Pages

Monday, February 25, 2013

A Trip to Thank for.

Matagal din kameng nagplano ng lakad namin sa Baguio. Excited kase first time out of town na solo naming dalawa ni Mayk. Maraming salamat sa mga blogs at forum na nabasa ko tungkol din sa mga lakad nila sa Baguio na super big help talaga sa aming pagpplano. Read niyo yung itinerary I made dito: BAGUIO and MANAOAG ITINERARY. Gumawa ako dahil alam kong malaking tulong talaga toh para sa ibang nagreresearch din. Pati mga presyo nung mga ginastos namin na basic nandun din.

Sa ngayon, gusto ko muna syempre idaldal ang maraming blessings na natanggap namin ni Mayk during the trip. Magiging mahaba-habang daldalan toh, kase nandito na lahat. Nakakatamad nga toh basahin eh, kahit ako tinatamad. Hahaha.

1st Blessing: Chance Passenger


Ang unang plan talaga namin ay dumaan sa Our Lady of Manaoag Church sa Pangasinan before tuluyang dumerecho at maglakwatsa sa Baguio. Pero may ibang plano si Lord sa amin, na later on, na-realize namin was a better plan than our original plan.

Super check ang plan namin, pero pagdating namin sa Victory Liner Terminal dito sa Earnshaw, Manila, para sana bumili ng ticket ng 11:00pm na schedule na byahe, eh may nakalimutan pala kameng gawin!!! Ang mag inquire at magpareserve!!! Bakit kase sa lahat ng kakalimutan eh ayun pa? Sa terminal na toh tuwing Linggo lang daw pala sila may byaheng dumadaan ng Manaoag church mismo. Okay fine, sige, Baguio na lang kame dederecho. Pero, what the heck? Fully book naman ang papuntang Baguio!!!! Kase nga naman Panagbenga kase ngayon. Hindi rin naman namin sinasadya na i-plano sa mataong okasyon ang trip namin.

Kunot na noo ni Mayk paano ang next na byahe na papuntang Baguio ay 6:00 am na! Sabi naman nung nasa counter, try daw namin maging chance passenger. Sabi ko naman, ano yun? Yun daw yung pag di dumating yung nagpa-reserve or late pwede kameng makasakay. Ang inaalala ko naman dito, una, walang kasiguraduhan, lalo na nga Panagbenga nga, at pangalawa, yung nasa isip ko na magkatabi kame ni Mayk sa napakahaba at napakalamig na byahe papuntang Baguio ay baka di na mangyari, syempre uupo na kame sa tira-tirang upuan eh. Nireready ko na rin utak ko na 6am na nga kame makakaalis at sineset ko na sa utak ko ang mga changes sa itinerary na ginawa namin.

Tinawag na ang mga 11pm trip papuntang Baguio. Sumakay na din ang mga tao para sa trip na yun. Maya-maya, ang kunot pa rin ang noo na si Mayk, ay lumapit na sa guard or sa conductor para mag-tanong. Saktong pagtanong ni Mayk sa conductor kung may available na chance passenger, eh sabi sa tabi daw kame ng bus maghintay, kaya tinawag naman ako ni Mayk para dun na nga mag-abang. Pagkalapit namin, ayun dere-derecho na kameng pinaupo ni kuyang conductor sa dalawang magkatabing sit sa bus. Omaygulay omaygulay omaygulay!! Is this true? Akala ko talaga mabibigo na kame! Super thankful ako kay kuya at lalo naman kay God na sumagot sa panalangin namin.

2nd Blessing: Early bird in Baguio
Pag-apak na pag-apak namin sa Baguio (mga bandang 5am), hindi talaga namin alam kung saan kame maglalakad. Wala kameng mapa. May kaibigan ako na ang sabi sa kin wag naman daw super planado, baka mawala na ang thrill, kaya pinigilan ko ang sarili ko bumili, pero bibili na talaga sana ako ng mapa.

Kaya lakad lang kame mula terminal ng bus pababa ng Session Road. Pak na pak, kase umaambon pa at ang dulas ng sahig. May dalawang manong kame nakasalubong na inaalok kame ng lodge inn na kinausap naman namin out of courtesy.

