Hindi sa pagyayabang at pagsasalita ng tapos, pero ako naman talaga ang pinaka-magandang napundar nila sa buong buhay nila di ba?
Naiinis ako. Naiinis ako sa mga binibitawan niyang salita sa kin. Para bang lahat ng pera na ginagastos sa kin hindi ko deserve. Alam mo yun? Yung iba nga jan hindi nag-aaral ng mabuti, hindi matino, yung iba nag-aasawa ng maaga (wala akong gustong patamaan..), ako ito, hindi naman sa subsob sa pag-aaral, pero.... ito na konting padyak na lang, isang Linggo na lang halos, mag-mamarcha na ko.. sana lang di ako madapa.
Sana naman, kahit konti lang. Kahit konting appreciation lang. Kahit konting pagpapalakas ng loob. Kahit konti lang na pagaanin naman niya yung pakiramdam ko. Yung hindi puro negative, puro kabadtripan sa mundo. Alam ko naman na ang dami niyang pinagdadaanan sa buhay naming ito. Halos siya na nagbitbit ng mundo, pero sana naman, kahit isang araw lang.. sana ako naman, hindi yung puro siya, hindi yung puro problema niya.. hindi yung siya na lang ng siya.. sana ako naman..
x'(

:( Cheer up Kamil! >:D<
ReplyDelete