Pages

Friday, March 2, 2012

Be kind for everyone you meet is fighting a hard battle - Plato.

Although we can't always avoid the storms in our lives, we can control our responses. - Dan Millman

Mabilis nag-disapear lahat ng mabigat na nararamdaman ko nung isang araw lang. We just have to let it go. Compare nga naman sa ibang nagdudusa at nag-susuffer out there, sobrang maliit na bagay nga lang naman ang mawalan ng make-up. Lol! (Ang seryoso, make-up lang pala usapan dito.)

Nag-disappear sila. Buong pouch bag ng make-up ko, nasimot. Except sa lipstick, hindi yata type nung culprit ang mga tipo kong shades na pang-labi.

Ang hirap noh? Magpatawad? Lalo na kung hindi naman umaamin yung may kasalanan. Walang ibang choice kundi magpatuloy sa pagiging mabuting nilalang. Sige na, inaamin ko na, mabait talaga ako at maganda.

Sabi nga, it's just a matter of how you'll face the problem. Una, naisip ko, super depressing. Syempre nag-grieving stage muna ako, nagtapon muna ako ng mga ashes doon sa Manila Bay. Tapos pangalawa, nag-contemplate ako. Una kong naisip yung libro na binabasa ko ngayon. Sobrang sakto naman kase ng pagkakataon na nabasa ko yun, (the day bago ko nalamang nanakawan na pala ako). Book ni Dan Millman, hindi ko alam, wala akong idea kung sikat siya o hindi, basta alam ko lang mura yung libro sa Book Sale.

We're always gonna be disappointed at one time and another, pero naisip ko walang kwenta magpaka-badtrip buong maghapon. Kahit ang sarap mag-isip ng revenge, ang sarap mag-isip ng ikasasama niya, pero, pwera plastik, hindi yun ang naisip ko. Sabi nga ni Plato, "Be kind for everyone is fighting a hard battle." Hindi sa wala akong paki sa make-up na nawala ko. Malaking loss din ang make-up ah, malaking pera pinupundar ng ibang tao jan. Halos lahat pa ng make-up ko (dahil kuripot ako) ay galing sa Nanay ko. Pero may kwenta ba na buong araw o buong buhay ko ikasama ng loob ang nangyari? Wala din naman.

Alam ko naman na may isang bagay (o dalawa, o tatlong) bagay na GOOD ang babalik sa kin after this. (Ang plastik pa rin ng dating noh? Pero honestly, totoo toh, yung unang GOOD karma nga ay nareceive ko na!!) And we just have to learn from this experience like, ilang araw din mamamahinga ang mukha ko sa sandamakmak na eyeliner, concealer at blush-on, but I'll just have to use my best asset para lang di mag-mukhang patay na daga, ang aking smile! :) Hahahaha.

We gain the capacity to turn our problems into lessons and lessons into wisdom. - Dan Millman


Dear You,

     Happiness comes from within. Minsan ang kaaway lang naman natin talaga kaya hindi tayo nagiging masaya ay ang sarili natin. You might think that the things that you do makes you happy, but all materialistic things are temporary and will soon go away. Matitira na lang sa atin in the end ay ang mga bakas ng mga bagay na ginawa at hindi natin ginawa.

     Let me just say, that you didn't get anything from me. You are the one who lost something from me.

     Every choices na ginagawa at nagawa mo sa buhay mo, yun, yun ang magtuturo sayo. Be vulnerable para matututo ka. Sometimes the highest action is none at all.

Be kind for everyone you meet is fighting a hard battle - Plato.

From, ME.



**********

2 comments:

  1. mahirap mawalan ng gamit lalo na ang manakawan, pero tama ka wala namang mangyayari kung mababadtrip ka lang di naman nun maibabalik yung nawala sayo.


    "We gain the capacity to turn our problems into lessons and lessons into wisdom. - Dan Millman" ----super love this. =D

    ReplyDelete
  2. "We gain the capacity to turn our problems into lessons and lessons into wisdom. - Dan Millman" bet ko toh! panalo! hehe

    you're from CEU Manila ha, ako rin, hehehe

    www.theoscasanova.blogspot.com

    ReplyDelete

Anong meron?