Sumama kame dun sa isang manong na madaming hawak na mga papel at card mula sa iba't ibang inn at hotel. Yun yung trabaho nila, naghahanap sila ng mga lodge inn para sa mga tourista. Sabi ko naman kay kuya, yung pinakamura lang. Sinama niya kame sa fx van niya at habang nasa byahe, dinaldal niya kame about sa nangyaring aksidente daw sa Marcos Highway.  Nabangga daw yung bus sa truck, 7 namatay yung iba sugatan. Natakot naman ako.



Medyo malayo na din kame nadala ni manong, isang jeep mula sa city proper. Medjo ayuko nun, kase balak nga namin maglakad lakad lang. Pero pagdating namin dun, naging okay na din naman si Mayk sa place kahit walang tv (which is okay lang ulit dahil di naman manuod ang pinunta namin dun), kaya nag-check in na kame. Tsaka naniwala na din kame kay manong sa sinabi niya na punuan na ang halos lahat ng inn malapit sa Session Road (kung saan mangyayari ang parade at mga events) dahil nga Panagbenga! At kaya pala todo rapport din si manong sa min eh dahil may bayad din pala siya, binigyan namin siya ng Php50.00, kala ko nga thank you lang ibabayad sa kanya eh. Okay na din, pero sana next time sabihan naman kame kung may bayad ang mga serbisyo ng mga taong pakalat-kalat sa Baguio (or any tourist spot in this matter). Madaming beses kase nangyari sa min toh na may bayad pala. To be polite lang naman, sana give the tourist a heads up na may kaonting bayad ang serbisyo nila.

Isa pa, okay na din kase super aga, mga quarter to 6am naka-check in na kame eh ang original na plan 11:00am pa kame maghahanap ng inn dahil ayun sa mga naresearch ko usually ganung time nag-checheck out mga tao so ganung time din pwede mag-check in. So maaga kame mag-uumpisa sa gala at wala pa kameng bag na dala!

Dahil nga maaga kame sa Baguio, wala kameng mga kasabay mag-gala at magpicturan. Parang solong-solo namin, kaya nasabi kong naging blessing ang pagkakataon na toh sa min. Kung sakaling natuloy kame sa Manaoag, tanghali na kame dadating sa Baguio at napakarami ng tao nun, hindi sana namin na-experience ang ka-peacefulan sa Baguio sa umaga.

Baguio Cathedral.

Mula sa inn, nag-jeep kame pabalik ng city proper. Dapat pipila kame sa Victory Liner para magpareserve ng papuntang Manaoag kinabukasan. Nadala na kase kame sa nangyari nung gabi. Pero dahil mga two hours lang pala ang byaheng pa-Manaoag, maghapon ang byahe nito at walang reservation. Kaya dumerecho na kame sa unang station ng lakad namin which is Baguio Cathedral, which is also known as Our Lady of Atonement Church. Luma na ang simbahan, panahon pa ng mga gera. Dito din yata nakalibing ang mga namatay sa nangyaring carpet bombing noon. At di ko nga alam meaning ng carpet bombing eh. English naman ang misa, kase sabi nung nabasa kong blog Ilocano daw. Di ko lang alam yung homily. Nagdasal lang kameng konti, picture konti at lakad na din sa next na station namin.


Botanical Garden.
Dito na nag-umpisa ang adventure namin sa pagtatanong sa kahit sinong taong makita namin. Although may konting idea ako sa mga sasakyan na jeep, eh hindi ko naman alam saan ang terminal ng mga jeep. Tinuro kame sa may Mabini St. at sumakay kame dun ng byaheng Mines View. Sumakay kame sa unahan, at nagpasabi na lang kay manong jeepney driver na ibaba kame sa Botanical Garden.



Oo, jeep lang kame. At super nakakapagod toh. Usually ang mga nakita kong forum eh nag-tataxi daw sila. Meron ka daw ma-rerent na taxi na i-totour ka sa buong Baguio in a day. Pero mga Php 1K to Php 3K daw yun. Magastos masyado. Kaya ang ginawa na lang namin ni Mayk, jeepney papunta sa mga destination at kada balik sa city proper taxi. Mura lang naman, kase Php35.00 ang start ng taxi at mababait ang mga taxi driver, 100% walang nandadaya at nagbibigay ng saktong sukli, kahit piso pa yan. Yun nga, walang aircon ang taxi kase nga malamig naman sa Baguio. Thumbs up talaga ako sa mga taxi sa Baguio.



