Wow.. vanity again like I used to do sa aking blog. (: Artista ako ng sarili kong storya, syempre dapat nagkalat ang picture ko. Although at the moment ako ay super paranoid dahil nga sa feeling ko masyado nang expose ang aking kagandahan sa buong internet. Tsaka ang dami ko ng data na para bang I wanna grab it all at itago sa some place safe. Anyway...
Hi! Ito ang mukha ng inaallergy. Pero kung tatanungin niyo po kung allergy yung dalawang bagay na nasa mukha ko sa picture na yan eh hindi po ang isasagot ko. Yan po ay mga pimples. Lately super dinagsa ako ng pimples, parang may world tour lang sa dami nila.. wala ako magagawa.. dahil parte nga yata talaga ng buhay ang pimples.
Pero hindi rin about sa pimples talaga ang post na ito. Gusto ko lang magpost kase may cute na bata akong nakita kanina. Hayyyy.. sana may ganun din ako.
Kase nasa Jollibee kame ni Mayk, tapos kamot ako ng kamot sa aking wrist at sa likod ng tuhod ko (POPLITEAL po ang tawag sa part ng katawan natin na ito) na kasalukuyang makati kase nga nandun nagkukumpol ang allergy ko at those very moment. May mag nanay akong katabi na nasa kabilang table. Di ko naman sila tinitingnan at pasensyosa akong naghihintay kay Mayk na nasa counter at umoorder ng pagkaen. Although nakikita ko sila sa gilid ng aking mga mata, hindi kase ako mahilig mag people watching, kung baga respeto, ayuko mag-stare sa mga tao masyado, minsan lang. Kaya kahit katabi ko yung mag nanay, dedma lang. Full focus at kabadtripan ako sa allergy ko. Kaso ito na yung cute na part. Yung bata, super liit lang, parang mga 2 or 3 years old lang, naglakad na siya, nauna siya sa Nanay niya, tapos may hawak siyang pagkaen (hindi ko maalala kung float ba or fries, basta something eh), medjo nag-aayos pa ng lamesa yung nanay niya, tapos napatingin ako sa kanya, tumigil siya sa harap ko.. sa harap nung table ko, tapos tumingin siya sa akin... super inosente nung mukha.. tapos.. tapos... nginitian ko siya...
At...
Hihihihihihihihihi... ang cuuuuuuttttteeeeeeeeeee!!!!!! Ngumiti din siya pabalik sa kin!!! Tapos ang cute cute niya nung ginawa niya yun.. na parang.. ihhhhh!! Sana may ganun din ako... tapos nanjan na yung nanay niya tapos naglakad na sila paalis tapos psway sway pa siya maglakad.
Waaaah. Wala lang. Ang cute!! Kailan kaya ako magkakaroon ng ganun ka cute na baby! Hihihihihi! (:
Ayun lang naman.. siya lang naman ang nagpasaya sa araw ko kahit na allergy allergy everywhere! Hay!

Nakakatuwa yun, parang yung cute na Korean baby na nakasakay ko sa elevator sa Sofitel, ngitian kami. HAHAHA. XD
ReplyDeleteSan ka nga pala allergic te? :)
Naku nakakatuwa talaga ang mga ganyang bagetz. Super sarap yakapin at pisilin ng pisngi haha
ReplyDelete