilipatan ko!

Ang original plan talaga eh maghanap ng studio type apartment para sa kin. Meron naman kameng nahanap na nag-swak sa budget ko, kaso sabi ko nga di ba? Lahat dito bina-background check. Plus, gusto nung mga apartment na napuntahan namin eh ang proof of income ko! Eh hello? Di pa nga ako nag-uumpisa mag-work.

So hanap ulit kame (kasama ko ang Dadi ko at step-mom ko). Naghanap kame sa mga Filipino store ng mga fliers na advertised din ng mga kabayan natin. At dun nga namin nakita ang magiging land lord ko simula ngayon na tawagin na lang nating si Tita L!

Hindi 'to apartment, ito ay residential house! So para akong mag-boboarding house! Pero naging kampante sila Dadi dahil nga si Tita L ay Pilipino rin! Tapos unlike nung mga una naming pinuntahan na apartment eh may gamit na ang kwarto na rerentahan ko. (Hindi ko na pproblemahin ang pagdadala ng mga gamit at furniture na panibagong gastos pa). Maganda ang bahay, halatang na-mamaintain! At mabait at masayahin si Tita L! Actually, feeling ko super close na nga agad niya kay Dadi at sa step-mom ko! At eto pa ang panalo, may TFC sila Tita L!

Sobrang blessing na makita namin si Tita L! Masaya ako dahil nahanap namin ang fliers niya!!! Feeling ko talaga ni-lead kame ni Lord sa kanya. Kase ang baba lang ng deposit namin, at wala ng mga background check at hindi na rin nanghingi ng proof of income! Thankful talaga ako!

Sabi ni Tita L. "Safe na safe ang anak niyo dito." Una ko agad naisip, "Shet, hindi ako makakapagyosi dito." Haha! Sign yata ito na kailangan ko na tumigil. Pero mas pipiliin ko na syempre na may matirhan kaysa makahanap ng lugar na mapag-yoyosihan.

original post: 8/24/2013
 photo collage.jpg

Monday, August 26, 2013

Appreciation.

Tinawag ako nung boss ko. May sasabihin daw sa kin sa meeting room. Punta naman ako agad, and when I entered the room, there were foods on the table, and all of them are smiling and shouting "SURPRISE!" o "CONGRATULATIONS!" o basta. Hindi ko na maalala kung ano nga ba sinisigaw nila kase masyado akong na-overwhelm sa kaligayahan, at ang unang tanong ko talaga ay, "bakit?" na para bang hindi ko deserve ang hinanda nila para sa kin.

Para daw yun sa pag-tulong ko sa office at sa pagkatanggap ko sa trabaho sa L.A. I felt so special. Nasabi ko na toh sa nakaraan kong post, dito. Sobrang na-aacknowledge talaga ang maliit kong presensya sa office na yun.

Pinaupo nila ako agad, tapos may letter para sa kin na sinulatan nila lahat at may maliit na bouquet ng flower na nakalagay sa isang maliit at cute na vase sa harapan ko (na nung una hindi ko pa pinansin kase akala ko talaga design lang sa table--pero para pala talaga sa kin). At pagkatapos nung muntikan kong pagluha slash pagtakip ng bibig slash pag-dilate ng mata, hindi ko na alam kung paano ko i-eexpress in words yung gratitude ko sa pinapakita nilang appreciation sa akin. Nakalutang ako sa kaligayahan kanina.

Ang sarap pala sa feeling pag binigyang pansin yung mga maliliit mong contribution kahit hindi mo hinihingi at nang hindi mo ineexpect.

Doon sa inapplyan ko sa L.A., habang nag-fifill-out ako ng form, may pinabasa din sila na storya sa kin  (na I guess pinapabasa din nila sa lahat ng job applicants nila). Hindi ko na maalala kung ano yung buong kwento, pero medyo naaalala ko pa yung idea. At gusto ko i-share sa inyo ang kapiranggot na value na nalanghap ko from it.

Ang kwento ay tungkol sa pagbibigay mo ng best mo sa trabaho. Lahat tayo gustong mag-succeed, pero hindi lahat kayang ibigay ang lahat para mag-succeed. Gaano ba talaga ka-importante yung maibigay mo ng buong-buo sa kumpanya ang unique mong kakayahan? Gaano ka-importante na malinis at tapat ka? Worth it ba na maibigay mo ang mga ganitong klaseng effort ng todo-todo?

I mean, alam natin na minsan ang pinaka-motivation natin para magtrabaho eh mag-survive at kumita ng pera. Nag-wowork tayo para sa sarili natin o di kaya para sa pamilya natin. Minsan madami ring issue at problema sa araw-araw. Pero magttrabaho na rin naman tayo, mapapagod na rin naman tayo, magsasayang na rin naman tayo ng sandamakmak na oras araw-araw, bakit hindi pa natin gampanan ang kailangan nating gampanan, bakit hindi pa natin gawin ang dapat gawin, tapusin ang dapat tapusin? o higitan pa ang lahat ng ito?

Para naman yung effort at oras na nilustay natin eh mag-grow. Parang halaman na hindi mo lang basta tinanim, kundi diniligan at nilagyan mo na rin ng fertilizer. Hindi lang tayo sa kumpanyang pinapasukan natin mag-ggrow, kundi mag-mamature din tayo personally at professionally.

Sa huli, yung maliliit na effort mo eh magbubunga ng malaki. Hindi ba masarap sa feeling yung hindi mo namamalayan, asset ka na pala sa kumpanyang pinapasukan mo? Hindi ikaw yung luluhod at magmamakaawa sa boss mo para wag ka tanggalin sa trabaho. Baka nga isang araw ikaw pa yung maging boss eh, di ba? Pwede ring pag-agawan ka pa ng mga kumpanya. Maaaring tumaas hindi lang ang sweldo mo kundi pati na rin ang dignidad mo para sa sarili mo.

Hindi ko sinasabi na madali, lalo na't may history ako ng pagsuko sa mga nakaraan kong trabaho. Pero hindi rin naman imposibleh di ba?

At tingin ko, kung ang trabaho mo ngayon ay ang pangarap mong trabaho, siguradong mas malaki yung chance na mag-susucceed ka sa trabaho na yan. Advise nung boss ko sa kin kahapon, kapag hindi mo gusto ang trabaho mo, QUIT! Wag ka na magsayang ng oras sa bagay na hindi mo gustong gawin. Magmadali ka na maghanap ng trabaho na nakikita mong successful 5 years from now. Sabagay, may point siya. Simple lang naman di ba? Mahirap nga naman gawin ang bagay na ayaw mong gawin.

Na-inspired ako. Lalo na sa pagmamahal na pinakita sa akin ng mga katrabaho ko sa volunteer job na toh, it was so rewarding and fulfilling! Nakakataba ng puso. Feeling ko tuloy ngayon, handa na ako ibigay ang best ko sa future endeavor ko.

Original post: 8/21/2013
 photo collage.jpg