Mabalik sa Botanical Garden, syempre nag-ikot-ikot na kame, inaapreciate ang mga halaman at bulaklak doon. Plus naghahanap ng restroom. Ihing ihi na ko. Dito ko nakilala ang CLEAN COMFORT ROOM ng Baguio. Kaso lang sarado pa dahil nga sobrang aga namin doon. At bigo rin ang iba pa na naghahanap ng mapaglalabasan ng wiwi nila. Sa lahat ng dako ng Baguio, makikita mo toh. Pagbaba nga namin sa Manaoag, hinahanap ko pa din toh eh, kaso wala na. Okay na okay, kase malinis nga naman, kahit na pay-rest room ito  sa halagang Php 5.00, sulit na rin para sa mga tourista na katulad namin. Nag-ikot pa kameng kaonti sa Botanical Garden, at boom maya-maya nagbukas na ang comfort room.



Sandali lang kame dun sa garden. Di nga namin alam na mahaba pala yun eh, wala kameng idea. Lumabas na kame agad at si Mayk naman ay na-excite sa nagtitinda ng Strawberry Taho, gusto niyang tikman, kaya bumili kame at nagtanong na rin kay manong kung saan ang papuntang The Mansion. Sulit ang Php20.00 na taho kase tinuro naman niya sa amin ang dereksyon.



Nung nagsisimula na kame maglakad, nakita namin ang malaking sign ng Botanical garden, kaya naisipan namin mag-picturan dun. Biglang may matanda na naka-costume ang lumabas sa gilid ko. Another may bayad na naman. Although okay lang ulit, pero totoo lang di ko naman siya kailangan para ma-enjoy ko ang picture namin sa Botanical garden. Sabi niya penge daw pangkaen, tapos binigyan ko siya ng bente, pero di siya nakontento sa bente, gusto niya mas malaki pa dun. Hala! Parang masyado naman yata inaabuso ang mga tourista pag ganito.

Wright Park.


Malapit lang ang Wright park. Dere-derecho from Botanical Garden, papunta dun sa Park Circle, tapos from there pwede ka na manghula kung saang kanto ka lulusot. Hehehe. Madaming kabayo sa Wright park, pwede ka sumakay. Pero hindi ako sumakay, dahil ayuko. Kaya naglakad-lakad lang kame dun at inenjoy ang paligid papuntang The Mansion.


The Mansion.


Magkatapat lang ang Wright Park at The Mansion. Bago tumawid, may nag-aalok na sa amin na taxi na Php 1,500. Yun nga yung magtotour na sa buong Baguio. Kaso kailangan na naming i-reject ang offer dahil meron na nga kameng prior plan sa lakad na ito. Tumawid kame mula Wright park papuntang The Mansion at winelcome naman kame nung sundalo na guard dun. Inalok din kame nung guard na yun ng The Mansion souvenirs na mga mug, ballpen at iwas kotong daw na sticker. Nahiya ako para kay sundalo kase nagbebenta siya, lol. At iwas kotong pa talaga ang binebenta, I mean, yun ba ang solution sa kotong? Tapos paglabas namin, hinahabol na naman kame nung mama na nag-aalok ng taxi. Nakaka-stress! Sabi niya, pipicturan daw niya kame sa tapat ng the Mansion, for free! Yun pala, kaya ganun eh gusto niya i-explain sa min ang offer niya. Hay naku kuya, stress! Maganda ang offer ni kuya, at mukha naman siyang mabait. Wala kameng against sa kanya. Kaso nga, okay na kame sa plano namin at nag-eenjoy na kame sa pagcocommute at paglalakad, kaya agad din naming ni-reject for the second time ang offer niya at tuluyan ng naglakad papuntang Mines View naman.



Mines View Park.
Woooh. Malayo-layo palang paglalakad mula The Mansion, papuntang Mines View. Dumaan kame sa Romulo Drive at Outlook Drive na pataas baba ang daan.

