Pages

Saturday, March 31, 2012

Pag naka-toga CONGRATULATIONS agad? Hindi ba pwedeng SAMPAGUITA INTERLUDE muna?

It will be easier to go and talk about the good stuffs. SO dun muna ako magsisimula. <3
We had our Baccalaureate Mass and 74th Annual Sampaguita Interlude. I know weird, wala kameng clinical graduation, instead para kameng mga kinder na tinuruan sumayaw sa gitna ng quadrangle para magpakitang gilas. Sampaguita Interlude is a big tradition sa aming school. It is passing something from the Seniors to the Juniors na maiiwang magpapatuloy ng Ciencia Y Virtud ng aming pamantasan. (Chos) Sayang wala akong video nung actual na interlude talaga.

Pero, para ma-visualize mo ng todo-todo, ganito yun, kumakanta kame at bumubuo kame ng something like these:



Yung mga naka-white, yun ang mga Juniors, at yung black ay mga Seniors na mga naka-toga (hanapin mo kooo.. hanapin mo ko!!). Nung Junior ako, umattend din ako ng ganito. Nagpalitan kame ng Sampaguita necklace nung ka-partner ko. At syempre, ganun din ang nangyari ngayong taon, ang kinaibahan lang, ako na yung magpapaalam, at sila naman maiiwan.

Sa left, with my classmate Zin, at sa right ay recent picture sa Sampaguita.
Napagkamalan lang ang picture na nakatoga na graduate na! Kapag nakatoga, CONGRATULATIONS agad?

Masaya din ako kase nung junior ako, sagigilid lang ang papel ko sa Sampaguita, pero ngayon, buong interlude, nasa petals kame..!!! (Lalala..ang iyongggg talulooottt ang siyang tunay......) hahahaha :) Masaya. Pero sa wakas natapos na din, tapos na din ang LSS. Nakaka-LSS kase yung mga kanta sa Sampaguita. Pag nasimulan mo na ma-LSS, tuloy tuloy na yan. Yung tipong kapag wala kang magawa sa classroom, habang nasa jeep pauwi, o habang kumakaen, yun agad ang maiisip mong kantahin!


Totoo lang, naiiyak ako bago magsimula ang Sampaguita, kase unang-una, na-apreciate ko talaga ang Sampaguita. Ito kase ang isang bagay na wala sa ibang school. Sobrang PRICELESS. Pangalawa, kase wala man lang pumunta sa kaganapan na ito. Wala si Mayk na expected kong aattend. Kaya medjo nabitin yung passionate feeling. Pero yung appreciation pa rin dahil natuloy yung sampaguita, lalong lalo na na umaambon na during the time na nagsisimula na kame, ay ah! ay grabe! AY OO! Thank you na lang talaga hindi lumakas ng todo-todo yung ambon, natapos naman namin ng malumanay at mahinahon with sprinkles of blessing all around.

At ito ang ilan sa mg pictures nung araw na yun.

Shamie, Jake, Me & Dawn

Some of my classmates <3
Nag uwian na kase yung iba! Wala tuloy buong pictures ng buong klase!

and

a picture with our Dean. <3

Sampaguitang mabango...
Bulaklak ng bayan ko..
Lalalalalala.






**********

1 comment:

Anong meron?