Tatayo na ko, maghahanap ng supas. pero nakatingin sa kin at parang may sasabihin yung katabi ko na hindi ko alam kung lalaki or baliko. Taga ibang department, yung department na katabi namin lagi ngayon. Bigla niyang sinabi sa kin na parang ang kalmado ko pa rin kahit nakakainis na yung usapan, kung siya daw yun, baka kanina pa siya nagwawala sa mesa niya. Wow. Na-flattered ako konti.
Natuwa ako syempre. Naging proud ako para sa department namin. Naalala ko bigla yung sinabi ni Coach dati kase sabi niya, challenging pero worth it. Blessed talaga ako na na-experience ko mapunta sa ganitong department. Dalawang beses nga yata ako napagkamalan ng member na supervisor. May ngiti sa mga labi ko... pero, last day ko na kanina.
Yung desisyon na naman na toh, isang desisyon na nagawa ko na sa nakaraan. Pero, infairness, ito ang isa sa mga pinakamahirap na desisyon na hinarap ko sa buhay ko. Ngayon lang ako naging sobrang AMBIVALENT! Usually, pag gusto ko, gusto ko. Pag-ayaw ko, ayaw ko. Tapos! Ito.. super, sawsaw suka ako.
Sobrang blessed ako kase kasundo ko lahat, kaibigan ko na lahat, at blessed ako sa mga naging leader ko na sobrang bait, sobrang supportive at sobrang considerate.
Walang problema sa environment, walang problema sa mga entertainment, mga contest at kung anu-ano pang mga bagay na pinapauso ng company na masasabi mong magbibigay ng kulay sa working environment mo every week.
Nung una ko ngang nalaman na ang department na mapupuntahan ko ay isa sa mga department na mayabang, eh natuwa ako. Kase naman, taas noo kame kapag nakikipag-usap sa mga member. Hindi kame ang department na OO lang ng OO, may sariling prinsipyo baga.
Pero kailangan ko pa din umalis.
Masarap sa feeling yung pinipigilan ka, kung baga, mararamdaman mo din na shet kahit konti importante ka. Madalas nila ako kumbinsihin na wag na umalis, matagal pa naman ang flight, minsan feeling ko successful sila sa pagkumbinsi sa akin. Pero, unang-una, nasabi ko na, pangalawa ayuko na silang paasahin.
Nakapag-decide na ko. Alam ko, may mga good and bad desisyon ako, pero, whatever! Kahit naman ano maging desisyon natin, there will still be something good pa rin na lalabas at lalabas out of it, kaya totoo lang, hindi ako nag-aalala.
Pero, gusto kong magpasalamat.
Thank you sa aking COACH at TL. Super. Kahit na alam niyong aalis na ko, todo support pa rin kayo, lalo na kapag sumasaklolo na talaga ako sa sitwasyon. Totoo lang, di ko nga alam kung sapat yung thank you eh. Kase naman lahat na ng consideration para sa isang katulad ko na lalayas na at hindi naman deserving eh binigay niyo pa din.
Thank you sa mga friendship. Di mo talaga mapipigilan kase maka-close ang mga lagi mong kasama. Pero thank you kase kahit konti hindi ako nagkaroon ng kasamaan ng loob sa inyo, ang gaan niyo kasama at ang weweird niyo at lagi niyo ko napapatawa at mamimiss ko ang ka monotone ni Miggy, ang kalampahan ni Tin, ang lumilipad na utak ni Chee, ang kasweetan ni Mami Alice, ang kagandahan ni Janene at syempre si Clar din (sige na nga mabait ka na at kwela) na buong buhay ng training ko jan eh kasama ko! At syempre sa pinakamamahal kong si AnnaB! Na super supportive din sa lahat ng naging desisyon ko! At ang the rest na mga nilalang na hindi ko na mababanggit dito!
Anyways, ang arte masyado.. kala mo naman end of life na! Magkikita-kita pa naman tayo di ba? Dahil alam ko magtatagaytay daw tayo eh! Hahahahahahaha! Basta alam ko may lakad pa tayo! Wihihihihihi!! (:
I love you guys! Geh! Chao!




I hope that our road will meet again my friend.
ReplyDeleteYou have taught me a valuable lesson.
The story that you shared to me about a man that was about to give up to reach his goal but he made a game plan to reach his goal step by step. It encourage me to pursue my goal further.
Thankz Kamille and may God bless you.