Outlook Drive

Naliligaw na.
Nadaanan din namin ang Mines View Park Hotel. Sa Mines View, nagpapicture kame sa isang St. Bernard dun, tapos nagpapicture din kame ng naka-costume. May bayad yung mga yun. Sa St. Bernard, yung mga malapit na sa view eh mga Php 10.00 - Php 20.00 lang. Pero yung malalaking dogie sa entrance, mga Php 50.00 yun. Mga 3 - 4 pictures or minsan unlimited din. Yung costume naman, Php10.00 each person. Tapos pwede kayong magpicturan all you want din.







Sa Mines View na rin kame namili ng mga bonnet, t-shirt and key chain souvenir. Pero nalaman ko na mas mura pala mamili sa Maharlika na matatagpuan sa lower part of Session Road.

Good Shepherd.
Mula Mines View eh naglakad kame papuntang Good Shepherd. Sikat na sikat ang Good Shepherd sa mga Ube Jam, Strawberry Jam nila. Bumili ako ng paborito kong Ube Jam, hehe. Okay lang bumili ng mga ganun sa Good Shepherd, pero pagdating sa Strawberry mismo tsaka iba pang product, mas maganda ng bumili sa may terminal ng Victory Liner. Bukod sa practical na kase sasakay ka na naman ng bus e

Good Taste Restaurant.
From Good Shepherd, nagtaxi na kame pabalik ng city proper at nagpahatid sa Good Taste Restaurant. Tinikman namin agad ang Buttered Chicken at Chopsuey nila. Grabe busog na busog kame. At pang-apatan na tao yata na-order namin eh dalawa lang kame. Meron pa tuloy kameng take-out. Kaya din kase Chopsuey dahil alam naman natin na fresh na fresh ang mga gulay dito sa Baguio.



After ng pang-gerang lunch namin ni Mayk eh naglakad na kame papuntang sakayang pabalik ng lodge inn namin. Super masaya din ang maglakad at mag-commute kase mas magiging familiar ka dun sa place, mas may interaction ka sa mga tao tsaka mas maaapreciate mo yung adventure. Ang mali lang sa ginawa namin eh nilakad namin mula The Mansion hanggang Mines View. Ang nega lang sa ginawa namin eh first part pa lang toh ng araw namin eh pagod na pagod na kame. Kaya mag-jeep na lang sa susunod. Pwera na lang kung sanay na sanay talaga kayo sa lakaran o mga hiking. Tsaka malamig naman, hindi kayo pagpapawisan!

Philippine Military Academy.
Dahil sa pagod, natulog kame ng isang oras sa lodge-inn, nag charge muna. Masarap kaya humilata after ng busugang kaen. Pero after nun, go na ulit kame. Nagtanong-tanong ulit kame saan yung sakayan papuntang PMA. Ang magandang sakyan na siguradong papasok ng PMA ay KIAS-PMA. Meron kaseng jeep na Loakan, pero hindi pumapasok yun. Tsaka make sure na may I.D. kayong dala kase hinihingi yun sa PMA.



Habang nasa byahe, ang dami ko talagang napapansin sa Baguio, katulad nung mga bata, mga nakapants nga naman sila papuntang school dahil malamig. Puro mga naka-short kase ang mga bata sa Manila. Tapos marami din akong nakikitang naka-boots.



Malayo pala ang PMA, ang tagal namin nasa jeep. Pagdating dun, yung PMA museum na agad ang pinuntahan namin. Tapos nag-ikot ikot lang konti sa PMA. May mga sundalo din kame nakita na nagppractice. Tapos sa waiting area kung saan kame binaba, dun din kame sumakay palabas.




Camp John Hay.
Dadaan yung jeep na pabalik ng city proper sa Camp John Hay. Kaya ganun na rin ginawa namin. Pagdating pala sa Camp John Hay, mas maganda kung may sasakyan kayo, or may tour guide, or kung magpplano kayo eh pag-aralan niyo yung pasikot sikot sa Camp John Hay. Kase dahil wala nga kame ka-idea-idea eh hindi na rin ako nag-research.



