Pages

Saturday, March 17, 2012

Isang mahabang wala lang



OMG. Tagal ko na hindi nagsusulat. Hindi sa hindi ako nag-aatempt, sobrang araw-araw much, sinusubukan ko. Ngunit lahat napupunta sa draft. Mahabang kwento na ang nalagpasan. HINDI na ako busy. Ako ay nagmumuni-muni much na lang. Pagod sa school pag-uwi, as in, kaya pinipili ko na lang matulog afterwards. Yun yun. 

Masaya ako today, dahil sa wakas!!! Nakapagpalinis na ako ng toe nails (arte), kase naman tatlong buwan na yata nakalipas, bulok na bulok na yung kuko ko. Baboy lang.

Pero yun nga, busy much.

Una kong reklamo is walang pahinga sa pagrereview. Alam ko naman importante yun, pero siguro naman kahit ang isang mukhang bobong katulad ko eh kailangan din naman ng pahinga. Buti na lang talaga eh nagkaroon ng strike nung isang araw ang mga jeep, kaya nawalan bigla ng pasok. THANK YOU LORD!!! Kaso yun lang din ang pagkakataon ko na mamili ng graduation dress, WALA PA AKONG PERA! Pero nakabili naman din ako kahit papaano.

Sa review, okay naman, ang tunay na nagpapasaya naman talaga sa akin ay si Sir Villegas ng SRG at si Sir Jimenez ng Pentagon. Yun lang.

Totoo lang may reviewer na ako ngayon na inenrollan. Hindi ako ganun kasigurado dun, pero pinasok ko na rin. Basta ang importante lang sa akin, after graduation, may direction na ako. Wala din namand daw yan sa review center. Lahat naman kase ng review center may achievement, lahat naman may studyanteng pumapasa at lahat din naman may studyanteng hindi pinapalad. Siguro depende na rin yan sa studyante o depende sa pagkakataon.

Pangalawa ko naman na iniisip eh paano ba ako papayat! As in! Pagod na pagod na ko sa lahat ng procrastination ko. Siguro hindi pa talaga ako ganun kataba! Kase, waley din eh, wala na nga akong paki kahit lagi ako tinutukso nung friend ko. Alam ko naman na kaya niya ako paulit-ulit na tinutukso kase gusto rin niya ako i-motivate na magpapayat. Kaso, hindi ko talaga paano sisimulan, at kung sisimulan ko, paano ko magiging habit.

Actually, malayo ang naiisip kong diet sa mga diet na ideal. Gusto ko mag go-instant! And from there tsaka ako maghhealthy living. Yun ang naiisip ko. Pero! Blurred vision talaga ang goal na yan. Kailan kaya ako maniniwala sa sarili ko na kaya ko talaga? Sabihin ko sa inyo kung sakaling magka-miracle.

Pero aaminin ko talaga, sobrang conscious na conscious ako sa katotohanan na mataba ako. :( Hindi ako masaya. HINDI! Never. Pero hindi ko rin alam paano talaga tutulungan ang sarili ko.

Pangatlo, sa pag-uwi nila Mama and Dad. Hindi ko alam. Awkward feeling ang namumuo sa puso ko. At hindi ko na masyado i-eelaborate masyado ang kwentong ito.





Sa kabuuan, okay naman ako, walang dapat ipag-alala. Actually kahapon, habang nakasakay sa jeep, naisip ko, hmmm.. maggraduate na ako, pero bakit ganun, pakiramdam ko pa rin, wala akong kwenta. Dapat maging masaya ako kase never ako naging repeater sa buhay kong ito... bukod sa namumuo kong bisyo sa pagyoyosi lately, wala naman akong malala na nagawa para ikalungkot ng mga magulang ko. WALA. Bago matapos ang taon, naging achievement ko naman ang research namin. Bakit ganun, parang di pa rin ako deserving. Emoness? Lol. Hindi, napangiti naman ako pagkatapos ko maisip toh (sa sarili ko lang, ewan ko lang kung may nakapansin na mukha akong ulol sa jeep habang nakangiti sa pagcocontemplate sa idea na ito). Pero yun nga, napangiti ako, natuwa ako sa sarili ko, kahit papaano, mabuti akong bata. <3


Ayun lang muna, mamaya pag may naisip pa akong ikwento, ikkwento ko agad sa inyo!


**********

No comments:

Post a Comment

Anong meron?