Ang alam ko lang eh yung History Core na 30 minutes daw lalakarin. Hindi ko rin sure kung part ba ng History Core ang Bell Ampitheater, Bell House, at Cemetery of Negativism. Kase hindi namin naikot ang mga ito dahil pansamantala itong close dahil may event na ginaganap nung time na nagpunta kame. Nalungkot ako dahil yung Cemetery of Negativism nga ang gusto ko talagang makita. Hindi ko binasa sa internet kung anong meron dun kase gusto ko malaman on my own, kaya hanggang ngayon, wala pa din akong idea. Next time na lang.

Harlem Shake
 


Totoo lang habang nasa Camp John Hay, parang kailangan ko talaga ng mapa. Pero masarap, parang ang sarap mag-jogging dun, at maglakad lakad, kahit pataas pababa ang daan. May mga kainan din sila. Gusto ko nga tikman yung cocoa sa batirol, pero hindi namin nakita yun kase feeling ko nga naliligaw na kame. Hahaha. At may daanan dun na lalabas na ng Wright Park, pero nung nakita ko na pataas na naman yung daan, sinabi ko na kay Mayk na gusto ko nang mag-taxi. Hehehehe. Kaya nag-taxi na kame pa-Burnham park.




Burnham Park.




Dahil Panagbenga nga, madaming mga flower contest ngayon. At yun ang nadatnan namin sa Burnham Park. Ang gaganda nung mga flowers. May mga nagtitinda din ng mga ethnic souvenirs,  mga gawa sa kahoy dun sa part na yun. Tapos nag-boating na kame ni Mayk sa gitna ng Burnham Park. Enjoy na enjoy naman kame ni Mayk sa pagsagwan. Mas maganda mag-boating sa gabi, kaysa umaga.



Dinner.
Hanap kame ng hanap sa Oh May Gulay Restaurant na naresearch ko sa internet. Pero ang mali ko, hindi ko niresearch kung saang banda ba nandun ang Oh May Gulay! Kaya nabigo ako sa paghahanap. At dahil dun, nag-food trip na lang kame ni Mayk sa inn. Nag-uwi kame ng Pizza, fries, burger, spaghetti, beer at vodka. Plus yung take out pa namin na Buttered Chicken at Chopsuey. Over busog! At Pagod, kaya ayun, comatose din.

World War III


3rd Blessing: Panagbenga Street Dance


 





Wala sa plano namin ang Panagbenga! Nalaman ko lang siguro mga 1 week before ng lakad na Panagbenga pala ang napili namin na date na pagpunta dun! Blessing na din na one day before ang isa sa mga main event eh nakarating kame dun, kase at least hindi pa ganun kabaha ang tao. Enjoy ang Street Dance at ang cute ng mga bata na nag-effort talaga para mag-perform. Ang ganda kapag nakangiti sila habang nagpeperform. Pero yung iba di mapigilan na di sumimangot kase nga naman nakakapagod din yung ginagawa nila. 8am nagsimula yung event at mga 10am na natapos.



4th Blessing: Sizzling Plate Baguio: Ready to Sizzle?
Kada magtatanungan na kame ni Mayk kung saan na naman kame susunod na kakaen, eh ang napagbibiruan na lang namin eh,"Yung sa bago naman, sa Mcdo!" Hehehe. Tapos, napatayo kame sa tapat ng Sizzling Plate na restaurant sa session road. Pumasok kame dun, at naisip na namin na dun na lang kumaen. Tinikman namin ang Rib-eye nila na best seller daw. Yaan mo, wala namang matang kasama, tenderloin yung part na inorder namin. Medium or Well done? Hindi ko naintindihan, inexplain pa samin nung mabait na waiter dun. Tsaka nalito ako nung inexplain niya, kase ang gulo ni Mayk, kaya sabi ko na lang, "yung malambot po.." hehehe. Umorder din ako ng sisig nila and chocolate leche flan.

 


Super mabait yung waiter dun, at maasikaso. Kaya ko pala nasabi na blessing toh dahil una, na-satisfy ako kahit nabigo ako nung di namin nakita ang Oh My Gulay. Tapos, bago napuno ang restaurant, halos kame ang unang-una na dumating dun. Di na namin kailangan maghintay. At nakakatuwa talaga yung waiter. Sabi pa niya sa amin, mag-ingat daw kame kase madami na rin daw magnanakaw sa Baguio. Di naman talaga natin maiiwasan yun siguro, lalo na matao na rin sa Baguio. Thanks Manong! Thumbs up sa Tenderloin Steak! Yum yum!

5th Blessing: To Manaoag: Saktong two sits.
After ng kaen, dumerecho na kame sa old Victory Liner terminal dahil nandoon yun mga bus papuntang Manaoag. From inn, nag-check out na at nag-taxi na kame ulit papunta doon sa terminal dahil madami na kameng dalang gamit ulit. Pagsakay namin sa Victory Liner bus na byaheng MANAOAG-DAGUPAN, eh saktong dalawang sits na magkatabi ang nadatnan namin. Puro bungi na yung mga upuan. Kaya feel na feel ko talaga full guidance si Lord sa lakad namin na toh.



2 hours ang byahe namin papuntang Manaoag. At pababa ng bundok, takot na takot si Mayk sa bangin, dahil nga bangin yung dadaanan ng bus. Nag-enjoy naman ako.

Our Lady of Manaoag Church and our 6th Blessing: Dagupan Bus
Napaka-importante sa kin ng church na toh dahil nagpupunta kame dito dati nila mama at nila daddy nung medjo bata bata pa ko at nung buo pa kame. Ito talaga ang gusto kong unahin sa lakad namin ni Mayk dahil gusto ko nga ipag-pray ang kuya ko na magboboard exam. Kaso tungeks, akala ko ngayong February 23 siya mag-eexam, next month pa pala. Kaya okay lang pala kahit hinuli na naming tong pagdaan sa Manaoag.



Nung nakababa na kame sa Pangasinan, gusto na ulit bumalik ni Mayk sa Baguio dahil ang inet na ulit. Hahaha. Sabi ko sa kanya, "so bibili ka na ng aircon niyan?" sabi naman niya, "hindi bibili na ako ng bahay sa Baguio." Napabili tuloy kame ng halo-halo! Haha!



Tsaka, sabi ko nga, hinahanap hanap ko yung mga clean comfort room ng Baguio. Hahaha. Tsaka feeling ko kase nung nasa Baguio ako walang manloloko sa kin, dahil mababait nga ang taxi driver.

 


Anyway. Nagdasal kame ni Mayk, umakyat dun sa taas para mahawakan ang saya ng birhen, at nagsindi ng kandila. Bago na ang groto sa Manaoag, at yung part kung saan ka pwede magsindi ng candle. Naisip ko nga agad sila mama, parang gusto ko ipaalam sa kanila na bago na. Hehe.



Nung pauwi na kame, dito na talaga ako kinakabahan, kase natatakot ako na baka wala kameng masakyan pauwi. Hapon na din kase, mga quarter to 5pm. Kaya nung kumaen kame sa chowking for dinner eh medjo apurado ako na matapos para makapaghintay na sa waiting shed sa tabi nung munisipyo. At hola! Parang dumating talaga ang bus para sa amin. Pagkatapos ng kaen namin, may bus na naghihintay sa tabi ng munisipyo. Napatakbo si Mayk sa excitement, ako din. Hay Thank you Lord. Naging kalmado na ulit ako.



7th Blessing: Safe and sound.
Nakauwi naman kame ng mapayapa sa bahay, kala mo di pagod, readyng ready pa makipagdaldalan sa mga tao sa bahay. Hindi na natuloy ang plano namin na humabol pa sa Hot Air Balloon, dahil masyado na kameng late natapos sa Baguio at Manaoag. Pero okay naman at sulit ang lakad namin ni Mayk. Fulfilled at thankful.

At ito lang naman. May balak pa kame bumalik sana sa Baguio kasama naman ang family ni Mayk. (: Ayun lang. Chao.

**********

3 comments:

  1. Ayeeeeeeee! Ang sweet naman niyo. Dream place to visit ko yung Baguio and kahit kailan di pa ako nakarating. hintayin mo ako Baguio!

    By the way, totoo ba yung St Bernard or statue lang?

    ReplyDelete
    Replies
    1. hihi.. totoo yun.. madaming st.bernard sa baguio.

      Delete
  2. parang ang sarap tuloy mag-baguio..

    ReplyDelete

Anong meron?